i

2 2 2
                                    









Prom Night.





Tapos na ang rites of passage.

Tapos na ang lighting of the torch.

Tapos na ang paghahabilin ng mga seniors sa aming mga juniors.

Tapos na ang key of responsibility.

Tapos na ang mga ritwal na tiyak ikakaburyong ng mga estudyante.

Teka, bago ko makalimutan. Andito pa pala ako sa table- nang magisa- habang ang lahat eh busy sa pagsasayaw, habang ang iba eh pasimpleng naglalampungan habang balot pa ang lugar ng kadiliman.

Sabi ko na nga ba.

Sayang lang ang punta ko dito.

Sayang lang ang dress ko.

Sayang lang ang pagpapaganda ko.

Eh ni wala namang ni isang nag-aya saking mag-sayaw.



Pak.

Tunog yun ng palad ko. Kanina pa kasi ako pinepeste ng mga lamok sa table. Buti iniwan ng kapartner ko sa cotillion yung coat niya. Kaya ayun, isinapin ko sa hita ko.

Buntong hininga.

Ang sarap pagmasdan nung mga pares sa harap ko.

Lalo na yung nasa gitna. Lalo na yung lalaking pilit kong inasam-asam magmula pa nung first year.

Sa totoo lang. Inggit na inggit ako. Kasi, kasayaw nung maswerteng babaeng yun ang lalaking pinapangarap ko. Letse, natapos na yung kanta ni Christina Perri. Yung A Thousand Years. Tapos, kasunod nun ang pag-tilt ng ulo ni Kev kasunod ng pagdampi nito sa labi ni Tryst. Pucha ang sakit sa sus- este- sa puso.

Gusto kong buklatin ang dibdib ko at wakwakin palabas yung puso kong walang habas na nagco-constrict habang patuloy sa paglalampungan ang nasa harap ko.

Gusto kong humiyaw sa inis.

Gusto kong bumangon sa pagkakaupo para tumakbo at hablutin si Kev tsaka halikan siya. Gusto kong isigaw na akin lang si Kev, na ako dapat ang hinalikan niya, na ako dapat ang isinayaw niya, na ako dapat ang babaeng pumuno sa puwang ng puso niya.

Napapikit nalang ako sa pagkainis,

sa pagkadismaya,

sa halo-halong emosyon na gumugulo sa pagkatao ko.

Sayang naman ang mascara ko kung iiyak ako.

Sayang naman ang ganda ko para umiyak lang.

Kaso, kahit anong pigil ko, gaano man ang pagkumbinsi sa utak at mata ko na wag umiyak, patuloy parin nangibabaw ang lungkot, kasunod ng pangingilid ng luha. Shari, utang na loob. Sa ladies room ka na ngumalngal. Huwag dito, sa harapan pa ng lalaking kinamumuhian at pinakamamahal mo. Naglalaban na yung mga alter-ego ko habang ina-adjust yung 4-inch Celine heels na hiniram ko kay Ate. Okay, tatayo na ko. At dahan-dahang aalis. Papuntang ladies room. Ngangalngal. Tapos magreretouch konti. Tapos babalik na ulit sa table. Tapos-

"Saan pupunta ang magandang dilag na ito? Look at her, so elegantly poised with her silver dress and her toe-pointed killer heels. Its a pity na wala man lang nagsasayaw sa kanya."

Pity ka diyan. Kainis itong emcee na to. Magmomoment na nga ako kaharap ng salamin, only to be interrupted by the spotlight pointing at my direction. I squinted my eyes as I peered through the crowd. Himala naman at umurong ang mga luha ko. Sa nakakainis na pagkakataon e ang una kong nakita ay si Kev, at nagkatinginan pa kami...Ng dalawang segundo. Hinawi kasi ng impaktita niyang kasayaw yung view. And instead, ang buto-butong likod ng babaeng yun ang nasa harap ko, blocking Kev.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PROMWhere stories live. Discover now