Chapter 1

9 0 2
                                    

Ezra's POV

"Girl, may Mall Show ngayon si Fafa James sa SM North Edsa at ngayon din daw ang Album Launch niya. Ano, Gora? " Si Josh lalaking lalaki ang pangalan pero wag ka. Bading yan. Isa sa mga Best Friend ko Since Birth.Haha

"Go tayo dyan Bes! " sabi ko sa kanya with matching pagpalo pa sa braso niya. Waaaa! Kinikilig ako.

"Ano ba Bes? Ayokong mahawa ng germs mo kaya don't touch me ok?" ang arte ng baklang to.Noo ko nga lang siya e.

"Ang arte mo. Magbibihis na nga ko." at iniwan ko siyang nakatayo sa may sala namin.

Dumiretso na ko ng kwarto ko para magbihis. Bago ako pumasok ng CR ay sinulyapan ko muna ang poster ni Fafa James Cowll Tee.

"Bakit ang gwapo gwapo mo Fafa James?See You Later!" sinabi ko yun sa poster at dumiretso na ko ng CR para maligo.

-

"Ezra Natalia Torres! Ilang oras ka na diyan wala ka pa bang balak lumabas?" narinig ko na si Baklang Josh mula sa labas ng kwarto kaya nagmadali na ko.

"Wag ka masyadong magmadali dyan. Maaga pa! "

"Oo nga.Maaga pa pero kailangan natin don pumunta ng mas maaga. "

"Tama na satsat.Tara na! "

-

Mall

Nakarating na kami dito sa Mall kung saan gaganapin ang Show ni Fafa James. Naglalakad lakad lang muna kami ni Josh para pampalipas oras. Maaga pa kasi e. Mamaya pang 3 pm yung show niya e 2pm pa lang.

"Ezra,kailan tayo nagsimula maging fangirl ni Fafa James? "Tanong sakin ni Josh habang nakaupo sa may bench.

"Since 2009 ang tagal na no? "

"Ang tagal na pero di ka pa nagiging Personal Assistant."

Yeah, gustong gusto ko maging P.A ni James simula pa lang. Hahaha wala lang gusto ko lang. Dahil araw-araw, gabi-gabi ko siyang iniisip so napagisipan ko maging P. A na lang kaya niya ko para palagi kong nasusubaybayan yung mga ginagawa niya.

"Don't worry Josh. Soon"sabi ko sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.

"Good Afternoon Everyone 5 minutes na lang magsisimula na ang show ni James Cowll Tee" MC ba yan? Di ko alam kung ano siya pero sinasabi niyang malapit na daw magsimula ang Show.

"Hanap na tayo ng Seat Bes? "

"Tara na"

Nakahanap na kami ni Josh ng upuan. At kung siniswerte nga naman sa unahan pa kami nakaupo.

Habang tumatagal dumadami na ang tao dito sa Mall. Siguro nalaman din nila na may Mall Show dito si Fafa James.

"Girl, ilang segundo na lang magsisimula na ang show. Excited na me! "

"Same"

At walang anu anu'y lumabas na din si Fafa James. Ang pogi niya sa suot niya naka white T-shirt lang siya and jeans. Masyado siyang simple pero ang cute niya. Isa yun sa mga gusto ko sa lalaki.

"Hello Guys! " pagbati niya samin. Ang gwapo niya Syet! Pwede ba kong mamatay ngayon sa kakiligan?

Dahil sa pagbati na ginawa niya. Lahat kami dito ay halos maubusan na ng hininga. Kinikilig lahat e.

I love You James, uwi ka na samin.

Akin ka na lang James.

Buntisin mo ko James.

"Pfffftttt! " nakakatawa si Ate na sumigaw ng 'Buntisin mo ko James' sorry ka na lang Ate kasi ako ang mapapangasawa niya. Haha

"Ezra, ang pogi ni Fafa James. " si Josh

"Sinabi mo pa. "

You watch me bleed until i can't breathe shaking falling onto my knees and now that im without your kisses I'll be needing stitches.

Ang lamig ng boses niya. Yung puso ko matutunaw na. Para siyang si Shawn Mendes yung original na kumanta ng kinakanta niya ngayon. Favorite Song ko itong Stitches na to. Tuwang tuwa nga ko e. Dahil kinanta niya to.

Tripping over myself aching begging you to come help and now that im without your kisses I'll be needing stitches.

At tuluyan na ngang natunaw ang puso ko.Mahal na talaga kita James. Ang pogi pogi mo.

"Ok, thank You Guys. Anyways, ngayon na ilalabas ang album ko.Sa mga bibili ngayon may pirma ko. "

God. Di na ko nagdalawang isip pa.Pumunta na agad ako sa Store kung saan makakabili ng CD niya.

"Ezra, dalian natin baka di niya mapirmahan yung cd natin. " di na nga kami makahinga dahil ang daming tao dito e.Hinahanap pa namin yung CD niya.

"Oh, Josh Look! Ito na...."
Kukunin ko na sana ang cd na nakita ko na may biglang umagaw doon.

"Excuse Me Kuya, ako ang nauna. Okay? " sabi ko dun kay kuya na gwapo, matangkad, maputi. Ohh! Ang lakas ng appeal niya pero di ako papatalo sa kanya.

"Miss, nauna akong hawakan ito kaya ako ang may karapatan dito. "

"Hayaan mo na--..E--zr-a madami pa naman dun."nauutal na sabi ni Josh nahiya siguro kay Kuya kaya nagparaya na. As if naman na magpaparaya ako. Duh!! No Way.

"Josh, nauna tayo.Ayoko na nung mga yon tingnan mo naman yubg itsura o. Parang luma na"

"Ok ok, I Give Up!Sayo na to. Di naman importante to e."

See? Panalo ako.
Umalis na yung lalaki na yun at itong si Josh. Na love at first sight ata. Hahahaha!!

"Ezra, dapat pinaubaya mo na e."

"Ayoko nga. Tara na."

Pumunta na ulit kami sa pinagganapan ng show. Ang dami na ngang fans don e.
Nakipila na rin kami ni Josh.

"Girl,alam mo ba naghahanap ng P. A yan si James ano apply tayo? "

"Matatanggap ba tayo ang tanong?"

Rinig kong usapan ng mga babae na nasa likod ko.

"Excuse me po."tawag ko dun sa dalawang babae. "Ano pong sabi niyo naghahanap si James ng P.A?"

"Oo daw e.Balita kasi nagresign daw yung P. A niya noon. Kaya ngayon naghahanap siya ng bagong P. A" woooohhhh!! Ito na yung hinihintay ko e. Mag aaply ako.

"Ahh sige.Thank You" So ito na nga? Yung matagal ko ng pinapangarap mapapasakamay ko na.

"Ahhhmm.. Josh?  Girl? I need air. "








Your Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon