10 for Brent

11 2 3
                                    

(C) July 6, 2016

This story is based on a real life situation.

***********

"Oy Stella! Pupunta kami ng canteen, sama ka?" Tanong sakin ng kaklase kong di Anika.

"Oo! Wait lang tatapusin ko pa 'tong kinakain ko" sabi ko naman habang nagmamadaling sumubo ng kanin sa ulam.

"Bilisan mo" sabi naman ni Rielle.

"Oh eto na tapos na, wait kukunin ko lang pera ko." Sabi ko naman.

Kumuha naman ako ng pera sa bag ko at kinuha ko na rin phone ko. Pagtingin ko sa phine ko ay may naalala ako.

"Oy Maley! May ipapakita ako sa'yo bilisssss" sigaw ko kay Maleah, classmate ko.

"Oh ano yan?" Agad naman siyang lumapit sa akin.

"Teka lang" sabi ko habang binubuksan phone ko at dumeretso sa gallery ko. Nahanap ko naman agad yung picture na ipapakita ko kay Maleah, kakasave ko lang kasi nito kagabi.

"Ayan oh! Cute niya diba?" Sabi ko naman sa kanya na parang kinikilig.

"Wait, si Fafa Brent ba yan?" Tanong niya.

"Yeah hahaha nahanap ko sa photos niya sa FB kagabi" sabi ko naman sa kanya na parang ba eexcite.

"Grabe, hahaha" sabat niya

Si 'Fafa Brent' na tinutukoy niya ay yung crush ko sa senior highschool. Matangkad,moreno, matalino, at higit sa lahat, mabait. Nakilala ko siya nung first day of school, malapit sa room namin at dahil nga first day of school, di ko pa alam pangalan niya. Kaya tinago namin siya sa pangalang 'Fafa Stripes' since nakastripes siya nun.

"Uy Stella! Bilisan mo, bibili na kami"
Sabi ni Anika.

"Oo wait papunta na"

*********

Habang palalakad kami sa canteen, di ko maiwasang umasa na sana andun si kuya Brent, siyempre, crush ko eh.

Nung malapit na kami sa canteen, may nakita akong matangkad na lalaki tas nakauniform na sa loob ng canteen. 179 cm ang height ni Kuya Brent kaya pag nakita ko siya, alam ko na agad na siya yun kasi siya ang pinakamatangkad sa senior high. Pero nabigo ako nung humarap yung lalaki, hindi pala yun si Kuya Brent. Parang bumigat yung loob ng konti pero okay lang.

Dumiretso na kami at bumili ng aming inumin.

"Te Rachs, maglalagay ako ng 100 tas kukuha ako ng 90 pesos ah" sabi ko kay ate Rachs, tindera sa canteen namin. Oo, ako lang ang naglalagay ng bayad ko at kumukuha ng sukli ko hahaha. Pumapasok kasi talaga ako sa may counter (kung yun yung tawag nun)

Lumabas na ako sa counter at nakita ko yung mga classmates ni Kuya Brent kaya siyempre hinanap ko rin siya pero parang wala, hays. Nag 'hi nalang ako sa ibang mga ate at kuya.

Bumili ako ng coke at hinintay ko sina Anika at Rielle na kasalukuyang nagbabayad kay ate Rachs sa binili nilang inumin, buko juice.

"Tara na?" Tanong ni Anika.

"Tara" sabi ni Rielle.

Sumunod ako sa kanila papalabas na parang nalungkot na di ko nakita si Kuya Brent.

"Uy nakita niyo ba yung lalaking matangkad kanina sa loob? Akala ko si Kuya Brent, pero nung humarap, ibang tao pala 😌' wika ni Rielle, habang naglalakad kami papuntang classroom.

"Wait, napansin mo rin? Hahaha ako rin eh, akala ko si Kuya Brent." Sabi ko naman.

"Oo nga eh, matangkad lang pala HAHAHA" sabi ni Rielle.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa malapit na kami sa room. Bigla namang nagsalita si Anika.

"Akala ko nga wala si Kuya Brent dun sa canteen pero andun pala siya"

Nabigla naman ako dun.

"Ha? Wala kaya!" Wika ko

"Andun uy! Nasa likuran mo pa nga eh"

"What?! Ba't di niyo sinabi! Di ko napansin!" Sabi ko na parang naiiyak.

"Ha? Akala namin nakita mo rin." Sabi ni Anika.

"Hindi ko siya nakita! Balik tayo sa canteen bilis!" Sabi ko at hinila ko sila.

"Aaay! Ayaw na namin, kapagod na. Ikaw nalang" sabi ni Rielle at Anika.

"Ahhhh! Sige na samahan niyo na ako"
Pagmamakaawa ko.

"Ayaw na namin, wala na kaming bibilhin dun." Sabi ni Rielle.

"MANLIBRE ka" sabi ni Anika

Napaisip ako dun ng konti pero pumayag din ako.

"Sige!"

"HAHAHAHA yeeeey!" Wika nila. Kainis bhe.

At ayun nga nakarating na kami ng canteen ULIT. At ayun nga, si kuya Brent andun talaga, ba't di ko napansin masyado kanina diba? Kalungkot bhe

"Um, magkano ililibre mo" tanong ni Anika

"5 lang, la na akong pera."

"Okay" tig isang 5 piso sila at ako na kunuha ng pinapagbili nila.

"Pffft, 10 for Brent!" Sabi ni Rielle

"HAHAHAHA oo nga, nalibre pa tayo, thanks kuya Brent 😂"

"Heh! Ngayon lang 'to, tsaka 10 piso lang naman" sabi ko

Pero sa ikalawang pagkakataon, nakapunta kami dito sa canteen, ay di ko pa rin nakausap si kuya Brent. At alam kong hindi na rin mangyayari yun kaya sinabi ko nalang

"Tara na"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

10 for BrentWhere stories live. Discover now