Chapter 2

0 0 2
                                    

Because of You

iamnobodyelse

07.12.16

Nagtapos na ang discussion pero wala akong naintindihan. Masyadong busy ang utak ko kakaisip kay Kyle.

Mamaya kasi may practice game sila sa Gym. Obviously isa siyang Varsity player, siya din ang pinakamagaling na player, plus siya pa ang pinakagwapo sa kanila. In short, siya ang ultimate crush ko kaya sa kanya lahat ng "pinaka".

Niyaya kong manuod ng practice game si Pat.

"Don't tell me, papanuorin na naman natin si Kyle?"

"Ano pa nga ba." ngising sagot ko sakanya.

"Busy ako bes e. Next time nalang." tanggi niya sa pag anyaya ko.

"Sus! Libre kita fries and sundae later, pagtapos ng game." sabay hila niya sa aking braso at patungo na kame sa Gym.

"Bruha ka talaga!" sabi ko sakanya. At sabay na nagtawanan.

Si Pat ang bestfriend ko since born. Magkapit bahay kasi kaming dalawa at para na rin kaming tunay na magkapatid.

Nang makarating na kami, unting unti nanlaki ang singkit kong nga mata.

"Shet Pat! Practice game lang 'to diba? Ba't ang daming tao?" sabay tingin kay Pat.

"Malamang 'te nga sikat at gwapo ang player natin. Plus may mga ibang school pa na maglalaro dito. Bale parang maglalaban sila." sambit ni Pat.

Nang nakahanap kame ng upuan ay umupo na kaming dalawa. Nasa bandang taas kame ng bleachers sapat na para makita si Kyle na naglalarong pawisan.

Hiyawan ang maririnig mo sa loob ng Gym. Ang iba may dala-dala pang tarpaulin na may nakalagay, Kyle Jan Sarmiento Fans Club.

Yes, ganyan kaadik ang mga tao kay Kyle. Maski sa ibang lugar ay kilala siya. Kaya nga inassume ko na si Kyle ang nagbigay sa akin ng mga bulaklak, kahit di ko naman talaga alam kung sino. Sana siya nga.

Habang dinidribble ni Kyle ang bola ay nasa likod niya ang taga ibang School na nagbabantay sa kanya.

"Bes, ang pogi naman nung nagbabantay kay Kyle myloves mo."

Mukhang napansin din niya. Di hamak naman na mas gwapo si U.C (Ultimate Crush). Matangos ang ilong ni Kyle pero matangos din naman ang ilong niya, Matangkad din si Kyle pero mas matangkad siya, Chinito si Kyle, siya naman mapupungay ang mata, Mestizo si Kyle, siya naman may pagkakayumanggi ang balat.

Bakit ko ba sila pinagkukumpara? Huh! Basta mas gwapo si Kyle.

"Mas gwapo pa din si Kyle." lingon ko kay Pat. Sabay tingin ulit sa mga Player.

Nang tumunog ang pito ng referee ay agad silang nagsipuntahan sa kani kanilang bleachers.

Napungaw agad ang mga mata ko sa dako nila Kyle. Nanlaki ang mga mata ko, kitang kita ko kung paano punasan ng babae si Kyle ng kanyang pawis. Habang si Kyle naman ay nakangisi, para bang gustong gusto nito ang ginagawa sa kanya nung babae.

"Taken na ulit si fafa Kyle mo. Bigti ka na te!"

Very supporting bff! *slow clap*

"Thank you ahh!" inemphasize ko talaga. Kainis tong si Patty e.

Mangiyak ngiyak na ko ng titigan ko ulit sila. Tang ina mo Kyle, kailan mo ba ko mapapansin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon