Ang Paglaya

130 0 1
                                    

Sa unang paglapag ko dito sa tinaguriang Sin City, ang Las Vegas, tinuring ko na itong aking kulungan dahil malayo ito sa bayan kong nakagisnan, sa bayan kong kinalakihan, sa bayan na nagbibigay sakin ng kasiyahan.

Sa aking pag aakala ang pagbabalik sa Pinas ay ang aking kalayaan, ngunit ako'y nagkamali,dahil mas lalu ko palang ikinulong ang sarili ko. Hindi sa lugar ako nakulong, kundi kinulong ko ang sarili ko sa galit, sa sakit,sa inggit at higit sa lahat sa pait ng nakaraan. Hindi ako nag isip ng mabuti, tanging ang kagustuhan kong kaligayahan ay nauwi sa mapait na karanasan. Pero ngayon ang mapait na karanasan na yun ay naging daan para mapabuti ang aking buhay.

Hinayaan ng Diyos na mangyari sa kin lahat ng yun para gisingin ako sa mahimbing kong pagtulog. Hinayaan nia ko maranasan ang pait ng buhay para mas malasap ko ang sarap ng mabuhay pagkatapos ng isang unos. Ang saglit na pamamalagi ko sa aking bayan na kinagisnan ay mistulang naging bartulina ko pala.

Lahat ng pangyayari sa buhay ay hindi aksidente hindi sadya, maaaring kelangan mangyari, sadyang mangyayari o pinili nating mangyari pero hindi tayo dapat mag alala dahil lahat ng ndi magandang pangyayari sa buhay ay nag iiwan ng isang magandang aral.

Sa pagbabalik sa lugar na tinuring kong kulungan, ngayon ito na ang lugar kung saan ko nakamit ang ANG PAGLAYA. Pinalaya ko ang sarili ko sa galit, sa sama ng loob at sa inggit. Pinalaya ko ang aking isipan sa pag aalala sa mga bagay bagay na ndi magaganda. Sinama ko na din ang pagpapatawad sa mga taong nagkasala sa akin at humingi din akong kapatawaran sa mga taong nasaktan ko ng lubusan.

Sa paglaya ko, natutunan ko ang maging positibo sa buhay, tanging nakikita ko ang kagandahan ng paligid ko at ng mundo.Natuto akong lawakan ang pag iisip at pang unawa. Binigyan ko ng importansya at panahon ang pamilya at mga malalapit at mga natitirang kaibigan ko. Sa paglaya ko naramdaman ko ang sarap ng buhay at kung bakit binigyan ako ng pangalawang pagkakataon ng Diyos para pahalagaan ang aking buhay. Sa paglaya ko nakamit ko ung TUNAY NA KALiGAYAHAN at KAPAYAPAAN sa PUSO at iSiPAN.

Ang 2012 ang taon kung saan inumpisahan kong baguhin at itama kung anu man ung mali sa nakaraan, ndi ko man naitama to sa sitwasyon nuon o sa mga taong nakasama ko nuon, ang mahalaga ay naitatama ko ngayon at sa mga darating pang panahon.

Sabi nila mahirap magsimula muli pero mas mahirap pala kung hindi ka mag uumpisa muli at mamumuhay ka na lang sa mga bagay na nakasanayan mu na pero mali. Lalung mahirap kung iisipin mu lang mahirap at ndi mu susubukan.Sa buhay hindi tayo dapat matakot na magsimula muli wag kang matakot na magkamali. Sa pagkakamali mu malalaman kung anu ang tama. Mahirap man sa una mung paghakbang, pag natutunan mu na at nagpatuloy ka at hindi ka sumuko magiging madali na lang ang lahat lalu na kung sinimulan mu ng tama ung paghakbang mu sa pinili mung landas ngayon. Kasama nun ay ang pagtulong mu sa sarili mu na humakbang para tahakin ang tamang landas.

Sa mga taong nakakaranas ng mga hirap at pagsubok sa buhay, wag kayong mawalan ng pag asa. Hindi pa huli ang lahat, maaaring isang hudyat iyan ng Diyos para baguhin ang buhay mu. Tumayo ka, kung ikaw ay nadapa, bumangon ka kung ikaw ay nalugmok, magsimula ka muli. "Magsimula ka para sa Diyos." Dahil yan ang magiging simula para sa maganda at mabuti mung kinabukasan.

Hanggat nabubuhay tayo laging may isa pang pagkakataon, pag nabigyan ka ng pagkakataon para maayos ang lahat ng gulo sa buhay mu dapat huwag mung palampasin yun. Hanggat nabubuhay ka, maraming pwedeng mangyari sa buhay mu, marami kang matutunan sa bawat pangyayari sa araw araw ang kelangan lang matuto tayong gamitin sa tama kung anuman yung mga ibinigay na biyaya ng Diyos para maunawaan kung anuman yung gusto niyang iparating sa bawat isa sa atin.

Gamitin ang mata para makita kung anung mga nangyayari sa paligid, ang tenga marinig ang mga payo ng mga anghel, kamay para tumulong sa mga nangangailangan, paa para tumayo muli at magpatuloy sa paglalakbay at higit sa lahat ang gamitin ng tama ang puso at isip, ang isip ang magsasabi sa puso kung anu ang tama, at ang puso ang magsasabi sa isip kung anu ang tunay na nararamdaman.

Sa mga oras na naguguluhan ka, bigyan mu ng oras ang sarili mu para maisip kung anu ang tamang gawin. Hindi din dapat minamadali ang lahat. May kanya kanyang panahon din yan kelangan lang matuto tayong maghintay at habaan ang pasensya.

At sa pagtatapos ng salaysay na ito nais ko din iparating ang pinakamahalagang aral na natutunan ko ng higit sa lahat, manalangin, magpasalamat at manalig sa Diyos, pinaka-makapangyarihan sa lahat. Manalangin ka na galing sa puso at may magandang intensyon, walang hanggan pasasalamat sa mga biyayang natamo mula nuon, ngayon at magpakailanman. Manalig ka na maisasakatuparan niya ang lahat ng ito sa tamang panahon.

Sa lahat ng ito, ang tunay na paglaya ay makakamit natin kung matututunan lang din natin tanggapin at unawain ang mga pangyayari sa ating mga buhay, maganda man ito o hindi, mag iiwan ito ng makabuluhang aral.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang PaglayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon