chapter 25

3 0 1
                                    

Monica pov

Double ang sakit na nararamdaman ko para Kay Zoe ngayon


Anlaki na kasi ng ipinag bago nya

Simula nung nangyari sa hospital na nagwala sya
Hindi na namin sya nakitang umiyak uli

Pero nagbago Na sya ng sobra

,malamig na ang pakikitungo nya ngayon sa lahat ng Tao at ,
Wala na syang pinapakitang emosyon Hindi sya tumatawa O ngumingiti,Hindi din sya Umiiyak
at sobra na syang Tahimik.ngayon ,mabibilang mo Lang sa daliri mo sa kamay ang word na sasabihin nya

at makikita mo sa mata nya ang sakit at galit na nararamdaman nya

ilang beses na nga syang muntik muntikang mamatay

Una nung tumawid sya sa kalsada na Wala sa wisyo na para syang lutang,

sumunod yung uminom sya ng isang katerbang sleeping pills,

at huli nung nagmeneho sya ng lasing Na bumangga na sa poste ang kotse nya buti nga at sinusundan sya lagi ni kenji

At kahit anong Sigaw sampal at galit na ipakita namin sa kanya blangko pa din ang expression ng mukha nya at dahil sa pagiging manhid nya kami na ang nasasaktan para sa kanya



Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni kenji

Kenji okay ka na ba Tanong ko Kay kenji dahil sasama din sya pabalik ng Korea




Opo tita,si Zoe po ba?Tanong nya

Ayun may sarili na namang mundo Sagot ko

Napailing na Lang kami

Kenji Bakit di mo sabihin ang totoo Kay Zoe Tanong ko sa kanya

Natigilan sya at dahan dahan na Umupo
Tita sabihin ko man O Hindi Wala namang magbabago diba! dahil puso Lang ni James ang nasa akin Hindi ako mismo si James sabi nyang malungkot

Natigilan na din ako

Sobrang minahal ni Zoe si James
bulong ko

Kahit naman po si James mahal nya si Zoe dahil nakita ko noon at pakiramdam ko hanggang ngayon dahil yung pagmamahal ko noon Kay Zoe nung si kenji pa Lang ako mas domoble nung nasa akin na ang puso ni James sabi ni kenji na malungkot

Nilapitan ko si kenji

Hindi man siguro mawawala si James sa puso ni Zoe Pero malay mo balang araw magkaroon ka din ng pwesto na para Lang sayo sabi ko at ginulo ko ang buhok ni kenji

Ngumiti Lang sya

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon