First and the Last

294 9 3
                                    

Copyright: Public Domain

Maluha luha akong tumapak sa pedestrian lane at hinintay na mag-'stop' signal ang traffic light. Makaraan ang tatlumpung segundo na paghihintay ay napabuntong hininga na lang ako at napayuko. Mahilig ba talagang magpahintay lahat ng bagay sa mundo?

"Miss, tatawid ka ba? Huwag ka ngang paharang harang dyan!"

Tahimik akong umatras palayo sa pedestrian lane at hindi na lang naisipang tumawid. Baka kung ano pang sumapi sa akin at huminto ako sa gitna para magpasagasa. Naglakad ako pabalik sa university at naupo na lang ako sa maliit na bench doon sa harap ng seminary gym at naluha.

Kasi naman eh. Bakit ba ako naiwan? Dahil ba pinilit kong magpaiwan? Bakit ba ako nawalan? Dahil ba tatanga tanga ako? Kasalanan ko na naman ba? At bumagsak pa ako ng 6 units. Nakakainis.

Nakipagbreak sa akin ang boyfriend ko. Hindi ko alam kung bakit at wala na akong balak malaman. Kung gusto niya akong iwan, sige mang iwan siya, hindi ako maghahabol. Pero masakit eh. Namatay pa iyong alaga kong aso. Iyon na nga lang iyong naiwan kong alaala kay kuya, iiwan din ako. Labing tatlo ko iyong kasa kasama sa buhay. Hindi pa nanliligaw sa akin iyong ex ko, kasama ko na siya. Namatay siya kaninang umaga lang. Naabutan ko na lang si mama na lumuluha. Iyon pala wala na si Gordon, alaga kong aso.

Kanina namang naghihintay ako ng jeep papunta sa España ay nanakawan ako ng cellphone. Hindi ko alam. Malamang ay lumilipad ang isip ko dahil masyado akong malungkot sa pagkamatay ng aso ko. Ayan, wala na akong cellphone. Ang mahal mahal pa noon. Hindi porket nagaaral ako ng Nursing sa UST ay may maipagmamalaki na akong kotse.

Noong pagpasok ko palang sa UST ay humarang na ang boyfriend ko. Magusap daw kami. Niyakap ko siya. Dahil sa tingin ko iyon ang kailangan ko. Na iyon ang magpapagaan ng loob ko dahil nga down na down ako. Pero inilayo niya ako sa kanya at diretsahan ang pakikipagbreak sa akin. Walangya, namatayan na ako ng aso, nanakawan na ako ng cellphone, wag naman ang boyfriend ko. Kinausap ko siya ng mahinahon pero tinalikuran niya lang ako.

Pagpasok ko naman sa klase ko ay binungaran ako ng prof ko na magusap daw kami. Kinabahan naman ako noon kasi iyon din ang linya ng ex ko kanina. Mukhang may sumpa nga ang linyang, "may paguusapan tayo", dahil sinabi niya sa akin na bagsak daw ako ng 6 units sa kanya.

Hindi ko alam kung paano ko natapos ang isang buong maghapon sa UST pero heto ako ngayon, umiiyak sa harap ng seminary gym. Siguro ang Diyos lang ang talagang kailangan ko. Kung magmadre na lang kaya ako?

Maraming napapadaan na estudyante sa harap ko at titigan lang ako na para akong baliw. Nakakarinig pa ako ng bulungan na malandi daw ako kaya ito ang kinahantungan ko. Punyeta sila. Gustong gusto ko silang sugurin dahil sa sakit na nararamdaman ko pero naisip ko na magsasayang pa ako ng lakas. Naubos na nga ang kalahati ng lakas ko umaga palang, nakapagtataka lang na may lakas pa ako ngayon.

Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng umuwi at umiyak sa unan ko. Ngunit hindi ko magawang tumayo. Iniisip ko lang ang kapakanan ko. Paano kung liparin na naman ang utak ko at huminto ako sa gitna ng kalsada? Kawawa naman si mama.

Tinakpan ko na lang ang mukha ko ng aking mga palad. Sa dinami rami ng mga araw ay ngayon pa ako nakalimot magdala ng panyo o kahit puting tela. Naiwan ko rin ata ang tissue ko sa locker ko. Baka pati utak ko naiwan ko rin doon.

Maya maya lang ay nakarinig ako ng ingay. Ang tunog ng pagbukas at sara ng pinto at ang halakhakan at usapan ng ilang mga lalakeng estudyante. Ano mangaasar na naman sila ng kapwa? Mga peste.

Pinunasan ko ang mukha kong basa ng luha at inayos ang buhok ko. Buti at hindi ako nagsusuot ng kolorete sa mukha kundi ay para siguro akong multo sa labas ng seminary gym. Nakaputi pa talaga.

Nang iangat ko ang mukha ko ay nakita ko ang mga lalakeng nagsisilabasan sa gym. Break time ata ng mga seminarista. Dumaan sila sa harap ko habang mamula mula ang mata kong nakatingin sa kanila. Ang iba ay titingin sa akin at magbibigay ng malungkot na itsura. Wala naman akong magawa kundi ang bigyan sila ng maliit na tango. Hindi ko naman sila matarayan dahil wala naman silang ginagawa. Ang lakas naman ng loob ko manaray, ako na nga ang mukhang kawawa ngayon.

Napaurong ako ng may sumiksik na lalake sa tabi ko. Ang laki laki ng pwesto sa kanan ko nandyan pa talaga siya sa kaliwa ko. Pinagkunutan ko siya ng noo nang mapadpad ang tingin ko sa likod niya. Ang ex boyfriend ko..

Napayuko ako at itinago muli ang mukha sa aking palad para maiyak na naman. Lang hiya. Bakit dito pa siya napadpad, o? Nanadya ba talaga siya? Nakakainis naman talaga.

"Hala! Miss? Hala, bakit ka ba naiyak? Namamaga na nga iyang mata mo, oh. Tsk."

Hindi ko pinansin iyong lalakeng katabi ko at nagpatuloy lang. Pinapaalala sa akin ng ex ko lahat ng nangyari sa akin sa araw na ito. At hindi ko ito makakalimutan. Paano ko ba sasabihin kay mama na bagsak ako ng 6 units? Ayoko naman ikuwento kay mama ang nangyari sa amin sa ex ko dahil baka lalo lang siyang maapektuhan. Mabuti nang si Gordon at ang grade ko na lang ang isipin niya.

Naramdaman ko na lang na may gumigitgit sa gilid ko. Tinignan ko iyon para lang makakita ng isang puting panyo na inaabot sa akin ng estrangherong seminaristang ito.

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa panyo niya bago ko abutin iyon. Nanghihingi muna ako ng tahimik na permiso. Baka naman labag ito sa loob niya. Tinanggap ko na lang at pinunasan ang mukha ko. Ngunit sa bawat punas ko ay siya ring patak ng luha ko. Hindi ganun kadaling tanggalin ang sakit sa akin kaya hindi rin ganun kadaling patigilin ang luha ng aking mata. Kung sana lang ay hindi na ako umiiyak sa tabi ng hindi ko kilalang tao.

"Miss, anong problema? Baka maaari nating pagusapan?"

Sunod sunod ang pagsinok ko at ang bilis ng aking paghinga dahil sa walang tigil kong pagiyak. Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko habang kinukwento sa kanya ang nangyari sa akin sa loob ng isang araw.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin pagkatapos kong magkuwento. Napapikit ako at napaiyak pa lalo ng maramdaman ang mainit niyang katawan. Magpapari ba talaga ang lalakeng ito? Bagay sa kanya. Mabait naman siya.

And the tears come streaming down your face
When you lose something you can't replace
When you love someone, but it goes to waste
Could it be worse?

Mapapamura ka na lang. Akala ko papayuhan niya ako pero kumakanta siya. Kinakantahan niya ako para kumalma ako. Hindi ko alam ang nangyari sa akin pero nadala ako ng malamig na boses niya. Tangina, sayang ang isang ito, bakit kasi magpapari pa?

Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you

And high up above or down below
When you're too in love to let it go
But if you never try you'll never know
Just what you're worth.

Kaagad akong lumayo sa kanya at inaayos ang sarili. Nakakahiya. Bakit ako nagpayakap? Gustong gusto kong sampalin ang sarili ko. Walang hiya ka, Kristine. Ang lakas ng loob mo. Unti unti na namang namuo ang luha sa mata ko. Tsk!

Tumayo na ako at naglakad palayo sa kanya nang habulin niya ako.

"Gusto mo bang lumabas ako ng seminaryo?"

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit nagtataka ako sa tanong niya. Sinagot ko siya, "Huh? Bakit ka lalabas? Eh nasa labas ka naman ngayon, ah?"

Ngumiti siya sa sinabi ko at may sinabi na nakapagpatigil ng mundo ko. At ang makakapagpabago ng mundo ko.

"Sira. Ibig kong sabihin, iiwan ko na seminaryo. Mukhang ito talaga yung call ko eh, ang pasiyahin ka habambuhay."

---

Real Story inspired by a real life Kristine and a Seminarista. Bless your now-married life.

Supposed To Be A 'Father'Where stories live. Discover now