routine of jd

725 15 1
                                    

jackie dimagiba aka jd

sa mga kaibigan nya :')

@school

"jd , ayaw mo ba mag try out sa volleyball ? sayang oh andun kame , pagkakataon mo na to, open kame now" mia

"eh girl kasi di ko ata talaga kaya yun, :'( bukod sa lagi akong late dito sa first subject natin dun pa kaya pati di ako mahilig maglaro no" sabi ko sa kaibigan ko , lahat ng close ko sa school kasali sa sports , ako kasi wala akong hilig

"ano ka ba palitan mo naman yang ginagawa mo na puro pagbabasa lang ng libro, ni hindi ka makasama samin sa gimik" belle

"eh di ko naman kaya mawala yung scholar ko dahil lang sa kagigimik tulad ng ginagawa nyo, kasi kayo mapepera , eh ako kung di ako scholar , wala di ako makakapasok sa magandang school na to" sabi ko sakanila

"hay naku kahit minsan lang naman jd eh" pangungulit ni sophia

"ayyy naku ! bahala ka nga dyan ! ayaw mo pa dami mong perks pag naging varsity ka ng school natin,aside sa allowance , free food , excuse sa klase at exam pag natapat sa exam ang laban ng uaap :')" mia

"basta pagiisipan ko muna , alam nyo naman may mga kapatid pa ko , kaya wala akong time para sa mga kalokohan" sabi ko sakanila

sila ang makukulit kong kaibigan, matagal na nila ako pinipilit sumali sa ganyang mga activity , pero kasi bukod sa di ako marunong , di rin ako mahilig maglaro hehe

daily routine ko lang sa buhay ay school , bahay, nagrereview lang ako palagi , para di bumaba ang grades ko :')

pagkatapos ng klase maghapon, umuwi na ko , iniwan ko na sila dun dahil may praktis sila para sa laban nila bukas , nanonood ako ng laban nila pag may time ako , sinosoportahan ko padin sila kahit di ako naglalaro ng volleyball

@house

"ma ! ! " sigaw ko , lagi akong ganun means kasi nun that im home heheh

"anak buti andyan ka na , magbihis ka na mag bantay ka muna ng tindahan , at susunduin ko si bunso" paalam ni mama

"sige po ma , pero ma bilisan mo ah, may gagawin pa po kasi ako mamaya, exam ko na po bukas" sabi ko pa

"di ka pa nga nakakapag bantay minamabilis mo ko agad, talaga kang bata ka" pagalit sakin ni mama pero mahinahon lang naman

"ma ano oras uwi ni papa ?" tanong ko

"hindi ko alam , sabi nya kasi gagabihin daw sya"

"bakit daw po?"

"anak di ako makakaalis kung puro ka tanong , sige na alis na ko, bilisan mo mag bihis ah ?!" sigaw ni mama habang papaalis

hai ! ano ba naman to si mama , kainis !

----------------------
maikli muna , :') salamat sa mga nag add ng story ko to their reading list ^___^

this bad ass stole my V card!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz