Body of Christ?
Amen.
Ito ang mga salitang hinding-hindi ko makakalimutan galing sa kanya. Ito ang mga salitang nagpabago sa akin. Dito sa mga salitang ito ko siya nakilala.
Father Ceasar Escovil, ang lalaking unang nagpatibok ng aking puso, ang lalaking nagpabago sa akin at ang lalaking nagpabaliw ng bongga sa akin.
3 years ago..
Naglalakad lang naman ako papuntang mall ng biglang nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking medyo simple kung manamit, palangiti, naka eyeglass, chinito na mga mata, masculine body at higit sa lahat gwapo! Hindi ko maintindihan kung bakit napatunganga ako sa kawalan. Sinita na nga ako ng guard kasi daw nasa gitna na ako ng entrance at hindi gumagalaw.
Hindi ko makalimutan ang kanyang mukha. The way he smile, the way he talks to people.
Hanggang sa bahay ay palagi ko parin siyang naiisip. Hindi siya mawala-wala sa aking isipan.Until that day comes.
Sunday, papunta akong simbahan para magsimba kasama ang bestfriend kong si Belle. Dito kami sa gilid nakaupo dahil trip ko dito.
Nang mag tayuan na para sa hustiya ay tumayo kami ni Belle. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
Ng nasa harap na ako ay bigla akong nanglamig..The Body of Christ?
Sheyyyyt! Isa siyang P-pariii?
....
....
....Matapos ang araw na iyon ay para akong nakalutang. Ewan! Hindi ko alam.
Nalaman ko nalang na dito siya nakatira sa aming subdivision. Nagkausap kami nung isang araw at nalaman kong siya si Father Ceasar Escovil. Hindi parin talaga matanggap ng sistema ko na isa siyang alagad ng Diyos. Alam kong nababaliw na ako kasi nagustuhan ko ang isang lalaki na hindi dapat para sa akin. Pero wala akong pakialam. Alam kong masyadong mabilis para makaramdam ng ganito. Kasalanan bang magmahal?Mas naging malapit kami sa isat-isa ni Father. Ayaw niyang tawagin ko siyang Ceasar. Gusto niyang tawagin ko siyang father and it kills me. Pinapamukha lang niya sakin na walang pag-asang maging kami. Tinuring niya akong bestfriend. Napaka sweet niya sakin, lagi niya akong inaalagaan. Sinusundo pa niya ako sa school. Minsan nakakarinig ako ng mga masasakit na salita galing sa mga tao. Malandi daw ako, walang delikadesa at kahit ano pa. Tanggap ko lahat ng yon kasi mahal ko siya, kaya kinakaya ko lahat kahit ang sakit-sakit na.
2 months passed.
Inamin ko sa kanya na mahal ko siya noon pa. Hindi siya nagsalita pero kalaunan ay niyakap niya ako. Ang saya-saya ko noon kasi feeling ko tanggap niya ang nararamdaman ko. At napatunayan ko yun nang sinabi niya sakin na..
Mahal din naman kita vien! Mahal na mahal na kahit nahihirapan na ako ay hindi parin kita kayang iwan! Napakahirap lang kasi ng sitwasyon!
Wala akong pakialam kahit isa kang pari Ces! Ang importante tayong dalawa!
Lumipas pa ang mga ilang buwan ay mas lalo ko lang siyang minahal. Yung pagmamahal ko sa kanya ay tipong nakakabaliw na! Tulad nalang ng gagawin ko ngayon. Gusto kong ipakita sa lahat ng tao na AKIN lang siya! Walang nagmamay-ari sa kanya kundi ako lang!
Pupunta ako ng simbahan ngayon kasi nandun siya at nagmimisa nanaman! Wala akong pakialam kong medyo daring tong suot ko! Walang makakapigil sakin.
Pagdating ko ng simbahan ay pumasok ako agad. Grand entrance ang dating kasi pinagtitinginan talaga ako ng mga tao. Even Ceasar stopped from what he's doing.
Pumunta ako sa gitna at humarap sa mga tao!