Bakit ganun?
Bakit hindi nag-eexist ang 'Happily Ever After'?
Kahit na kayo pa ng mahal mo ang nagkatuluyan at tingin ninyo masaya na kayo. Dadating at dadating pa rin ang panahon na yayakapin ninyo ang kamatayan. Nasaan ang happily ever after dun? Sa kabilang buhay? Paano kung hindi naman kayo magtagpo dun? Wala rin. Napaka-higpit nga naman ng tadhana, hindi ka tuloy sigurado kung makakatagpo mo pa rin siya.
Bakit maraming martir?
Kahit na mahal mo yung tao, magpapakabulag ka pa rin. Kahit na alam mong wala kang pag-asa sa kanya ay magpapakatanga ka pa rin. Bakit hindi mo siya ipaglaban? Yung kahit hirap na hirap ka na umaasa ka pa rin at naghihintay ka sa kanya. Tanggap ka lang ng tanggap, wala kang sinasanto. Basta para sa kanya, gagawin mo ang lahat. Walang isip isip. Walang tanong tanong. Anong mapapala mo kung ganun? Hindi ka naman niya sususklian? Ikaw lang ang bigay ng bigay. Kakayanin mo lahat kahit siya ayaw na. De bale sana kung give and take eh, kaso hindi. Ikaw na nga itong nag-e-effort, ikaw pa 'tong walang napapala. Bakit ganun?
Bakit madaming naghahabol?
Kahit na wala na kayo, ayan ka pa rin. Asa dito, asa diyan. Habol ka lang ng habol. Hindi ka ba napapagod? Oo, naghahabol ka dahil gusto mo pa siya. Dahil umaasa kang babalikan ka pa niya. At nananalig kang mahal ka pa niya. Kaso hindi na, naghiwalay na kayo bakit ka pa maghahabol? Bakit hindi mo i-try mag-move-on? Umandar ka huwag kang tumakbo. Dahil kapag nadapa ka, ikaw din. Masasaktan ka lang. Pag-isipan mo ang gagawin mo, mas maganda na yung aandar ka ng mabagal pero sigurado ka kaysa naman padalos-dalos ka nalang tatakbo. Pagkatapos, dead end pala. Wala ka ring mapapala. Bakit ganun?
Bakit ang daming pa-fall?
Kahit na alam mong masasaktan na siya sa huli ayos lang sa'yo. Wala kang pakielam sa pakiramdam niya. Basta gusto mo lang pasiyahin siya. Paano kung nagkagusto yan sa'yo? Tatawa ka nalang at papaasahin siya? Gusto mo lang maraming nagmamahal sa'yo, maraming nagkakagusto, maraming humahanga. Para saan? Para maging sikat? Makilala ng lahat? Magpapaka-gentleman/gentle woman ka sa kanya. Gagawa ka ng mga sweet na bagay para sa kanya. Sasabihan mo siya ng kung-anu ano. I-cocompliment mo siya ng mga mahahalimuyak na salita. Bakit? Dahil wala lang? Trip mo lang. Hindi mo man lang inisip kung ano ang mararamdaman nung 'mga' taong gagawan mo nun. Sinasaktan mo lang ang damdamin nila tapos ikaw papetiks-petiks lang. Napaka-unfair. Hindi mahalaga sa'yo kung may masasaktan, ang gusto mo lang magawa ang gusto mo. Bakit ganun?
Bakit ang daming umaasa?
Kahit na alam mong hindi ka niya mahal, ayan ka pa rin. Umaasa. Naghihintay. Bakit? Dahil akala mo maaawa siya sa'yo. Na matutunan ka niyang mahalin. Na balang araw mapapansin ka rin niya. Wala kang pakielam kung nasasaktan ka na o mukha ka ng t*anga sa ginagawa mo. Basta ang mahalaga, malaman mo na minsan mamahalin ka rin niya. Lahat ng ginagawa niya, binibigyan mo ng malisya. Bawat titig niya, kinikilig ka. Kapag lumalapit siya sa'yo, pakiramdam mo espesyal ka sa kanya. Kapag kausap ka niya, iniisip mo may gusto siya sa'yo. Nag-expect ka kasi eh. Nabubulag ka sa pagmamahal mo sa kanya, kaya hindi mo alam hindi mo na kilala sarili mo. Hindi mo alam na asa ka lang ng asa pero in the end, wala ka ring mapapala. Bakit ganun?
Bakit ang daming nagsasakripisyo?
Kahit na masakit at bukal sa loob mo, magsasakripisyo ka para lang sa kaligayahan ng iba. Kahit na alam mong may laban ka pa, susuko ka na para lang sa kanila. Bakit ayaw mong lumaban? Dahil takot ka. Takot kang mas masaktan kung sakaling hindi ikaw ang piliin niya? Pero sa ginagawa mong pagsasakripisyo sa tingin mo hindi mo pa tinotorture ang sarili mo? Sa ginagawa mong yan mas lalo kang masasaktan dahil hindi mo man lang sinubukang lumaban. Hindi mo man lang binigyan ng hustisya ang puso mo kusa ka nalang yumuko at sumuko na. Di mo na alintana pa kahit isang dam pa ng tubig ang iyakin mo at magbago ka man, basta ang mahalaga sasaya yung iba dahil sa pagsasakripisyo mo. Hindi yun patas. Ikaw na 'tong nagsakripisyo, ikaw pa yung masasaktan. Bakit ganun?
Bakit ka nagmamahal ng taong hindi ka naman mahal?
Kahit na wala ka ng pag-asa sa kanya, mahal mo pa rin siya. Di man niya masuklian yun, ayos lang basta mahal mo siya. Tapos iiyak ka kapag may mahal na siyang iba. Tatanungin mo pa sa sarili mo kung bakit hindi nalang ikaw. Samantalang, nung una pa lang alam mo ng wala ka ng pag-asa sa kanya. Masyado ka lang talagang nagpadala at nagpaka-confident na hindi ka masasaktan kapag may dumating na taong magpapakasaya sa kanya. Pagkatapos sasabihin mong masaya ka para sa kanila. Niloloko mo pa ang sarili mo? Pinaniniwala mo ang sarili mo na hindi ka nasasaktan pero ang totoo, konti nalang sasabog ka na sa sobrang sakit. Bakit ganun?
Bakit madaming manhid?
Kahit na nagpaparamdam siya sa'yo, hindi ka pa rin nagpapa-apekto sa iba. Nagiging pusong bato ka na nga ika nga. Ilang beses mang piliting sabihin ng isang tao ang pagtingin niya sa'yo hindi mo papansinin. Kunwari hangin lang siya. Kunwari wala kang alam. Kunwari wala kang narinig. Ayaw mong umasa kaya mas pinipili mong maging manhid. Hindi mo gustong masaktan kaya hindi ka nalang nangingielam. Iniisip mo na baka hindi naman ikaw mismo ang nagustuhan niya sa'yo, kundi dahil sa iba pang bagay. Hindi ka nagtitiwala sa kanya dahil gusto mong mag-ingat. Kahit na sa una pa lang sinasaktan mo na ang sarili mo, ayos lang. Wag ka lang ma-reject. Bakit ganun?
Bakit madaming bitter?
Kahit na halatang may gusto ka sa isang tao at may mahal na siyang iba, umaasa ka pa rin. Sisiraan at sisiraan mo ang taong karelasyon nun hanggang makuha mo ang kumpyansa ng mga taong nasa paligid mo. Kahit magmukha ka ng masama, ayos lang sa'yo. Nandyan pa yung sasabihin mong hindi sila bagay dahil kayo ang mas appropriate pa ra sa isa't isa. Baka nga umabot pa sa puntong ibrainwash mo yung gusto mo at mag-imbento ng mga masasamang salita laban sa karelasyon ng mahal mo. Gagawin mo pa lahat para lang mapalapit ka sa kanya at mapaghiwalay sila. Kapag naman tatanungin ka ng mga kaibigan mo kung nasasaktan ka ba, idedeny mo. Tapos sisiraan mo sila. Wala kang pakielam kung masisira ang relasyon nila. Basta ang iyo lang, magkahiwalay sila at sumaya ka. Bakit ganun?
Bakit madaming nang-iiwan?
Kahit na alam mong masasaktan kayong pareho, mas pinili mo pa ring iwan siya. Hindi dahil sa gusto mo ng space, kundi dahil gusto mo ng itigil ang relasyon ninyo. Hindi mo lang talaga masabi ng diretsahan. Di mo ba alam kung gaano masasaktan yung taong iniwan mo? Iniisip mo lang ang sarili mo kung ganun. Iiwanan mo siya para sa iba. Tapos masasaktan ka dahil sa kanya? Bakit? Dahil naaawa ka? Eh bakit mo iniwan.? Kasi nga selfish ka. Dahil lang may nakita kang iba na mas higit pa sa kanya ay iiwan mo nalang siya sa ere. Hindi man lang niya alam kung bakit mo yun ginawa. Bakit ganun?
Nagulat ako ng may maiinit na likido na palang bumabagsak sa aking mata. Pinunasan ko iyun at tumayo na. Masyado na kong madrama. Lahat na ng sama ng loob ko sa mundo nasabi ko na. Lahat na ng bakit, naitanong ko na. Pero bakit wala pa rin akong nakukuhang sagot?
Sa huling pagkakataon sinulypan ko siya. Naiyak na naman tuloy ako. Muli kong pinunasan ang mga luha ko. Bakit ayaw nilang maubos? Biglang humangin ng malakas at parang medyo nanikip ang pakiramdam ko. Di ko alam pero muling tumulo ang luha ko. Pero ngayon parang walang sakit, parang narerelax ako.
Maya-maya lang nawala ang hangin. Parang bigla rin akong nanghina. Hindi ko alam pero parang naramdaman ko ang yakap niya. Sana nga. Sana. Napaupo nalang ulit ako at napahagulgol. Hindi ko alam kung bakit. Pero siguro dahil nga naaalala ko na naman siya.
Kung kailan naresulbahan na namin lahat ng balakid at di namin pagkakaunawaan, tsaka magkakaganto. Wala ba talaga kaming karapatan maging happily ever after. Lagi nalang ba akong masasaktan?
Kahit nanghihina pa ko, pinilit kong tumayo. Hindi dapat laging ganto. Bakit ako lang nasasaktan? Siya kaya? Ano kayang nararamdaman niya? Nangungulila rin kaya siya kagaya ko? Nalulungkot din kaya siya kagaya ko?
Napakibit balikat nalang ako. Bakit ganun? Kung kailan ayos na ang lahat tsaka pa siya nawala. Kung kailan nalagpasan na namin lahat ng problema tsaka siya kukunin. Kung kailan naman sasaya na ulit ako tsaka ganto. Bakit ganun?
I guess kahit kailan hindi talaga mag-eexist ang happily ever after. Ako lang pala itong umaasa na balang araw liligaya rin kami. Kaso nagsisimula pa lang kami, nawala na agad siya.
Lumuhod ako at hinimas ang puntod niya. Bakit ang unfair niya? Bakit niya ko iniwan? Bakit wala na siya ngayon? Bakit ganun?
Ang sakit sakit. Bakit ganun?