Mr.Bitter

40 1 5
                                    

"Happy birthday Jason!, happy birthday Jason," rinig kong kanta ng kung sino mang buraot na panira ng aking masarap na tulog...




"Happy happy birthday, happy birthday J--"




Bago pa nya matapos banggitin ang pinaka nakakainis at nakakadiring pangalan sa buong kalawakan ay binato ko na ang matigas kong unan.



Buset! Nakakapanira talaga ng araw itong babaita na ito.





Di umabot yung unan kasi nasa tapat siya ng pinto.






"Hala nahulog, log,log,log,log,log!" Pangaasar pa ni gaga.







Arghh! Kung di ko lang talaga espesyal ang araw na to, malamang kanina pa akong bumangon dito at tiniris ang nag isang malaking tigyawat nya sa ilong.






Umupo ako at gigil na gigil na tumingin sa namumulang tigyawat nito.






"Ang cute namn ng tigyawat mo Melay, pwede patiris?" I flush my evil smile.




Lalapit na sana ako sa kanya ng bigla siyang ngumiti at tinaas ang pamilyar na hello kity underwear.







"Sige, pero kunin mo muna toh sakin." And then nawala na parang si Antman sa harap ko.








"Jason, di ako papayag sa gusto mo hanggang di mo nakukuha to sakin!" Sigaw nya habang inikot ikot ito na parang Flag patakbo sa labas.






Impakta talaga kahit kailan eh, at ako namn din si gaga sumakay sa kalokohan ng impakta.






Dali dali ko siyang hinabol sa labas at kamuntikan na akong mahulog sa hagdan. Buti na lang at di ako nadapa kasi pag nagkataon na nagasgasan ang tuhod ko dahil na namn sa kanya, magigising siyang mala Saitama ang ulo.









Naabutan ko siyang naka sitting pretty sa bangko. Na ang akala mo ay binayaran para mag muni-muni sa isang palabas. Kaloka!








Nilapitan  ko nga ang impakta. Mukhang nagulat pa ito na parang nakakita ng kakaibang nilalang sa buong buhay nya.







"ahhm,  you want something? " painosente nyang tanong habang nakatingala sakin.








Nakita ko namn ang pag paypay nya sa leeg nya ang underwear ko na parang nangangasar.








Huminga ako ng malalim, alam kong may lahi kaming pasensyoso kaya hahabaan ko pa pasensya ko.

Well, wish me luck then.




Taray! napa English ang Lola nyo!





Ok, balik tayo sa pagka beast mood.

Buset! Napaka harot talaga ng bakla na itey!

"Ibigay mo na kasi e! "

" Ayako nga. "

"Ano?!   Bilis na kasi!"

"halikan mo muna pwet ko? "

" Naiinis nako ah! Sasabunutan na kita! "

" Walang pumipigil sayo."

"Isa! "

" Dalawa? " Kukunin ko nasana bigla namn nyang tinago sa loob ng white blouse.







" Kunin mo muna" sabay nguso sa kanyang Dalawang Bundok.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pak! Ganern!Where stories live. Discover now