Chapter 2

10 1 3
                                    

Clarisse

Papunta kami sa library ngayon kasama yung mga kaibigan at mga kaklase ko.

Dun kasi namin gagawin yung group activity namin sa English.

Pero shhyyyeeettt! Homayghad! Nyemas na fota! Naaalala ko parin hanggang ngayon yung mga titig ni Jham—joke tingin lang pala na inassume kong staring—na nakakalaglag panty at nakakaluwag ng strap ng bra. Jeske I kennat.

"Huy Clarisse! Ba't mukha kang natatae jan?" Tanong sakin ng kaklase kong joiner.

"Alam mo sabog ka rin no?. Mind your own business bes. Kitang nagd-daydream yung tao eh. Pampam lang bhe?" Nag peace sign nalang siya sabay tawa at nag walk out. Gago

Hay pero seriously, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kinakabahan ako na baka makita ko siya o baka makita niya akong nakatingin sa kanya, and if ever ganon, hindi ko alam kung ano irereact ko.

Pagtungtong ko palang sa third floor, nako punyemas nalintikan nga, nandun nga siya nakatayo sa labas ng room nila na para bang may inaaninag sa kabilang banda. Hello? Jhamie, I'm here! Please be loyal naman fo.

"Besh! Si Jham o! Yieeee~ kinikilig na yan!" Tinutulak tulak pa ako ng mga gago

Dear friends, thanks for humiliating me in front of my crush. I really appreciated it from my esophagus to my lungs. -,-

Mga traydor talaga. Yung tipong sila pa yung kilig na kilig na makita si Jham kesa sakin. Edi sana kayo nalang yung naging ako diba? (Pero inaamin ko, kenekeleg ang Lola niyo ugh, hahaha)

"Huy manahimik nga kayo! Leche wala namang ganyanan mga bhe. Wala namang laglagan oh! Guys, why u do dis to me? Huhu" Mukha na akong galing narape dahil sa paghihila-tulak nila sakin sabay kiliti.

Lord please maawa ka! Isa lang naman akong hamak na estudyante pero bakit feeling ko isa akong artista na binababoy ng fans?

At tila bay nakuha nga nila ang atensyon ni Jham. Sa lakas ba naman ng boses ng mga 'to.

Napatingin siya sa banda nakin at taenang puso 'to, ang lakas maka palpitate. Kinikilig na kinakabahan na parang natatae na parang ewan.

"Uy friend, tumingin si Jham dito oh! Baka mamatay ka jan sa kilig ah!"

"Tumigil nga kayo diyan, nakakahiya!" Sana lang talaga lamunin na ako ng langit at lupa on the spot.

Alam niyo yung nakakahiya? Yung tipong hindi lang si Jham ang napatingin samin, kundi pati narin yung ibang mga kaklase't kaibigan niya. At ang masaklap pa dun ay nakatingin pa sina Ate Prian at Ate Gelay.

Shyet nakakahiya talaga. Kung pwede nga lang sana maglupasay dito ay ginawa ko na. Mayghad huhu I'm sorry to our lahi and to my ninuno dahil ipinahiya ko ang ating iniingatang pangalan.

Yumuko nalang ako at nagmamadaling tumungo papuntang library. I took a glimpse of him for one last time and continued walking after that.

*sigh

Napasandal nalang ako sa pintuan ng library at napabuntong hininga. Nang tumingin ako sa kanya kanina ay nakatingin rin siya sakin, pero sa pagkaka aninag ko, ibinaling nalang niya ang kanyang atensiyon sa kabilang dulo na parang mas interesado pa siya dun.

Shit ang saklap lang talaga.

----

Habang busyng busy ako, bigla kong naalala na nag chat sakin yung guro namin sa English.

"Clarisse, alam na pala ni Jham na may crush ka sa kaniya. Yieee"

O diba pati guro namin nakikikantsaw pa talaga?

Buti pa sila close sila ni Jham. Nag-uusap sila, nagchachat, na para bang barkada lang. Eh ako? nagsta-stalk at nagbabakasakaling may matatangap na chat mula sa kaniya kahit alam ko namang major impossible.

Sabi pa nga ni ma'am na "Sumali ka nalang kaya ng debate? Malay mo eto na pala yung chance mo na makilala si Jham ng lubusan"

Debate? Ha! Eh hindi nga ako magaling sa English tapos sa debate pa kaya? Okay lang sana kung magsusulat ka lang, eh ang kaso magsasalita ka pa.

I just replied to my teacher na "Huwag na lang Ma'am at tsaka hindi naman ako magaling sa debate"

Napaisip rin ako, baka isipin o sabihin pa ni Jham na sumali lang ako sa debate dahil nandun siya. Eh hindi naman ako simbabaw ng ibang mga babae na kung saan si crush ay andun rin sila

May mga bagay talagang sadyang hindi itinadhana satin

Alam ko naman na unreachable yang si Jham eh. Kung tutuusin, hindi lang rin ako ang nagkakacrush sa kanya, yung iba nga mga grade 7 pa.

Ang gusto ko lang naman kasi ay  maging kaibigan siya, kahit kaibigan lang, sapat na talaga.


"Uy Clarisse halika na. Tapos na yung period makakauwi na raw tayo" Sabi ng isa sa mga kaklase ko dahilan kung bakit ako napabalik sa aking wisyo.

Nginitian ko nalang siya at tumayo "Sige, susunod nalang ako sa inyo. Ligpit ko muna to" isang tango ang isinukli niya sakin at lumabas na ng library.

Napabuntong hininga nalang ako ulit at dahan dahang lumabas.

I took another look at their room only to find him giving his best smile. Sinundan ko kung san siya nakatingin.

Kay Ate Gelay pala na tumatawa.

Wala na ba talaga?

---

WalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon