Pretty 2

20 1 2
                                    


Chapter 2


"Fiona, bago ka pumasok paliguan mo muna si Chiki ahhh..."nagising ako sa boses ni mama. Hayst, tulog pa nga, may iniuutos naagad, but oh well, kailangang sundin.


Bumangon ako sa higaan ko at niligpit muna ang pinaghigaan, ng maymapansin akong paperbag sa study table ko.


Nilapitan ko yung study table ko at tiningnan kung anong laman ng paperbag... at WOW! Gown? Para kanino? Imposibleng sakin yan, sino naman magbibigay sakin nyan? Ayyy, baka kay ate Danna. Baka napadaan sya dito at pinatabi muna kay mama yung gown. Oh well, pakialam ko basa kanila.


Tinapos ko ang ginagawa ko at dumiretso na din sa kulungan ni Chiki para paliguan.


"Pssssht! Chiki! Wag malikot! Ay shems!" Grrrr! Kaloka tong asong to!! Ang likoooot!


"Grrrr! Arf arf!" sabi ni Chiki habang nakikipaghabulan sakin


"Grrrr! Arf arf!! Awoooo!" Sagot ko naman sakanya


"Arrrrf! Arrrffff!" Aba! Sinusubukan ako nitong asong to ahhh.


"CHIKI!!! ASAN KA NAAAA!??" Nang makita ko si Chiki ay agad kong binato ng tsinelas at ayun, natakot.


Kinuha ko agad si Chiki at dumiretso kami sa bakuran para dun syapaliguan. Jusko kaya pala sakin to pinagagawa ni Mama, mas lalong naging malikot si Chiki...


Ng matapos ko nang paliguan si Chiki at pumunta ako sa kusina para magluto ng ulam ng dumating si ate Danna.


"Fi, nakita mo ba yung gown sa taas---?" di nya pa natatapos ang sasabihin nya ay inunahan ko na agad sya


"Sabi na sayo yun e, bakit nandun sa kwarto ko ate? May lakad kaba? Kunin mo na baka mapag-interesan ko pa yun bahala ka." Sabi ko habang di sya nililingon dahil mas priority ko ang paghihiwa ng rekado para sa baon ko.


"Sa'yo na yun, Fi. Dito ko talaga pinadala sa address nyo kasi yung nanliligaw sakin, ang kulit. Binasted ko na nga, ang kulit pa din.Debut nya na kasi--" di nya pa ulit natatapos yung sasabihin ay inunahan ko ulit sya


"Oh my, ate. tomboy yung nanliligaw sayo?" Napalingon na ako sakanya, pero dumiretso na din ako sa ref para kunin yung main ingredient sa ulam an lulutuin ko.


"Hindi, baliw. Patapusin mo muna kasi ako. 21st birthday nya na kasi, at iniinvite nya ako kaso super busy ko at ayoko sakanya kaya tinanggihan ko na sya, pero di nya alam na nagdodorm ako. Kaya hiningi nya yung address ko at... dito ko pinadala kaya... Ayan..."Hmmmmm, sabagay. Maganda naman itong si ate Danna. Sexy pa, at mukhapang modelo. Kaso sayang yung gown.


"Gusto mo ate ako na lang umattend?" Hihihihihi, makapagboy hunt na din.


"Di ka papayagan ni Auntie." tinaasan ko agad sya ng kilay.


"Ate, ayaw mo lang ata akong papuntahin dun kasi baka magustuhan ako ng manliligaw mo e. Alam mo namang papayagan ako ni mama dahil alam nya kung paano ko ilagay ang sarili ko sa ibang lugar diba?"Mukhang pinag-iisipan pa ni ate kung papupuntahin nya pa ako o hindi.

You are so beautifulWhere stories live. Discover now