CHAPTER 4:AIRA ANACONDA

39 1 0
                                    

[Athena Liah's ]

LUNCH BREAK…

Andito kami ngayon sa cafeteria. Kasama ko ngayon sila Trish,Elle,Thes, Dane at Joy.Yung iba umuwi lang sandali pero babalik din sila mamaya.

Hindi kami makakain ng maayos ni Dane dahil ang sakit pa rin ng batok namin.

"Anyare sa inyong dalawa?"tanong samin ni Trish.Wow ha!Nagtanong ka pa.

"Di pa kasi nakamove-on yung batok nila sa nangyari kanina,"sagot sa kanya ni Joy.

"Bakit anong nangyari kanina?"nakakunot noong tanong niya ulit.Sige teh! Deny pa more!

"Wow naman!Ano yan temporary amnesia?"sarcastic na tanong ko sa kanya.Sinamaan nya naman ako ng tingin.

Maya-maya pumasok si Rhen mag-isa pero nakabuntot sa kanya si Aira na nakabusangot.Balita ko kay Dane,itong Aira din na to ang nangungulit kay Rhen nung orientation wala ako non kasi nga...INATAKE AKO NG KATAMARAN...v^_^

Napatingin naman ako sa mga kasama ko nakatingin din sila kay Rhen pero napansin ko si Trish biglang sumama yung aura nya.Maasar nga...

"Trish!"tawag pansin ko sa kanya."Anong tingin mo kay Rhen? "Tanong ko.

"Aray!"daing ko. Tinignan ko nang masama si Elle inapakan nya kasi yung paa ko. Pinandilatan naman ako ng mata ni Thes.

"Oo nga Trish,anong tingin mo sa kanya?"segunda ni Dane.

"Ano nga Trish?"pati si Joy nakisali na rin.

Sinamaan nya naman kami ng tingin.

"Ewan ko sa inyo! "Sagot nya sa amin.

Magsasalita sana ulit ako nang may lumapit sa table namin.

"Hey Trish!".

[Trish Xylene's POV]

    Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Aira -_-

     "Sino yun? May narinig kayo?"tanong ni Joy eto na naman sila sa trip nila.haay!

     "Trish sino yung tumawag sayo?"tanong naman ni Liah.I shrugged.

   "Oh Gosh!Di kaya minumulto ka na?"react naman ni Dane.Naku!

   "Ano ba Dane!Pwede namang maligno diba? "Sabi naman ni Elle.Nagpipigil naman ang iba ng mga tawa nila...pati ako ^_^

    "Di yun maligno,imapakta siguro,"sabat naman ni Thes. Grabe na po sila...haha..

    Nagtawanan naman sila pati yung ibang nakarinig.

   "Hey!Ano ba?!"sigaw naman ni Aira sabay hampas ng malakas sa table namin.

   "Uy!Andyan ka pala!"Sabi ni Liah.

   "At wala!Wala ako rito,"pambabara naman ni Aira.

   "Ahh!Kaya pala hindi ka namin makita,"sabi ulit ni Liah at tumango -tango pa.Lalong nainis ang bruha.-_-

    "OK guys,tama na yan! "awat ko sa kanila. Bumaling naman ako kay Aira ."Anong kailangan mo? "Tanong ko.

   "Gusto kong kausapin mo si Mr. Edwards at sabihin sa kanyang ako na lang ang magto-tour kay Rhen, "she said.Desperada -_-

   "Why would I do that?"I asked with a smirk plastered on my beautiful face v^_^.

    "Kasi sinabi ko, "sabi nya ulit.haist!

     "Bakit sino ka ba para sundin ko ang gusto mo? "I asked.

    "Pwede ba gawin mona nalang?"iritang tanong niya sabay hampas ulit ng table,sa kasamaang palad nagsusulat naman ng kung ano man si Liah at dahil nga sa paghampas nya,nagulo ang kung ano man yun. WRONG MOVE!

   "Damn it!What really is your problem?You BAKA!"(idiot)sigaw ni Liah at tumayo na rin.

   "Anong sabi mo? BAKA?"Takang tanong ni Aira.

   "Ay hindi, kalabaw siguro,Psh.Idiot,"inis na sabi nya.

"You-----"

*kriiiiiiiiinnnnnnnggggggggggg*

    Pinutol ng tunog ng bell ang dapat na sasabihin ni Aira.Buti na lang. -_-

Dahil kung hindi,siguradong WORLD WAR 3 ang kalalabasan nito. Haay!

***
  Sorry po sa sobrang (as in super)late na update.^_^
  Sana suportahan nyo lang po...para sipagin po ako..haha!.XD
                                             
                                                 ---enidan^_^

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon