Chapter 1

0 0 4
                                    


"San kaba galing Janella ? Bat ginabi ka ?" Tanong ni kuya
Dumeretso ako sa sofa, umupo naman sya sa kabilang upuan.

" bat mugto yang mata mo ?"
" galing ako sa simbaha kuya."
" anong problema ?"
"Nagdasal ako na sana malutas pa namin to, .. Kuya ,wala ... wala na kami ... snif ! May iba na sya .. " napaiyak na nman ako.

" si steven ?"
" malamang may iba pa ba akong boyfriend dito ?"
"E gago pala yun eh ! Gusto mo puntahan natin yun ? At bubugbugin ko sya." sabi ni kuya

"Huwag na kuya.. Wala tayong mapapala dyan, siguro nga sawa na syang makisama sa isang baduy na babaeng gaya ko, kaya humanap sya ng mas lamang pa kesa skin."

Lumapit sya at umupo sa tabi ko tapos niyakap nya ako.

" pss.. Hindi ka baduy okay ? Magaganda kaya ang mga lahi natin." biro nya.

Sira talaga tong kuya ko.

****

"Janella.. Condolence.. Huhu"
Salubong sakin ng mga kaibigan ko. Nandito na ako ngayon sa school. Lumapit sila at niyakap ako.

" Girl, okay lang yan " Shin
"Move on na girl " Yen
" oo nga girl marami pang lalaki dito sa mundo no.." Dugtong pa ni yen

" teka lang, paano nyo nalaman ?" Tanong ko
" Paano di namin malalaman, e pinost ni steven sa timeline nya." Shin
"At kalat na yan dito sa boung campus girl.." Yen

Nakungkot na naman ako at yumuko, pero biglang umakbay si Shin sa akin.

"Okay lang yan girl. Nandito lng kami palagi sayo, one for all, all for one kaya tayo." Sabi nya

Kahit papano e napangiti nila ako dun.

Maya maya may biglang lumapit samin.
"Pwede ko bang makausap si Jan, saglit ?"
" huh ?! Ano namang sadya mo ha ? Pagkatapos nung ginawa mi sa kanya ". sumbat ni Yen sa kanya
" Mag usap kayo girl.". bulong ni Shin
" seriously shin ?". Yen
" yep, para naman mag karoon sila nga formal break up" Shin

Napa isip ako, tama nga naman.. Pero ang tanong kaya ko ba ??

***
Steven's POV

"Im sorry "
sabi ko sa kanya ,nandito kaming dalwa ngayon sa likod ng building.
" wala nang magagawa yang sorry mo, nangyari na e.". sabi nya

" bat di mo ko kayang tingnan sa mata ". Sabi ko
" para saan pa ? Ha ? Sa tingin mo, anong nararamdaman ko ngayon sa ginawa mo ?"

" hindi mo kasi alam ang dahilan e, sa tingin mo ba hindi rin ako nasasaktan ngayon ?"

Tumingin sya sa akin at sabay na nagsibagsakan ang mga luha sa pisngi nya.

Damn it ! I hate it !! I hate to see her precious tears fall.

"Bakit may dapat ba akong malaman ?" Jan

Yumuko ako . bumalot sa min ang katahimikan.

"Fine, lamunin mo yan sekreto mong yan"
Tapos umalis sya.
Di ko na sya pinigilannpa, kasi alam ko, sobra ko syang nasaktan.

"Kung alam mo sana Jan .". sabi ko sa sarili

.***
Janella's POV

'Kkrrinng !'

" okay, thats all for today class .. See you tomorrow."
Class ended.
Nagsilabasan na ang mga classmates ko, pero ako?
Nakaupo pa din.

" o miss Garcia, hindi ka pa ba uuwi ?" Tanong ni prof

"Ahh.. Hindi pa po prof."
"Bakit hindi pa ? Di ba kasali ka sa mga officer para sa outreach program nyo bukas ?"
" ayy oo na pala, nakalimutan ko po prof , sige po iiwi na po ako."
Inayos ko lahat ng gamit ko at umuwi na.

Pagdating ko sa bahay

"Kuya nandito na po ako"
Lumabas si kuya galing sa kusina

"Sakto angvpagdating mo bunso, tapos na din akong magluto "
" Nakalimutan ko palang may outreach program pala kami bukas."
" marami ka kasing iniisip .. Hali ka nga dito."
Dinala nya ako sa sala

" sasali ka ba talaga sa outreach na yan ?"
" umm.. Kinakailangan kuya e, officer kasi ako e."
" oo nga, pero kasali din si steven dyan di ba ?" Sabi nya

Di ako nakasagot , tama nga ,nandun din si steven, isa din kasi syang officer .

"Ano sasama ka talaga ? "

" kuya, hindi naman sya ang pupuntahan ko dun e. Yung charity ng school."

" Ikaw ang bahala ,basta tumawag ka kapag may problema ha ?"

Tumango ako.

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Surprises Of LoveWhere stories live. Discover now