His Red-spotted Knight
Hanes' POV
Sa paglalakad ko sa masikip na eskinitang papunta sa bahay nina Tiya Mameng, may narinig akong malalakas na suntok sabay malakas na sigaw ng lalaki. Mukhang may pinahihirapan na naman ang mga tambay dito. Siguro dayo na naman. Tsk! Oo aaminin ko tambay rin ako pero di ako katulad nila na walang ibang ginawa kundi ang makipag-basag ulo. Noon pala oo, pero ngayon hindi na.
Sa di kalayuan, may nakita akong dalawang lalaki na pinahihirapan yung isa pang lalaki. Lumapit naman ako sa kanila para awatin sila.
"Pare, pwede bang tigilan niyo na siya? Wala namang ginagawang masama yung tao sa inyo ah?!" pangaawat ko sa kanila. Payatot pa naman yung lalaki. Kaawa-awang nilalang. :'(
"Pakialam mo ba? Umalis ka nga rito!" sigaw nung isa sa kanila habang patuloy pa rin sa pagbugbog sa kawawang lalaki. Aba! ginagalit ata ako ng isang 'to ah! May dalaw pa naman ako ngayon kaya mabilis akong magalit. >_<
"Sinabi nang itigil mo yan eh! Bingi ka ba?! Ilang drum ba ng tutuli ang meron diyan sa tenga mo? Just a simple UNDERSTAND you cannot INSTRUCTION?!" wengya! Tama ba ang grammar ko?
"Ahahahaha! Naku iha! Langya! Mag-aral ka munang gumamit ng tamang grammar bago makisawsaw sa away ng may away! Ahahahaha!" tengene! Mali nga talaga yung grammar ko. Dapat pala "Just a simple INSTRUCTION you cannot UNDERSTAND?!" watdapak! Kinakalawang na naman utak ko.
"Sino ka ba kasi? Pwede bang umalis ka na rito? Istorbo ka lang eh!" nagpanting naman ang tenga ko sa mga narinig ko.
Di ko na napigilan ang sarili ko. Kanina pa kasi nangangati ang mga kamay ko. Nagkukuyom na ang mga ito kaya bigla kong sinuntok yung isa. Yes! Sapul sa panga! Natumba naman ito. Tss. Weak naman pala itong isang 'to eh. Puro dada lang ang alam.
"Mukhang hinahamon mo ako ng laban ah?!" sabi ng kasama niya. Bigla niya akong sinuntok. Di ko yun agad nailagan kaya natamaan niya ako.
Argh! Ang sakit! Putcha! Pinunasan ko naman ang dugo sa gilid ng labi ko. Psh! Kala siguro ng kumag na 'to na ganun na lang ako kadaling patumbahin. Nagkakamali siya.
Sinuntok ko naman siya sa panga. At ayun nga! Sapul! Oraaayt! Pinalunan ko pa siya ng sunud-sunod na suntok hanggang sa pumutok ang mga labi niya. Natumba rin siya. Tsk! weak din pala 'tong isang 'to eh.
Akma naman akong susuntukin nung isa. Nakatayo na pala ang isa pang kumag. Kuntodo beastmode pa! Wohoo! So sinipa ko na lang yung nasa in between ng legs niya. Condolence, kumag! Ahaha!
"Patawad, mga kumag. Ang sasama niyo kasi." sambit ko sabay hatak sa kawawang lalaking binugbog nila kanina.
Tinakbuhan namin sila. Nang makalayo na kami, tumigil kami sandali.
"Okay ka lang ba? ha?" anong klaseng tanong ba yan Hanes? Sino ba naman kasi ang magiging okay sa lagay na yan? Nilapitan ko naman siya. Teka mukhang namumukhaan ko siya ah.
"Okay naman kahit papaano. Salamat sayo ha? Kung wala ka kanina, siguro patay na ako." teka! mukhang kilala ko nga talaga siya. Tinanggal ko yung salamin na suot niya kanina tapos hinawakan yung baba niya para matignan ng mabuti ang mukha niya. Yung ilong niya. Labi. Mata. Waaaah!~ watdapak! si Phill yung lalaking sinusuntok kanina?