Hingal na hingal ako habang tumatakbo. Parang kakapusin na ko ng hangin. Gusto ko mang huminto ay hindi puwede dahil kailangan kong magmadali. Baka malate na ko sa first class namin.
Nang makarating na ko sa LRT Line 2 ay akmang kukuha na ko ng pera sa likod ng pantalon ko kaya lang ay may nakabungguan akong babae. Badtrip naman! Bakit ngayon pa ko may nakabungguan kung kailang nagmamadali ako? Gusto ko nang umalis kaya lang ay kailangan ko siyang tulungan na pulutin ang mga naglaglagan niyang gamit.
Umupo kaming dalawa para pagtulungan naming pulutin ang gamit niya. Nang inabot ko sa kanya ang gamit niya ay bahagya akong natigilan sapagkat nagkalapat ang aming mga kamay. Tumingin ako sa kanya at ganun din siya sakin.
Hindi ko maintindihan pero bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Kapag nababasa ko ang mga binabasang romance book ng kapatid ko, kapag napapanood ko ang pelikulang pinapanood niya, nakokornihan ako sa mga bida kapag sinasabi nilang nakaramdam sila ng magic.
Pero ngayon ako ang nasa sitwasyon na iyon, gusto kong kainin lahat ng sinabi ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya, maganda pala siya. Parang kaming dalawa lang ang tao dito, parang huminto ang oras para saming dalawa.
Binawi na niya sakin ang gamit niya at tumayo na kaya tumayo na rin ako. Nakayuko siya at panay ang sorry niya.
“Ako ang dapat magsorry. Sorry din.”
“S-sige, aalis na ko. Malelate na ko.”
Dahil sa sinabi niyang ‘yun ay naalala ko na malelate na nga rin pala ko.
Tumakbo siya palayo at dere-deretso siyang nakapasok dahil may stored value ata siya. Samantalang ako ay pumila pa para bumili ng ticket.
Simula ng araw na iyon ay hindi na mawala sa isip ko ang babae. Ano kayang ginawa nu’n sakin? Siguro ginayuma ko nu’n? Simula rin ng araw na iyon ay palagi akong maagang pumapasok at hindi na nagpapalate para makita ko ulit siya.
Hanggang sa isang araw pagsakay ko ng LRT ay nakita ko siyang nakaupo sa tapat ko mismo. Nagtama ang paningin namin pero agad niyang binawi. Marahil ay hindi na niya ko maalala. Pero ako, palagi ko siyang naalala.
Isang linggo na ang nakakalipas at sa bawat araw na pumapasok ako sa school ay palagi ko siyang nakakatapat sa upuan. Kung hindi katapat ay malapit lang siya sakin lagi. Palagi ko siyang pinagmamasdan. Napakamahiyain niya, palagi siyang nakatungo at parati siyang madaming dala. Paminsan minsan ay nagbabasa siya ng libro o ‘di kaya ay nag-aaral.
Napakarami ko ng naging girlfriend, pero sa kanya, sobra akong natotorpe. Ni hindi ko man lang siya malapitan, hindi ko man lang matanong ang pangalan niya. Bakit pagdating sa kanya, nahihiya ako?
BINABASA MO ANG
Days With My Stranger (Two Shots)
RandomNaranasan mo na bang magmahal ng isang taong hindi mo kilala?