Nine months, 3 days, 17 hours and 37 minutes, matagal-tagal na rin simula noong huli kitang nakita, nakausap, pero heto parin ako patuloy na nagmamahal sayo. Matagal tagal na rin pala noong nahiwalay tayo.
"Hoy, babaeng masungit tulala ka na naman dyan!" Sa dinami-dami ko ng problema dadagdag pa 'tong papansin na to.
"Salecs pwede ba kahit isang araw lang patahimikin mo buhay ko!" Paglingon ko sa likod wala naman sya. Bakit ang creepy ng mga tao ngayon.
"Hoy nandito ako." Paglingon ko naman katapat ko na sya.
"Paanong?? Diba??" Sagot ko habang palinga-linga kung saan ko banda narinig ang boses nya.
"It's because of the gravity of the earth." Ngiting-ngiti nya pang sagot sa'kin at nagmumustra pa.
"Hayyyyyy..." napabuntong hinga na lang ako sa kalokohan nya.
"Ang baho..." He is Salex Mondragon hindi ko alam kung anong koneksyon naming dalawa pero tsinututor ko sya minsan.
"Why so serious Jade?" Lumapit sya sa'kin saka umakbay. At hindi ko alam kung paano at bakit nya nagagawa sa'kin ang mga bagay na ganito.
"Iiigghh... lingkis ng lingkis eh."
"Arte." Inalis nya naman 'yon. Saka inalabas Math notebook nya.
"Pero seryoso ano bang problema mo?" Napatingin naman ako sa kanya.
*dug dug* *dug dug* *dug dug*
Ang lalim ng mga titig nya at para akong naistatwa dahil doon.
"M-may naalala lang ako." Sa di malamang dahilan yun yung sinagot ko. Oo may inaalala ako pero...pero.
"Yung ex mo, alam mo bang wala ng value yung ex mo at dapat wala ka ng pakielam sa kanya."
"Huy meron ah, meron kayang value ang x invisible one."
"At dahil invisible 1 ang value ng x hindi na dapat idivide tama?" Tumango na lang ako sa kanya kasi tama naman din sya.
"Pero bakit nagdivide yung boyfriend mo?"
"Wala kang pakielam."
"Eh paano ako makakasagot sa exam kung hindi mo ako tuturuan?"
"Eh bakit kasi sa ganyang paraan gusto mo matuto."
"Kasi mas madali maintindihan."
"Daming alam!" Ang dami nya talagang kalokohan sa buhay hindi ko maalala kung paano kami humantong sa ganito nakakaloko minsan huhugot ng pabigla-bigla nakakajejemon na din."Ano ba kasing square root mo?" Huh ano daw? Square root ko?
"Square root?"
"Anong pinagmumulan mo at hindi ka makapagfocus?"
"Wala."
"Paano ko malalaman ang sagot kung hindi magii-square root?"
"Missing someone okay."
"Okay... so always remember to solve the quadratic equation of the form ax squared, where you *turo nya sa'kin* the a is not equal to zero which is your ex." Napatitig ako sa kanya as if may alam sya tungkol sa'kin. Pakielamero din 'to eh.
BINABASA MO ANG
Don't Complicate Your Life
Historia CortaDon't complicate your life Missing somebody CALL Wanna meet up INVITE Wanna be understand EXPLAIN Have question ASK Don't like something SAY IT Like something STATE I...