KISMET(SHORTSTORY)

13 0 0
                                    

Chapter four

"KYAAAAAAAAAAAH! GOOOOO JAYCEEEEEEEEEEEEE" Halos sumabog na yung bunganga ko kaka sigaw dun, Practice kasi nina Jaycee ngayon ng Basketball.

Oo. Practice lang, ganun ako ka supportive eh.

╭(′▽‵)╭(′▽‵)╭(′▽‵)╯ GO!

Nagpito naman yung coach nila kaya bumababa na ako, nakatayo kasi ako sa isa sa mga upuan dun eh.

"Jaycee, ito oh" Sabay abot ng tuwalya

Tinaas naman nya yung kamay nya na may tuwalya "Meron ako nyan oh"

Ngumiti naman ako sa kanya, alam ko na naman na sasabihin nya yun eh.

"Tubig oh" Sabay abot ng mineral water

Tinuro naman nya yung lalaki na nagdidistribute ng tubig sa mga players "May water boy na kami"

Ngumiti lang din naman ako "Oh sige, echecheer nalang kita"

Iniling nya naman ang ulo nya "Tapos na kaming mag practice"

"Ah sige ano---" Naghanap naman ako ng iba pang dahilan kaya lang

"Lumabas ka na" 

"Hindi. Okay----" 

Nagulat naman ako nung sumigaw siya "ANO BA CLARISSA! SABING LABAS NA EH"

Ngumiti lang na naman ako "Oh sige, lalabas na ako. Intayin kita sa labas aah?" naglalakad na ako palabas ng court.

********

Haaaay! Antagal naman. Kanina pa ako nagiintay eh. Tiningnan ko naman ang Rolex ko.

Nilalamok na ako, medyo madilim pa naman dito

7:30 pm na.

40 minutes na akong nagiintay rito, hindi padin dumadaan si Jaycee, wala naman kasing ibang daan bukod rito eh.

Aaah, baka may inaayos pa sa loob.

"Clarissa!" Tiningnan ko naman sya ng masama

"Bakit?" 

Ngumiti naman sya "Relax. Iniintay mo ba si Jaycee?" 

"Paki mo ba?" Pagalit kong sabi

Niilapitan naman nya ako kaya kinabahan ako "Bakit ka pa kasi sunod ng sunod dun sa lalaking yun? Eh mas pogi pa naman ako run eh" 

"Uhm, Nico.. Uwi na ako aah! Bye---" Pero bago pa ako makaalis, hinawakan nya yung wrist ko tas nagsimula ng pumalibot sakin yung mga barkada nya

"Ano ba Nico! Bitawan mo nga ako" Hinila hila ko pa yung wrist ko pero sadyang malakas talaga sya

"Ako nalang kasi mahalin mo Clarissa eh" Sabi nya na nilalapit yung mukha nya sakin

Nagsimula ng tumibok ng malakas ang puso ko

"Nico... Let me go" kinagat ko na yung lower lip ko para di ako maiyak

"Nico. Wag. Please"

Pero mas lalo nyang linapit yung mukha niya.

"Matagal na kitang nilalagawan aah. 3 years ago pa pero bakit wala pading nangyayari?" 

"N-Nico, M-may mahal ako---"

Hindi ko natapos ang sentence ko ng bigla nya akong hinalikan sa lips, yung luhang pinipigilan ko kanina, tuluyan na talagang dumaloy.

Patuloy lang sya sa paghalik sakin, wala naman akong lakas para lumaban, lima sila na puro lalaki at nagiisa lang ako and worst, babae pa.

Suddenly, i heard a familiar voice "Get you're dirty hands off her you creepy pervert" Blurry na yung paningin ko kaya hindi ko na sya masyadong kita.

Binitawan naman agad ako ni Nico kaya lang nawalan ata ng lakas ang tuhod kaya unti-unting bumagsak ang katawan ko.

"Clarissa!" Ewan ko kung ano pero may parang may malambot na nakayakap sa katawan ko kaya hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig

"Clarissa!" Sinampal sampal pa nya ng mahina yung mukha ko

"CLARISSA" Sumigaw na sya nun.

Gusto kong sumagot, gusto kong tumayo, gusto kong sampalin si Nico pero wala akong lakas, parang na drain lahat ng energy ko, gusto ko nalang matulog kaya...

I closed me eyes and everything went black

*******

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon