Chapter 4- Gabriel at your service

0 0 2
                                    

Kung naging tao lang ang unan ay siguradong gutay-gutay na sya ngayon. Kanina ko pa kasi sya pinagsusuntok at pinagsisipa. Nakakainis talaga ang gwapong lalaki-- no! Erase! Ang lalaking impakto na yun pala dapat! Aba!? Anong akala nya sakin ha? Nagkakandarapa sa kanya? For his information! Ang mga lalaki ang nagkakandarapa para makuha Lang ang atensyon ko.not me! Yes, I'm a bitch most of the time pero hindi ako cheap.

Pero hindi nga ba at nahuli ka nyang palihim na nakatingin sa kanya? Bulong ng sarili ko.

Napailing ako.

"Bakit? Masama bang tumingin?? puro hindi naman kaayaaya ang nakita ko ah!"

Liar!! Sigaw ng isipan ko.

"Stop talking to me brain! Sh!t!!"

Ito na talaga! Mababaliw na talaga ako dito!

nasa ganoon akong pag-iisip ng makarinig ako mahinang katok sa pintuan. Maya maya pa ay dumungaw doon si Nanay Esther na mababakas sa mukha ang pagtataka.

"May kausap kaba iha?" Tanong nya sakin.

"Ahmmn. Wala po. kumakanta lang po ako." Kumanta pa ako para patunayan ang sinabi ko. Baliw kana Florence.

Napangiti ang matanda sa ginawa ko. Naniwala naman sya siguro kahit papaano.

"Maghahapunan na tayo iha. Bumaba kana ha?" nakangiti syang sabi. Tumango lang ako. Mabilis akong nagpalit ng ng damit pangbahay at bumaba na rin papunta sa komidor.

Muntik pa akong maligaw pero mabuti nalang at naalala ko rin ang daan papunta doon.

Malayo palang ay naririnig ko na ang tawanan sa komidor. may kasama pala kaming kakain? Sabagay sa laki ba naman ng masyong ito marahil ay hindi lang si nanay esther ang nakatira dito.

Ng makarating ako sa komidor ay natigilan ako ng makitang nakaupo din doon ang lalaking mayabang at makapal ang mukha.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Tumigil sya sa pagtawa ng makita nya akong nakatayo sa pintuan.

"Hi!" bati nya sakin na parang walang ano mang nangyari kanina. Aba't nagkaamnesia yata ang loko lokong ito?

"At bakit ka nandito?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi mainis. Nagprepretend ba sya na hindi nya ako kilala?

"Dito ako nakatira eh." Sagot nya sabay subo ng piniritong manok sa harapan nya. Napangiwi ako sa ginawa nya wala talagang manners ang isang ito. Hindi kasi naituturo ang ganyang bagay dito sa bukid.

Pero whaaat?? Dito rin pala sya nakatira sa mansyon? So sa iisang bubong lang pala kami nakatira?

Bakit parang masaya ka yata?
Bulong ng isipan ko.

Shut up brain!

Maya maya pa ay nagsalita na din si Nanay Esther na kanina pa napapangiti habang nakatibgin sa aming dalawa.

"Magkakilala na pala kayong dalawa?" Baling nya sa aming dalawa. napakibit balikat lang ang impakto sa akin.

"Actually I don't really know him!" Sabi ko sabay irap sa kanya. And guess what is his reaction? nagsmirk lang sya sakin.

"i'm Gabriel seniorita at your service." Sagot nya sabay kindat sakin.

That kind of weird bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa nya?

"I d-don't care who you are! Ayaw kitang makasabay kumain." pagtataray ko nalang sa kanya ulit.

"Bakit iha? May ginawa ba sa iyo itong si Gabriel?" Nag-aalalang tanong ni nanay Esther at pinukol ng nagtatanong na tingin si Gabriel.

"Whooh! Wala akong ginagawa sa kanya. Baka sya ang may ginawa? Diba seniorita?" Nakangisi nyang tanong sa akin. Binabaliktad ako ng mokong na to! Kainis!

"I-I D-don't know what you're talking about!" Bulalas ko. Good job Florence you're statering again. Bakit kapag kaharap ko ang lalaki na to nauutal ako? Kainis! Kainis! Kainis!

"Sabi mo ehh!" Nagkibit balikat lang sya Sabay subo ulit ng pagkain. Napasimangot ako sa kanya. hindi man lang gumamit ng serving spoon!!The nerve of this guy! Ang sarap nyang pagsusuntukin talaga!

"Haai, naku Gabriel napaka pilyo mo talagang bata ka. Gumamit ka ng ng kutsara."saway ni Nanay Esther sa lalaki sa tabi nya.ngumiti lang aNg impakto kay nanay at palihim na sumubo ulit ng pagkain.

"Halika kana iha!maupo kana at kakain na tayo." Baling sakin ni nanay Esther.

napaismid ako ayaw kong sumabay sa lalaking ito no!?

" hindi na pala ako kakain. Busog pa ako." Sabi ko.inirapan ko ang impakto at nagwalk out na.

Hahabulin pa sana ako ni Nanay Esther ngunit pinigilan sya ni Gabriel.

"Hayaan mo na yun nay tayo nalang ang kumain. Masarap pa naman itobg ulam na niluto mo." Malakas nyang sabi na halatang ipinaririnig talaga sa akin.

Aaaaarghhhh! I'm pissed off! nagdadabog akong pumasok sa kwarto at malakas na sinara ang pinto. matutulog nalang ako total hindi naman ako nagugutom. Mas mabuti pa yun kaysa makita ko ang pagmumukha ng lalaking yun.

---------------------------------
1:30am

kanina pa ako nakahiga sa kama pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. And worst kanina pa din kumukulo ang tyan ko sa gutom. Kasalanan kasi ito ng magaling na Gabriel na yun. Kung hindi sana sya sumabay sa aming kumain edi sana kanina pa ako nakapagbeauty rest.

Ilang minuto pa akong humiga at ng hindi ko na talaga kaya ang pagkulo ng tyan ko ay napagpasyahan kong bumaba at kumain. Madilim na sa labas at siguradong tulog na ang lahat. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto dala ang flashlight kong hello kitty. Maingat akong naglakad papunta sa Kusina. Ayaw ko naman makagising pa ng Ibang tao dahil baka pagtawanan nila ako. Malay ko bang gugutumin ako edi sana nagpaakyat nalang ako ng pagkain kanina.

Ng makarating ako sa kusina ay agad akong lumapit sa ref at naghanap ng pagkain. nasa ganun akong posisyon ng may biglang may marinig akong mahinang kaluskos. Napatingin ako sa paligid ngunit wala naman akong makitang kahit ano. muli akong sumilip sa ref at nilabas ang isang mangkok na may chicken adobo at nilapag sa may lamesa. Kukunin ko na sana ang container ng orange juice ng biglang may kung anong gumalaw sa may likuran ko. Doon na ako natakot.

Napalunok ako at nanginginig na inilibot sa paligid ang flashlight ko pero ganun parin naman wala parin akong nakita. Ngunit kahit ganun ay hindi pa rin homupa ang takot na nararamdaman ko. hindi ko aminin kahit kanino ay nagkaroon ako ng trauma sa nangyari sakin.doon lang ako natakot para sa buhay ko ng ganun. minsan na papanaginipan ko parin pero hindi nalang ako nagsusumbong kay dad sa kadahilanan na baka nga papuntahin nya akon sa ibang lugar ngunit kahit hindi ako nagsumbong ay ganun din pala ang magiging resulta.

Paano kapag nalaman ng stalker ko na nandito lang pala ako at hinintay nyang maggabi para makuha ako? Paano kung nakatayo lang sya sa dilim at naghihintay ng pagkakataon?

Hindi ko na naisara pa ang ref ay agad na akong napatakbo. Nahulog ko na rin ang flashlight ng hindi ko nalalaman.

Malapit na akong makalabas ng kusina ng may mabundol akong isang pader ay hindi isang tao pala.

matutumba na sana ako ng bigla akong hawakan ng kung sino mang iyon sa beywang para isteady ang pagtayo ko.

sa pagkagulat ay muntik na akong mapasigaw ngunit nagawa nyang tabunan ang bibig ko.

Dito na ba talaga ako mamamatay? Sa lugar na to? na malayo sa lahat? mamatay nalang ba akong virgin? O baka naman pagsamantalahan nya ako bago nya ako patayin?

At sa isiping yung ay pilit akong nanlaban. Pilit ko sya pinagsusuntok sa dibdib.hindi ako mamatay ng hindi lumalaban!! Kung gusto nya akong makuha pahihirapan ko talaga sya!!!

"Aray! Bakit ka naman nananakit?"

Napatigil ako ng marinig ko ang boses na yun.

Gabriel????

ALL I NEEDED WAS YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon