this is my first tagalog boyxboy story, so please be kind kung my hindi kayo nagustohan... thanks.... and by the way, the first chappie is dedicated to @cadizpoint1605 since gusto ko lang..pake nyo!! hahaha!!! ;) pm me anytime if you want... thanks again!!! byei!!!
xXxXxXxNikolai's POV
Unang araw ko sa bago kong kolehiyo, kaya medyo may kaunting kaba akong nararamdamn nung mga sandaling pumasok ako ng aming building.
Isa akong transferee, kaya second sem na nung makapasok ako dito sa paaralang ito. Ako nga pala si Nikolai Vonn Anderson , isang first year Fine Arts student. Matangkad, maputi, with matching round, blue eyes, thin pink lips at matangos na ilong. In short, gwapo. Hehe ;)
At gaya nga nung sinabi ko, isa lang akong transferee dito. Bumalik kasi kami dito sa probinsya ng Papa ko mula nung mamatay si Mama, kaya medyo naiilang pa rin ako sa bagong lugar na ito.
Pagpasok ko sa college building ng bago kong school, nilibot ko ang aking patiningin sa paligid. Hindi ito katulad sa nakaraan kong eskwelahan. Medyo may kadiliman ang lugar, marahil ay dahil na rin sa mga naglalakihan at nagtataasang mga puno na wala sa una kong pinaggalingang school. "Sana, hindi na lang kami lumipat," ang naisaisip ko, pero biglang naalala ko ang kalagayan ni Papa. Kailangan niyang makapagmove-on, at marahil eh makakabuti na rin ito sa kanya.
Unti-unti kong hinakbang ang aking mga paa hanggang makapasok ako sa kabuuan ng eskwelahan. May kalakihan din naman ang school, kaya mukhang mahihirapan akong hanapin ang aking classroom. Marami-raming estudyante ang mga nagkalat sa paligid, marahil eh naghahabol ng oras patungo sa kani-kanilang mga klase. Para hindi ako mahirapan, nilapitan ko ang isang mgandang babae na nakasuot ng "STUDENT COUNCIL SENATOR" t-shirt.
"Ate," pagtawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon at binigyan ako ng matamis na ngiti. "Ano 'yon pogi?" pagtatanong niya, sabay kindat. Landing babae.
"Alam mo ba kung saang building 'tong S.A. 314?"
Tumango siya at itinuro ang isang malaki at mataas na building na pininturahan ng color green. "Dun oh," sabi niya sa 'kin. "S.A. means San Agustin. Nasa San Agustin Building yang room mo, 3rd floor."
Agad naman akong nagpasalamat sa kanya at tinungo ang gusaling iyon. Ni hindi ko na pinansin ang mga pagpapa-cute niya sa 'kin. Hindi ko rin naman siya type eh.
May kataasan din ang building, mga hanggang 6th floor. Napansin ko na may elevator sa isang tabi at may mangilan-ngilang estusdyanteng naghihintay sa tapat nito kaya nakisama na rin ako sa kanila. Hindi nagtagal at bumukas na yung elevator. Nagsipasok kami isa-isa. Laking pasasalamat ko at nagkasya kaming lahat. At ang cool nung elevator, may music!
"Kuya, third floor lang po," ang sabi ko sa lalaki na nagpapaandar nung elevator. Working student yata siya.
Tumango lang ang lalaki at maya-maya pa't binuksan ang pintuan ng elevator. Paglabas ko ay agad kong hinanap ang room 314. Nasa pinkadulo ang kwarto, 15 rooms lang kasi ang nasa floor, eh ika number 14 yung room ko. Pagpasok ko, medyo marami na ring tao. Pero hindi kasing rami kung iko-compare sa last school ko. Hay, namimiss ko na talaga ang mga old friends ko. ='(
Fine Arts Anatomy 2 ang first subject ko, ibig sabihin, pagdo-drawing ng mga hayop at iba't-ibang life forms ang aatupagin ko for the next 3 and a half hours. Paduguang pagdo-drawing na naman ito. 9 o'clock magsisimula ang klase, eh nagkataon naman na napaaga ako at ang iba ko pang mga classmates, kaya nakipagkwentuhan muna ang iba kong mga classmates habang hinihintay ang magiging instructor namin. Ako naman, since bago lang ako dito, eh tumahimik na lamang, umupo sa isang tabi and got a pen and a piece of paper at nagdrawing bilang pampalipas oras.
"Hi!" sabi ng isang maliit na tinig. Binaling ko ang aking paningin sa kanya at nakita ko ang isang magandang babaeng kumakaway sa 'kin. Hindi naman sa nilalait ko siya, but the girl's kinda short. She was wearing this pink tube and blue maong mini-skirt na bumagay naman sa twin ponytails niya. She looked like a highschool cheerleader, which I find cute.
"Hi!" bati niya ulit sa 'kin kaya naman napangiti ako.
"Hello," I greeted politely. Ayoko naman kasing maisip niya na snob ako.
She giggled. "I'm Jasmine nga pala. Alam kong hindi ako mukhang bagay sa course na ito since I look like more of a dancer than a visual artist pero sana, huwag mo 'kong maliitin," she explained while batting her long eyelashes.
Nabigla naman ako sa sinabi niya, since hindi naman ako nag-iisip ako anng ganun. Pero I smiled na lang. "Don't worry. I'm not thinking of you that way. Actually, bagay ka nga dito eh. Look at you. You have the ability to combine unlikely colours and make it work."
She breathed heavily and then sweetly smiled. "Nambola ka pa. Oh, anu nga pala name mo? New student ka 'di ba? I can be your friend."
"Ah, Nikolai pala name ko. But you can call me Lai," sagot ko naman.
"Wow, Lai. Ang cute naman ng name mo. It's so unique," sabi niya with a cute small laugh. Ngumiti din ako sa kanya. "Glad you like it," sagot ko, with matching kindat. ;)
Maya-maya pa'y dumating na ang teacher. Isang may kaputiang lalaki, mahaba ang buhok, matangos ang ilong, bilugan ang mga mata, at may magandang ngiti ang bumati sa 'min pagpasok niya ng classroom. Siya ang magiging teacher namin.
"Hello," ang pagbati niya sa 'min. "Ako nga pala si David Fernandez. Tawagin niyo na lang akong Sir Dave."
Tumayo na si Jasmine. "Okay, dun na 'ko sa seat ko. Nice meeting you Lai," sabi niya sa 'kin. Tumango lang ako at ngumiti as a response.
"Okay class," ang panimula ni Sir Dave. "Magsa-start tayo sa mga basic animals like dogs and cats." I nodded, pero napansin 'ko na halos lahat ng classmates ko eh sumimangot.
"Sir, kasisimula pa lang ng sem eh magdo-drawing agad? Hindi ka naman excited no?" sabi nung isa kong classmate na babae, with exaggerated gestures pa.
"I believe meron ka pa yatang hung over from our sem break, Ms. Magsaysay," said Sir Dave, na bigla naman ikinatawa ng buong klase. Even me, hindi ko mapigilan ang ngumiti. "So I suggest na huwag ka na munang gumawa ng ipapagawa ko sa inyo..."
"Yes!" ang biglang sigaw naman nung babae.
"...pero I'll just give a 5 sa subject na 'to," ang pagtatapos ni Sir.
Biglang gumuho ang mundo ng babae. "Sir naman! Sige na nga lang. Gagawa na po!"
"Okay, good. So everything's clear class?"
"Yes Sir!" ang pagsang-ayon naming lahat.
Nasa kalagitnaan na 'ko ng aking pagse-sketch nang biglang may pumasok sa loob ng classroom. Hinihingal siya, probably because tumakbo siya. Obviously, duh. Hehe.
Hindi ako bakla, but it was my first time na natulala sa isang lalaki. Gosh, he's beautiful. His dark hair was cut below his eyes, but as soon as the wind blew it away, I saw the most mesmerizing and the most tantalizing pair of choco brown eyes I've ever seen. His skin has a light complexion, his little nose, long dark eyelashes and cute pink kissable lips perfect for his little round face. He's a lot shorter than me, his height probably around 5 ft. 6 in. in comparison to my 6 ft. 3 in. height. He was thinner than me, but not to the point na skinny. He was wearing a grey hoodie atop a blue shirt, faded blue jeans and black sneakers. Biglang bumilis ang tibok ng heart ko at hindi ko na napansin na nakabuka na pala ang bibig ko nang biglang may magsalita.
"'Tol, pakisara naman ng bunganga mo. Pinapasukan na ng langaw oh," sabi nung katabi kong lalaki, sabay ngisi, na nakapukaw sa aking nawalang ulirat. Agad kong isinara ang aking bibig and gulped a lungful of air. What's happening to me? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Why am I feeling so strange towards another guy? Why oh why?
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy (boyxboy)
Teen FictionAfter her mom's untimely demise, hindi naging madali ang buhay para kay Nikolai Vonn Anderson. Together with his dad, lumipat sila sa probinsya upang makapagmove-on at magsimula ng panibagong buhay. Dito niya makikilala ang isang taong magpapatibok...