Nabi Sonyeo

608 23 3
                                    

Nabi Sonyeo (Butterfly Girl)

Christian's POV

"Check lang po namin yung blood pressure ni Sir." Wala pa ako sa ulirat, di ko maidilat ang aking mga mata. Maga pa ata dahil sa pagkabugbog sa akin.

Takte. Ang huli kong natatandaan eh nakikipag-away ako dun sa mga sanggano sa daan. Pano ba naman, binabastos nila yung babae. Kaso wala eh, natalo ako. Bugbog kung bugbog. Mabuti na nga lang at may babaeng tumulong sa akin pagkatapos akong iwan ng mga mokong sa daan, pero hindi ko siya mamukhaan. tanging ang kwintas lang nyang paru-paro ang nakita ko noon at napapikit na ako dahil hinang-hina na ang katawan ko dahil sa natamo kong bugbog.

Iginalaw-galaw ko ang aking kamay at naramdaman ko yung dextrose na nakasaksak sa akin. "Tae. ang sakit!" napasigaw ako.

"Sir! Gising na si Sir!" narinig ko yung boses nung nurse na nagchecheck ng blood pressure ko. hindi ko alam kung kasama na ba sa routine nila yung pagcheck ng blood pressure pero alam ko sa sarili kong walang mali sa sistema ng katawan ko. tanging bugbog lang naman ang natamo ko at konting bali sa braso.

-------------------------------------------------

"Chris!" tuwang-tuwa si Chelsea, kaibigan ko yan. parang ngayon lang ulit kami nagkita.

"Baliw!" binatukan ko siya. "Araw-araw mo akong dinadalaw sa ospital tas ngayong pumasok na ako sa school akala mo'y di tayo nagkita for years."

Hinimas naman nya ang ulo nya. "Grabe. natuwa lang ako at nakita kita." di ko pala naibigay sayo to." may iniabot siyang kwintas sa akin, kinuha ko naman ito.

"San galing to? Nililigawan mo ba ako?" pabiro kong tanong sa kanya.

Namula siya ng kaunti pero alam ko namang hindi nya ako liligawan haha! ," Hindi noh! naiwan yan nung babaeng dumadalaw daw sayo. Di ko pa nakikita yung babaeng yon kahit araw-araw pa kitang dinadalaw sa ospital. Iniabot sa akin yan nung nurse. Ikaw ah, di mo sinasabi sa aking may chicks ka pala!"

"Hoy! Wala ah! Di ko alam na may dumadalaw pa sa aking iba bukod sayo noh!" Wala naman kasi talaga. tinignan ko ng kwintas, butterfly yung design noon. Ang naaalala kong may ganitong kwintas e yung nagligtas sa akin nung nabugbog ako.

"Chels," Natigilan ako sa nakita ko. Kumunot naman ang noo ni Chelsea.

"Ano? Aaminin mo nang may chicks ka?" pahapyaw nyang tanong.

"Hindi nga sabi eh!" sagot ko naman. "Ito yung kwintas nung babaeng nagligtas sa akin." sabi ko.

"Wow! edi may ala-ala ka nya! Naks! gumaganon! baka destiny. hahaha!" tawa ng tawa si Chelsea.

"Pano kung destiny nga?"

"Baliw! Naniniwala ka sa destiny?"

"Siguro. Ewan ko." dahil ako, hindi rin sigurado kung maniniwala ba ako o hindi.

"Ano naman kaya nakain nung babaen yon at iniwan nya yang kwintas?" tanong ni Chelsea.

"Hindi ko din alam.."

"Ay! Hindi pala nya iniwan yung kwintas! Naalala ko yung sinabi nung nurse. Nagmamadali daw na umalis yung babae na may dala nyan. tas nakita nya sa lapag yung kwintas. Ewan ko kung pano natanggal sa leeg nya yung kwintas or hawak nya lang yan kaya nalaglag. ewan ko ah..." kunot na kunot ang noo ni Chelsea. Hindi rin nya maexplain ang mga pangyayari.

"Ang pangit mo! wag ka na mag-isip!" sabi ko kay Chelsea.

"K fine, wala naman akong kinaganda eh. Ohh. yung crush mo oh!" tinuro ni Chelsea yung babaeng paparating.

Nabi Sonyeo (The Butterfly Girl) [EXO-Luhan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon