Story 3 - Kuya!

22 1 0
                                    

October ko to napanaginipan, medyo malapit na din magundas nun kaya mas nakakakilabot ng maramdaman namen eto ng kuya ko.

Oo, ng kuya ko!. Magkasama kasi kami sa panaginip ko. Hapon ang oras kasi naalala ko pa na medyo padilim pa lng ang langit ay nagkokompyuter ako. Adik pa ako sa computer games nun at kasama ko ang kuya ko pero nakikinuod lang naman sya. Kung alam  nio yung warcraft, un ang ginagawa ko nun, gumagawa kasi ako ng mapa at humihingi ako sa kanya ng payo kung anong mapa ang magandang gawin. 

Hanggang kinagabihan ay nagkokompyuter pa din ako kasama ang kuya ko. Kami lang ang tao sa bahay dahil umalis ang mga magulang namen. May pinuntahan ata? pero kaming dalawa lang tlga ang nasa bahay dun sa panaginip ko eh.

8:00pm

Estimate ko lang na oras to dahil hndi ko naman nakita ang orasan sa panaginip ko pero kita nman sa labas namen kung gaano na kadilim nun. Gumagawa pa din kami ng kuya ko ng mapa sa warcraft ng bigla akong may narinig na boses.

Kuya!!.

Isang maliit na tinig ang narinig ko na nanggaling sa right side ko, tumingin ako pero bintana lang namen ang nakita ko at nakapatay nman ang tv namen. Hindi ko un pinansin at nagpatuloy ako sa paggawa ng mapa.

Kuya!!.

Narinig ko nanaman ang boses at this time ay kinabahan na ako. Tinanong ko ang kuya ko kung may naririnig daw ba syang boses. Sabi nya sken ay Oo. Nagulat ako dahil akala ko ako lang ang nakakarinig ng boses kaya pareho na kaming kinabahan at bigla ding tumaas ang balahibo nameng dalawa.

Dahil gabi na nga at medyo matagal tagal na din kaming nagkokompyuter ay nahiga na kami sa kwarto namen, nakadagdag na din ang takot na naramdaman namen. Nakahiga na kami sa warto at hindi na namin naisip yung boses na tumatawag sa amin ng Kuya.. Maya maya pa ay...

KUYA!!.

Narinig nanaman namen ang maliit na boses na yun, sa takot namen ay natulog na kami ni kuya. Sa panaginip ko to nangyari.

Nang kinwento ko to sa mga magulang ko ay natakot din sila at sabi ay bisitahin daw namen ang namatay naming kapatid ina si Julia dahil baka nagpaparamdam daw sya sa amen at gusto daw nya na bisitahin namen sya.

Nga pala, yung araw na nanaginip ako, the next day, birthday pala ng kapatid namen na namatay. kaya sigurp tinatawag nya kami ay gusto nyang dalawin namen sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DreamsWhere stories live. Discover now