Tama o mali?
Yan lang ang pumapasok sa isip ko ngayon.
Natatakot ako sa gagawin ko, namin. Hindi ko alam ang gagawin kung itutoy ko ito o tatakbo na lang? Pero ang kinabukasan ko naman ang masisira kung itutoy ko man ito.
Madilim dito sa nilalakaran namin dahil masyado ng makipot ang daang ito at malayo na rin sa syudad.
Napahinto ako ng makita ko na ang bahay na sadya namin.
Napalingon ako sa katabi ko na ngayon ay nakahawak na sa kamay ko. Seryoso itong nakatingin sa akin.
"Tara" saad niya at hinila ako pero napahinto rin ng bigla kong hablotin ang kamay ko sa kanya.
"Natatakot ako" ani ko. Pinagmasdan ko ang bahay at inilipat ko rin sa kanya.
"We have to this" mariin niyang sabi.
Para akong maiiyak sa takot at kaba. Hindi ko alam pero bakit ito ang pumasok sa isip niya? Masama ito at papatay kami ng walang kamuwang-muwang?
Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahagulgol ng iyak.
"Hindi ko kaya, Justine" sabi ko sa gitna ng paghagulgol ko.
"No. Hindi pa tayo handa para dito, Ann!" Pagalit na sigaw nito sa akin. Napapikit pa ako sa pagsigaw niya. "Ann, look at me" mariing utos nito na sinunod ko naman. "Mga bata pa tayo para dito...marami pa akong pangarap sa buhay at hindi ko kaya ang responsibilidad na ito"
Dahil sa sinabi niya parang may namumuo sa loob kong emosyon. Galit. Galit ako sa kanya. Paano niya masikmurang patayin ang anak niya? Dugo at alam niya ito!?
Napailing ako. "Hindi. Buo na ang desisisyon ko. Hindi ko ilalaglag ang bata. Anak ko siya. Kung ikaw kaya mong pumatay ng walang kamuwang muwang puwes! Ako hindi!" Iwinaksi ko ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko at mabilis na umalis sa lugar na iyon at iniwan siya.
Kung siya kaya niyang patayin ang sariling anak akk hindi. Nagbago na ang pagtingin ko sa kanya. Mahal ko siya. Pero hindi ko kayang magmahal ng taong kayang pumatay lalong lalo na at anak niya nito.
Simula ng iwanan ko siya sa lugar na iyon ay yun na rin ang huli naming pagkikita. Masakit man pero tinanggap ko. Pati ang mga manghuhusgang mata ng mga tao sa paligid ko.
Masakit din ng malaman ng pamilya ko pero tinanggap nila ang nangyare. Sinuportahan at inalagaan.
May pagkakamali ka mang ginawa. Matatanggap at matatanggap ka pa rin ng pamilya mo. Dahil sila lang ang huling taong tatanggap ng pagkakamali mo.(c) AgirlInSecret One Shot.
Half of this is true.