MAS MAGANDA AKO SAYO! (ONE-SHOT)

631 18 8
                                    

MAS MAGANDA AKO SAYO! (ONE-SHOT)

Description:

Naranasan mo na bang masabihan ng lalaki--I mean ng tunay na lalaki na 'Mas maganda ako sayo'?

------------------------

Aya's POV:

Naranasan mo na ba masabihan ng TUNAY na lalaki na 'MAS MAGANDA AKO SAYO!'? Yung parang buong mundo ipinapamukha na MAS MUKHA KANG LALAKI KESA SAKANYA? edi magpalit nalang pala tayo ng katayuan tutal mas maganda ka sakin!

ehem, actually hindi kasi nagsimula sa ganyan yan. Nagsimula ang lahat nang may stage play sa School namin... ako ang prinsesa at siya ang gaganap na prinsipe.

"Girl, bilis bilisan mo at nandyan na ang prince charming mo!" kinikilig na sabi sakin ni Dara, prince charming? hindi ko nga alam kung anong tunay na gender nun eh

Inaasikaso ako kasi ni Dara para sa stage play namin mamaya, parang ayoko na ngang tumuloy eh... kasi lahat sila sinasabing...

"MAS BAGAY MAGING PRINCESS YUNG KENT NA 'YON" leche lang parang buong mundo pinapamukha sakin na mas mukha siyang babae kahit sinasabi niyang lalaki siya! nakakasakit kaya ng ego!

"Girl, labas lang ako saglit silipin ko si Prince Charming mo" kinikilig pa rin siya, seriously? may nakakakilig ba dun?

Sa totoo lang kasi, una pa lang naattract na ako sakanya. Close na nga kami eh, hanggang sa nagsulputan yung mga kung anu ano na sinasabi nila na kesyo ako daw ang mukhang lalaki samin! eh leche sila alam kong boyish ako pero hindi naman kilos babae si Kent ah?

Mukha lang siyang babae -_-

"Friend!!" biglang pasok ni Dara at parang kwagong naka dungaw sa pintuan. Gusto ata ako atakihin nito sa puso eh

"P*ta kalma!" sigaw ko sakanya habang nanlalaki ang mata at gulat parin habang nakataas ang dalawang kamay ko. Sisirain niya ang mood ng peys ko!

"Friend huhuhu" nagiyakiyakan naman siya sa harap ko "Friend pwedeng ikaw nalang ang Prince Charming!"

*pak!* binatukan ko nga, gawin daw ba akong lalaki?!

"Ano nanamang problema mo Dara at nagkakaganyan ka?!"

"Friend si Kent mukhang prinsesa!!" Jonginang yan o, yan na nga ba sinasabi ko eh! litse.

"Wag mo kong ginaganyan ah, jojombagin kita dyan! pati ba naman ikaw!"

"Friend~" aba't inabot naman niya sakin yung wig ng lalaki at prince costume. "Nakapagdesisyon na silaa~ ikaw ang lalaki!!"

So ako talaga ang gagawing lalaki? litse edi sana kumuha na lang sila ng lalaki at pinagbihis ng babae si Kent!!

...

Wala akong nagawa sa huli kundi isuot yung damit na yun...kahit deep inside naiiyak na ako.

eto na Aya, pinapamukha at isinasampal na ng buong mundo sayo na hindi kayo bagay...kasi mas maganda siya sayo... Mag move on kana! para kang umibig sa kapwa mo babae!

...

Magsisimula na ang play at marami ng tao sa auditorium...nasan si Kent?

Nung magsisimula na yung play biglang bumukas ang kurtina at lumabas si Kent...

Ayan na hindi lang ipinamukha sayo Aya, sinapak ka pa... Ngayon nakatayo sa harap mo ang lalaki na mas maganda pa sayo, na halata namang naiirita siya, ramdam ko yun sa tagal ng closeness namin

pero hindi na kami close simula ng iwasan ko siya dahil lagi kaming pinagkukumpara... siguro ayaw rin niya ako makapartner, sino nga ba naman ako?

Nagsimula na ang play namin, acting dito acting doon... Cinderella kasi ang play, ang saklap lang. Ako si Prince Charming </3

Habang nagsasayaw kami medyo hindi ko na maintindihan ang expression ng mukha ni Kent kung naiinis o hindi.Hindi ko napigilan mapatingin sa mga audiences, yung iba humahagalpak na sa kakatawa, yung iba nagpipigil ng tawa, yung iba parang natatawa habang may kinakausap at pinagtatawanan... na nakatingin saakin.

hindi ko na kaya ang kahihiyan na to.

Tumunog ang orasan kunwari it means 12 na at magtatransform na si Cinderella...pero hindi ko na kaya ang kahihiyan dito kaya tumakbo ako pababa ng hagdan kung saan dapat tumakbo si Cinderella.

nakita kong nagtataka ang audiences, natapilok pa ako at nalaglag yung sapatos na pagkaluwag luwag sakin dahil unang una sa lahat panlalaki yun at hindi yun akin.

tumakbo si Kent papalapit saakin at kinuha yung sapatos... napatingin ulit ako sa mga audiences, tumatawa na sila... pinagtatawanan ako.

"Kent, hindi na to kasama sa script wag kana mag Adlib. Magbaback out na ako!" tatakbo na sana ako pababa ng hagdan nang marinig ko siyang sumigaw

"MAS MAGANDA AKO SAYO!!" sigaw niya.. takte pati ba naman ikaw ipapamukha sakin na hindi tayo bagay? hindi pa ba sapat yang mukha mo ngayon at mukha kang babae?..napahinto ako sa pagbaba ng hagdan.

lumapit siya sakin at pinunasan ang luha sa pisngi ko, umiiyak na pala ako. "Yan ang sabi nila, lahat sinasabing mas maganda ako sayo, pero umiwas ka sakin nang hindi nalalaman yung opinyon ko"

"Totoo naman sinasabi nila eh," My voice broke, natahimik ang buong auditorium at pero may ilan-ilang nagbubulungan, akala siguro nila kasama parin to sa play. at dahil naka mic kami maririnig talaga ang lahat ng sasabihin namin "Alam ko yun, matagal ng sinampal sa pagmumukha ko na hindi kaylanman tayo bagay" ayan na nagconfess na ako, ako tuloy ang nagmumukha na talagang lalaki dito

"Pero hindi mo pa naririnig ang opinion ko"sabi nya ng malungkot sakin

"Isinigaw mo na nga kanina eh," huminga ako ng malalim "Kent, tanggap ko naman na eh. Pero bakit pati ikaw? pati ikaw ipapamukha sakin yun?"

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin, "Sabihin man ng buong mundo na mas maganda ako sayo. Ikaw pa rin ang pipiliin ko, hindi nila hawak ang puso ko para utusan kung sino ang magpapatibok dito"

teka, nagaadlib pa rin ba siya? sinabi ko ng hindi adlib to diba?

"Pero mas maganda ka sakin" naiyak nanaman ako, bakit kasi siya maganda?!

"Pero ikaw ang maganda sa paningin ko" pinunasan nanaman niya ang luha ko at lumuhod sa harap ko at isinuot yung black shoes na siya dapat talaga kanina magsusuot.

"Some people may think were not matched, as long as we share the same feelings. You'll always be my princess"

Then He sealed the end of stage play with a kiss that made the croud emotional.

I thought wala na kaming chance sa isa't isa...

at kahit nagmukhang Cinderella man and Princess charming ang dating namin dun, kung sino man kami sa dalawang yun, ang mahalaga...

mahal namin ang isa't isa.

The End-

---------------------------------

Lime's Note:

Weee~ Kornehh ata XD sisihin niyo picture ni Luhan na girl version at naisip ko ang kalokohan nato XD djk . kidding aside . sana nagustuhan niyo.

Ayun yung picture sa gilid>>>>>>>>>>>>>

@Saiya, ito na po o, wag ka na magtampo na hindi ikaw ang kapartner ni Lulu mo sa love trip, may one-shot na kayo XD ayieehhh~

yun lang salamat!!! <3

-Time check: 22:18 October 21,2013

Mas Maganda Ako Sa'yo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon