Christmas

83 0 3
                                    


Christmas

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Natapos ang outing ng magbarkada na payapa. Hahha Payapa? Sinong nagsabi? Well dahil sa mga sinabi ni Anton di na siya kinausap ni Mika hanggang sa pag uwi at nadamay pa si Camille doon maging ang iba niyang kaibigan ay di niya kinakausap. Sino ba sila para husgahan ang boyfriend niya? Well girl kaibagan mo lang naman yun no. Saan na ngaba tayo? Hmmm pasko na ngayon at masayang nagtipon ang pamilya nila Mika sa Sta. Cruz. Kumpleto silang magkakapatid ang masaya silang nagkwekwentohan at nagkakantahan sa bahay nila.

Maagang nagising ang Ina ni Mika upang maghanda para sa kakainin nila sa umaga ng 25 pero nagulat ito ng nakita niya si Kevin sa sala nila.

"Ahh Kevin? Ang aga natin huh?"

"Ahh tita sorry po kung pumasok na ako, pinapasok kasi ang ng guard eh"

"nako hijo okay lang, sige gigisingin ko lang si Ye ahh?"

"hala mamaya na po baka masira ang araw niya. I'm sure po na matagal natulog si Mika kagabi"

"okay lang ba talaga hijo"

"opo opo"

Ngumiti lang ang binata sa ina ng kanyang girlfriend. Habang naghihintay ito nakita niyang pababa ang nakakabatang kapatid ni Mika, si Miko. Agad namang kumunot ang noo ng bata sa nakita niya. Bakit ang aga-aga kayang mamwesit ng mukhang ito? Yang ang nasa-isip niya habang tinititigan ang boyfriend ng ate niya.

"Ma?"

"Nasa kusina ata ang mama mo Miko"

Ngumiti si Kevin kay Miko pero inirapan lang siya nito. Pumasok si Miko sa Kusina nila saka nilapitan ang ina.


"Ma bakit naman pinapasok mo yung unggoy ditto. Nakakasira huh?"

"Miko Aeroon yan ba tinuro ko sa'yo? Alam ko namang mas gusto mo si JR pero sana respetuhin mo ang desiyon ng ate mo."

"tsk ma kung alam mo lang"

"hayaan mong matoto ang ate mo uli Miko. Wala ka kasi sa sitwasyon niya okay. Saka dapat nga maging masaya ka sa ate mo kasi masaya siya ngayon at magpasalamat ka rin na magkaibigan pa din ang kuya JR mo at ate Ye mo"

"pero ma"

"Miko!"

"fine! Hahayaan ko si ate na masaktan at umiyak dahil siyan sa unggoy na yan"

"MIKO AEROON naiinis na ako huh. Sige na gisingin mo na ang mga ate mo saka yung kuya mo. Si Mikole din"

"Gising na si Mikole kanina pa ayaw lang lumabas ewan ko kung bakit ganun si Dora eh nasa baba naman ang boots niya"

Pagkatapos sabihin ni Miko iyon ay umalis na siya sa harap ng ina niya kasi alam niyang malalagot siya nito. Umakyat na siya saka ginising ang mga ate at kuya niya pero siyempre hinuli niya ang ate Mika niya.

"HOY MIKA AEREEN"

"ano ba Miko"

"Gising na diyan"

"Maya na pagod pa ako"

"wow pagod ka na agad eh wala ka pa ngang ginawa"

"kagabi meron kaya shut up ka nalang"

"tsss mas mabuti ngang wag ka ng umalis diyan sa higaan mo mamaya matakot ka pa sa unggoy na nasa baba mawalan pa ako ng ate dahil sa heart attack mo"

Pagkarinig ni Mika ng unggoy ay agad itong umupo sa higaan niya saka kinusot ang mata. Isa lang kasi ang tinatawag ni Miko ng Unggoy ang boyfriend niya.

If and only ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon