Isa, dalawa, tatlo...

190 1 1
                                    

Business Plan, Thesis, at Products Management Plan with Launch.. Ilan sa sabay-sabay na deadline namin ngayong finals.

Ginagawa ko yung ProdMan namin nang may mapansin ako..

Sa isang sulok, nakaupo, malalim ang iniisip..

Nakatapat lang sa laptop, titig na titig, tahimik-- in short, seryoso..

"Anyare sa kanya?"

Tanong ng katabi ko,

"Ewan, stressed siguro.."

Sa gulat ko yun lang ang nasagot ko..

"Baka nga"

Umalis sandali yung katabi ko, kuntento na siguro sa sagot ko.

Titig parin siya sa laptop, walang ginagawa pero halatang nag-iisip ng mabuti kung anong gagawin at ilalagay sa bukas na MS Word.

Humakbang ako ng isa, dalawa, tatlo sabay hinto.

Iniisip ko kung anong sasabihin ko sa kanya-- ano nga ba?

Hakbang ulit, hindi sigurado pero isa lang ang alam ko. Ayoko ng nakikita ko.

"Stressed?"

Sabi ko habang tinititigan siya nang pausisa, oo parang bata pero..

--ngumiti siya, matagal.. Bihira lang yun eh..

Kahit nakatingin parin sa laptop, halatang nakukulitan na siya sakin.

Teka-- wala na akong maisip na idugtong.. Paano ba to?

"May handouts ka sa ProdMan?"

Buti naitanong ko yun, kundi nga-nga.. Atleast lusot na..

"Ah, wala eh hindi ko yata nadala"

Sabi niya habang naghahanap sa bag na nasa tabi niya,.

Lumiwanag na ang mukha niya, di na gaanong madilim tulad ng kanina..

"Hmm sige hiram na lang ako sa iba.. Huwag masyadong magpapa-stressed!"

Sabi ko saka ako umalis..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isa, dalawa, tatlo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon