Just One Summer Class Oneshot (Filipino Edition)

211 12 13
                                    

Author's Note:

Well ito talagang tagalog version na ito iyong original na sinulat ko, (I mean iyong una bago ko nirevised.) pero nung sinulat ko na sa english version nabago na siya habang sinusulat ko pati ung name ng girl sa kwento. haha

Actually kasi hindi ko matandaan iyong ginamit ko na name nung girl. Tapos last night ko lang nakita itong kwento na ito at napagdesisyonan ko na ipublish na din dito.

Ito ang story ni Kevin in Tagalog version.

-GoddessOfStarGaze

______________________________________

Ako si Kevin. 17 years old. First year Mass Com Student. Alam ko..first year pa lang may bagsak na. Bagsak ako sa math. Ayokong magkaroon ng back subject that's why I've decided na mag enroll ngayong summer.

Isa ako sa mga hindi pinalad na pumasa sa aming terror teacher. At sa kasamaan palad siya na naman ang teacher ko. Nababagot akong umupo sa pinakalikod na upuan. Pinagmamasdan ang buong classroom. Wala man lang akong kakilala. Sa ibang klase kaya nag enroll ang mga bumagsak kong classmate?Malamang, wala sila dito e. Mukhang ako lang ang naligaw sa kanila.

Bigla tumingin sa akin ang terror na Prof. "Mr. Perez nag iisa ka diyan. Pwede bang lumipat ka ng upuan dito sa harap." Natatandaan pa pala ako ni Terror Prof.  wala ako nagawa kundi sundin siya at umupo sa bakanteng upuan sa harap. Ito na daw ang permanent sit namen.

Habng nagtuturo si Terror Prof. Sinusubukan kong mag focus lang sa tinuturo niya. Kaso mukhang malas din ata ako sa katabi ko. Ano bang problema nito?

"Hi! Ako nga pala si Thea."

"Transferee lang ako."

"Ano pala name mo?"

"Bakit ka nag summer?" Tapos nag smile siya, sa akin siya nakatingin? Ako nginingitian niya? Lumingon  ako sa likod para makasiguro pero walang nakaupo sa likod. I try to ignore her pero noong nakita ko ulit iyong smile niya nadistract na ako. Ano ba ito? bakit parang bumilis ata ang tibok ng puso ko. Hindi ko pala napansin na napatulala na ako sa kanya at napanganga.

"Hey! Anong problema?" Natatawang nag aalala siya sa akin.

Back to reality. "Ha?" hindi ko napansin nag daydreaming na pala ako. Ako?! What?! No way! Masyado lang ako nafocus sa..sa kanya? mali sa discussion.

"May quiz daw tayo. After 10 minutes. Tara mag review na tayo." Nakangiti nanaman siya. Habang binabasa ko iyong lecture ko ang ingay niyang magreview. Nainis ako kay prof. First day pa lang quiz na agad. Mas naiinis ako dahil hindi ko naintindihan mga pinagsusulat ko dito sa notes ko. mukhang may ilalaga nanaman akong itlog mamaya.

After ng klase nakayuko akong naglalakad papunta sa cafetiria. Bagsak ang mga balikat ko habang nakatingin sa zero kong quiz kanina. Naiinis na nilamukos ko ang papel at itinapon ko sa basurahan. Asar!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just One Summer Class Oneshot (Filipino Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon