Best Friend

41 1 1
                                    

Saturday ng umaga, relax na relax akong nanonood ng cartoons ng biglang may kumalawit sa leeg ko at pabiro akong sinasakal. Maputi at malaki ang braso, kilaka ko na kung sino ang loko na to. Pinilit kong kuhanin ang pinakamalapit na throw pillow sa kin at hinampas ko ito.
"Ang aga mong mambwisit kev! Ang baho mo pa!" Sigaw ko dito. Mukhang galing ito sa basketball kasama sila kuya at mga tropa. "Ang bango ko kaya, amuyin mo pa." Sagot ni kevin sabay ngud ngud ng kili kili nito sa mukha ko. Itinulak ko ito palayo. "Kadiri ka talaga! Baho!" Gaganti pa sana ulit ito ng hinila sya ni kuya papalayo. "Ang aga nyong magsalpukan ha. Dun ka nga Kevin." Sabi ni kuya Chris, ang panganay kong kuya. Walang nagawa si Kevin at umupo na lang ito. Sinimplehan ko ito ng dila pero nakita pa rin ni kuya Chris kaya nahampas ako nito ng unan. "Isa ka pa."

Ganun kami lagi, di lalagpas ang araw na di nagaaway. Mamatay nga daw kami pag di kami nagkontrahan.

                        **********
Nagiisa ako sa sala namin habang nasa labas sila naglolokohan. Sa wakas magisa na ko. Solo ko na ulit ang sala. "Wow may lovelife na sya!" Nagulat ako sa nagsalita, si Kevin pala. "Anong lovelife?!" Tanong ko sa kanya. "Ayan oh, nagtetext ka." Sagot nito. "Nagtetext lang, lovelife na? Gutom ka ba? Friend ko to." "Kyle, kyle... Kung friend mo yan hindi hanggang tenga yan ngiti mo at ikaw nagrereply? Himala nga may load ka. Lovelife yan. Sino yan? Sino yan?" Kulit nito sa kin. "Friend ko to." "C'mon, sino nga yan? Chris! Lem! Si Ky..." Tinakpan ko agad ang bibig nito para manahimik. "Sasabihin ko na! Pero wag kang maingay, wag kang magulo." "Oks, sino yan ha." "Si Jefferson." "Jefferson?!!! Babaero yan! Pumuporma sayo yan?" "Hindi noh! OA mo. Nakikipagkaibigan lang." "Grade1 ka ba? Kaibigan... Edi pumuporma nga yan." "Ewan ko sayo." "Pano mo nakatext yan?" "Biglang nagtext, hiningi daw nya number ko kay bakla. Nakikita nya daw ako madalas sa school. Alam nga nya sabay tayo madalas umuwi."  "Naku umiwas ka dyan. Kakabreak lang nyan sa gf nya kasi nalaman na 3 pala sila." Tinignan ko lang si Kevin sabay sabing "Ang chismoso mo. Pano mo naman nalaman yan." "Classmate ko yung isa sa gf nya." Sagot nito. "Tsaka bawal ka pa dyan." Dagdag nito. "Nagtetext lang ako pano naging bawal." "Text with a smile..." " pero di nga babaero to?" Tanong ko kay Kevin. "Interesado ka!" Hinampas ko ito dahil sa lakas ng boses nito. "Ang ingay mo. Crush namin to e. Wag kang maingay kina kuya.""Ba.ba.e.ro.yan!" Nag-make face na lang ako sa kanya.

Di ako nakinig sa sinabi ni Kevin, tuloy pa rin ako sa pakikipagtext kay Jefferson.
                  ****************
Nasa may usual tambayan kami ng mga tropa ko sa school, sila bakla, Andrea at Lexie. "Hi Kylene." nagulat ako sa bumati sa kin. Si Jefferson binati ako. Akala ko hanggang text lang ang existence ko sa kanya hindi pala. Grabe ang kilig ko, di na ko nakapagsalita, ngiti lang ang nagawa ko. Kahit yung mga kaibigan ko napatigil sa nangyari. "Oh.my.god! He greeted you as in, in real life ha di na sa text" ang sabi ni bakla. "So what's the score?" Tanong ni Lexie. "Score? Wala. Magkatext lang kami." Sagot ko. "Di pa sya nanliligaw?" Tanong ulit ni Lexie. "Hindi. Tsaka sabi naman ni Kevin chicboy daw yon. " sabi ko. "Ano ka ba, lalake yun. Lahat ng description nila sa lalake ay babaero, chicboy or bakla." Sabi ni Andrea. "Kahit ano pa sya wala na sa kin yun dahil magkaibigan lang kami at through text pa. Tsaka wala rin naman ako sa kanya." Ang sabi ko. Medyo nasaktan ako dahil sa loob ko alam ko na umaasa rin ako na kahit konti.
"Aray! Bakit! Bakit mo ko laging sinasaktan!!" biglang sabi ni bakla. Napatingin lang kami sa kanya "Problema mo?" tanong ko. Tinuro ni Andrea ang rason ng kadramahan ni bakla. Si Kevin pala kasama si Tori, ang girlfriend nya. "Hay naku Juan Marco kahit umiyak ka ng tao wala kang pagasa kay Sanchez dahil lalake ka din." Pagdidiin ni Lexie. "Hoy nagmumura ka nanaman!" Napatigil si bakla nung nasa harapan nanamin si Kevin. "Sabay ba tayo mamaya?" tanong sa kin ni Kevin. "Oo di ko alam kung pano pumunta don." "Sige." "Pero wait mo ko. May meeting pa kami mamaya sa dance troupe pero mabilis lang yon." "  Puntahan na lang kita don. Sa gym yun di ba?" "Oo" "Sige mamaya na lang." sabay alis nila Kevin. Nilapit ni bakla ang mukha nya sa kin at sinabing "How to be you?" tinawanan ko lang to habang si Lexie ay shinashake sya. "wake up juan marco! Wake up!"

                      ***************

Papalabas na ko ng gym ng tumunog ang cellphone ko. Si Jefferson nagtext.
Hi, are you busy?
Papunta ko sa birthday ng tropa. Y. Reply ko.
"Ay!" Sino ba tong nakaharang. May taong humarang sa daanan ko at nabangga ko ito.
"Ano masyado ka kasing busy sa cp mo di mo na nakikita dinadaanan mo." Familiar yung boses at nung tinignan ko kung sino. "Loko ka talaga Kev." "Kasi naman texting while walking. Tama ba yan at naka-smile ka pa. Sino ba yan?" Tanong nito. "Wala." Sagot ko. "Weh, si Jefferson yan noh" Di ako sumagot dahil pag nagdeny ako mahuhuli pa rin nya ko. Yan ang mahirap sa min. Di kami makapagsinungaling sa isat isa, basa namin ang bawat isa. "Sabi na e. Ano tinext nya." Tanong ni Kev. "Halika na nga."
Kinukulit pa rin ako ni Kevin habang naglalakad kami papunta sa sakayan. Bigla nito inagaw ang cellphone ko.
Inagaw ko sa kanya ulit pero di ako nagwagi. "Ah okay, are you free tomorrow? Treat kita ng snack... What is the meaning of this?" Pangaasar nitong tanon. "Ewan ko, di ko pa nababasa yan. " bwisit kong sagot. "Anong sasagot mo?" Tanong nito. "Di ko alam." Sagot ko. "Di mo alam?! Dapat hindi pwede, ayoko o kaya no thanks." "Bakit naman?" "Kyle, di ba sinabihan na kita. Babaero yun." "Di ako sumagot. "Binabalaan lang kita. Ayoko lang masaktan ka." Seryoso nitong sabi. Tumingin lang ako sa kanya pero wala akong masabi. Tahimik kami buong byahe, walang imikan. Di ko alam kung bakit basta pinili na lang namin tumahimik hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.

Secret Love SongWhere stories live. Discover now