Dear Besprens

809 12 14
                                    

Okay, sisimulan ko na ang aking mala-MMK na sulat xD!

Okay, napapansin ko kasi these past few days na parami na ng parami, ang naglilitawan na mga fans ng BESPRENS, kaya na-isip ko, papahuli ba ako? Nah, ako pa ba?! xD!

Kung sila, number one, number zero at kung ano ano anong number pa, ako naman ang inyong Positive Zero Fan, oh aarte pa?!

Whaaaaaa!! Grabe, kinakabahan ako, baka hindi mapansin, baka ma-ignore, baka walang may paki-alam, pero thru this letter gusto ko pong ipakita sa inyo kung gaano ko kayo hinahangaan...

Para po kasi sa akin na isang bata lamang, isa sa mga pinapahalagahan at iniingatan ko ang pagka-kaybigan. Ang sarap sa feeling na, merong tao ka na palaging ka-barahan, ka-kwentuhan, at ka-kulitan...

At sa nakikita ko sa BESPRENS, sa inyong lahat, nasa inyo na lahat ehh.. Kung baga all in one package na.. Kahit na sa Wattpad lang lahat nag-simula ang lahat, makikita mo talaga na, nandun yung care, andun yung love, at talagang makikita mo na masaya kayo sa isa't isa. Masaya kaya dun sa kung anong klase ng pagka-kaybigan ang mayroon kayo, masaya kayo kahit na yung tipong lagi nyong hina-hard ang isa't isa...

Yung medyo pagka-masungit type ni Ate Kah, tapos kapag nakita mo yung mga post niya, di mo iisiping siya yung gumawa sa napaka-malditang si Avah, ang bait bait niya kasi :">, as in ang bait niya, tapos ang humble humble niya pa :">

Yung madalas na pangha-hard ni kuya Sic, sa FB! My gosh, nung una ini-stalk ko lang si kuya Sic ehh, sabi ko "Ang pogi naman nito." Tas malaman laman ko Male by body, babae by heart pala sya #Ajujuju, nadurog ang puso ko Y^Y, at hindi ko alam na sa pagi-stalk ko pala sa kanya thru FB, dun ko makikilala ang BESPRENS.

Tapos yung mala-minion na height ni Ate Aly, na madalas gamitin sa kanya sa pangha-hard :3.. Di ko pa man alam at di pa man ako namumulat tungkol sa Bespren ay kilala ko na si Ate Aly. Naka-basa na ako ng ilan sa mga gawa niya, at *O* Yan ang reaksyon ko sa tuwing nagbabasa ng mga gawa niya, at isa pa sa ikinatutuwa ko ay ang pagiging humble niya, although lahat sila ay humble, masyadong na-sobrahan si Ate Aly, yung tipong na-glue ang paa sa lupa, hindi tuloy nag-grow ang height xD Hahaha, k medyo corny :P, atsaka masasabi ko ding si Ate Aly ay isa talaga sa mga idol ko sa larangan ng pagsusulat.. Nung nakita ko nga yung Real Fb acc. niya kinulit ko yung kaybigan ko kung sa tingin niya ba yun talaga yun, tapos sinabi ko din yun sa iba kong kaybigan, pero di ko binigay ang link, selfish ehh :3 atsaka, madalas ko yung i-pm pero nganga :v hahah...

Eto pa eto, si Ate Jhing *O*, tuwang tuwa talaga ako sa kanya, una kong nabasa yung KH, bago pa lang nun tapos napa-wow ako, sabi ko "Ang lawak naman ng imaginarion nito." Tapos pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng gawa niya, hanggang marating ko ang pagiging bitch ni Dama, at ang kasungitan ni Zelo. Yung ka-kesohan ni Daniel, at pagka-selosa ni Meg, at ang [masakit man isipin] ang kabaklaan ni Dyma, perfect na ehh, bakla pala •~• sakit sa heart.

Tapos yung eto pa si Ate i_love_kyle, o ate Jen, dati nung binabasa ko yung A Kiss In The Rain sa isang soft copy na nadekwat ko sa ate ko, nasabi ko "K. Medyo corny." Pero nung nasa dulo na ako I was like T____T Jared!!! With matching tulo luha na may uhog xD #Medyo baboy. Tapos sabi ko pa noon "Ayy naku! Pag nakilala ko author na nito, ipapabuhay ko sa kanya si Jared!" Hahah, at nung malaman kong siya pala yun ako napa-O_O at nung nalaman kong magiging book pala sya "Uwhaaaaaaaaaaaaaaaa!!" Hmm, ganda diba?! 

Okay, medyo mahaba na, pero pu-push ko pa to xD!! Hahaha...

Eto pa si Ate Diane, tuwang tuwa ako sa kanya alam nyo kung bakit? Tuwang tuwa ako dun sa ini-insist niya na pang Ms.U ang beauty niya.. Oh diba? Sosyal, pang Ms.U ang beauty niya, atsaka ang kanyang overlasting love para kay Joseph Marco, saklap crush ko pa naman siya, dami namang kaagaw T__T.

Haha, at eto na ang author at isa sa mga bespren na talagang relate ako.. Si Ate Eileen o mas kilalang Bluedust.. Bakit ako relate? Ganyan din ako nung una ehh, puro space ang kwento hahah.. Pero at least yung kay Ate Eileen, maganda ang story ehh yung akin? NGANGA :v

Isa pa, si Ate Je Luu.. Whaha, ang taong gipit sa fan-art kumakapit... Di ko masyado kilala si Ate Je, pero sa tuwing may nakikita akong post sa FB niya, hagalpak ako ehh, nakakaloka na ewan, para nga akong tanga, meron kasi akong oras na inilalaan, habang nagf-fb ako na nilalaaan ko para dalawin ang FB ng bawat isa sa kanila, oh diba sosyal?! :P

At eto si Ate Nayi, ewan ko ba pero sa tuwing nakakakita/nakakabasa ako ng ina-anak act nila ni kuya Sic, lagi't lagi na lang akong tumatawa, at ang ga-ganda ng gawa ni Ate Nayi no.. Magandang basahin, kaso yung iba alam nyo na, SPG!! Whahha

ang corny ko diba?

Sorry bespren, baka kasi ako na yung pinaka-corny ninyong fan, pero sana po sana mapansin niyo to.. Fan na fan niyo ako ehh.. Remember, ako ang inyong POSITIVE ZERO FAN! Oha?!

Thank you thank you talaga kung mababasa nyo po ito, at sorry kung may makita man kayong di kanais nais..

K vrooom vrooom.

K, sorry ang feeler ko masyado -_- haha xD! 

Pahabol pa po pala, mula po sa ikabuturan ng aking puso, nais ko po sana na magtagumpay kayo sa mga kanya kanyang landas na tinatahak nyo sa buhay niyo, nag-aaral man po kayo o nagtra-trabaho na, wish ko po ang magandang pagpapatuloy ng career nyo, lalo na dito sa Wattpad.. Yun lamang po ^_____^ 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear BesprensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon