Six & Fifty Cents

551 20 7
                                    

"Class, you will need to pay 6.50 pesos to Ms. Kokolina Kurdapia for your test papers."

Tumayo agad ako at umakyat sa platform sa harap ng classroom. In-adjust ko ang aking mga glasses na walang grado at tinignan ang buong class. Palagi na lang ako ang sumisingil ng mga pera at multa. Hindi naman ako ang class treasurer, sadyang ako lang ang nagmumukhang magaling magtago ng pera.

Ngumisi si Juanico Carmelo Walangalam III, pero hindi ko na lang pinansin. Siguro tinatawanan niya 'yung surname ko, pero pati din naman siya, ang panget ng pangalan.

"Mr. Walangalam, is there any problem?"

Tumayo siya at tinaas ang dalawa niyang kamay na parang nagstre-stretch. "Bakit si Kurdapia pa e may treasurer naman tayo, Ma'am."

"Mr. Walangalam, I think you know that you're incapable of handling large anounts of money kahit na ikaw ang class treasurer."

Ako naman ngayon ang ngumisi. Totoo naman kasi. Kahit na siya ang treasurer ng klase, hindi siya pinaghahawak ng pera kasi baka ibubulsa niya lang at ipagdo-dota. Kaya nga ako ang Auditor para daw bantayan ang kaban ng bayan. Tsk tsk. Sakit nga sa ulo kasi lahat ng responsibilidad nitong si Walangalam, pinapasa sa akin.

"Large amounts? Six pesos lang naman 'yan."

Ano ba 'yan. Dada siya ng dada. Nakaka-badtrip talaga 'tong si Walangalam. Wala na ngang alam, ang ingay ingay pa. Wala namang sense ang mga pinagsasabi. Gwapo nga siya, matangkad, may kulay ang buhok (kahit bawal sa school), at may pagka-chinito, pero nakakabiwisit naman ang ugali.

Umeksena na lang ako. "Hoy, Walangalam. Six pesos and fifty centavos times 52 is equal to 332 pesos. Malaki-laking amount na 'yun ng pera. Kaya, wag ka nang mag-ingay at magbayad ka na lang."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang buhok ko. Compared to him, parang ang pandak ko. Agad ko namang tinapik ang kamay niya at tumawa lang naman siya. Ang mga classmates ko, nakatingin lang sa amin, naghihintay ng susunod na eksena. "Wala akong narinig. Dada ka ng dada, wala namang sense."

Ano daw? Walang sense yung sinabi ko? Excuse me. Compared to what he is complaining about, mas may sense pa nga kausap 'yung aso sa bahay. I just really hate him. Ugh. ASDGKFFKHJG.

Pumalakpak si Ma'am Espada at tinignan kaming dalawa ng masama. "You may both sit down. You guys are like cats and dogs, always fighting."

Umirap na lang ako kay Juanico Carmelo at bumalik sa upuan ko kahit na tawa siya ng tawa. Kasalan niya e! Ang ganda kaya ng image ko dito sa school. Wala akong records, hindi gaya ng isa diyan. Ang sarap niya talaga ipa-kidnap.

"Class, don't forget to pay 6.50 pesos to Ms. Kurdapia. Deadline is tomorrow afternoon. Okay, goodbye."

Pagkalabas ni Ma'am Espada sa classroom, recess na rin. Bago pa ako makakapaglabas ng pagkain sa bag ko, dinumog ako ng mga classmates ko na magbabayad for test papers. Karamihan sa kanila puro seven pesos ang binibigay. Sabagay, hindi naman lahat ng tao may 50 cents sa pitaka nila. Ewan ko ba kay Ma'am Espada, pwede namang 6 o 7 seven pesos, bakit 6.50 pa?

"HOY JUANICO CARMELO WALANGALAM III!" sigaw ko sa kanya. Tae naman o, ang saya ng buhay niya ah? Naggi-gitara lang at kumakain kasama ang barkada. Wow. Ang saya talaga.

Tinignan niya ako na parang naiirita at kinamot ang ulo. "ANO BA, KOKOLINA KURDAPIA! SIGAW KA NG SIGAW DI NAMAN AKO BINGI! AT JC ANG NICKNAME KO DIBA?!"

Six & Fifty CentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon