Kabanata 1

22 1 2
                                    


Pagtatagpo

Kabanata 1

Lahat ng writer may sariling storya siyempre. Tragic man o Happy ending storya pa din. Ang sa akin hindi ko pa alam. Wala naman akong nakaka-excite na buhay. Simple lang naman ang mga ginagawa ko at yun ay ang magsulat at magbasa. Wala akong buhay-pagibig.



Bakit? Hindi ko din po alam. 24 na ako pero wala pa din akong naging boyfriend at ewan ko kung bakit. Maganda naman ako, maputi, may mapula pulang labi at pisngi, di gaanong singkit na mata pero walang nagbabalak na manligaw sa akin.


Sabi ng kaibigan ko baka naman daw may nagbabantay sa aking hindi ko nakikita. Sus nanakot na naman yun.

×××××××

"Hi Lilac!" masayang bati ni Serene sa akin. Siya ang matagal ko nang katrabaho. Nagttrabaho pa din ako kahit papaano para mas mataas ang pera ko.

"Uy hi din Serene! Musta na?" bati ko sa kanya, kasalukuyan kasing nasa ospital ang kanyang kapatid dahil sa dengue.


"Eto pinipilit maging masaya kahit may pinagdadaanan. Work harder lang." sabi ni Serene sabay bigay ng tipid na ngiti


Aaminin ko naawa ako kila Serene kahit na may kaya sila. Nakakalungkot pa din kapag ka may kamag-anak o kilala na may sakit.

"Okay lang yan. Tiwala ka lang sa Kanya. Always pray." diba ang banal ko mga fre.


"Salamat ha, lagi kang nandyan para sa akin." ani pa nito


"Para na din naman kita ate" sabi ko.


"Sige sige tama na nga itong drama naten at baka mapagalitan pa tayo ng head at masumbong sa boss." sabay tawanan namin pero mahina lang dahil nga baka ma pak ganern kami.

-------------------------

Masaya akong naglakad papunta sa aming canteen. Sana naman nandun ang aking paboritong graham. Binilang ko muna ang aking pera bago ako pumila kasi ayokong mapahiya na kulang pala ang aking pera. Eto na ako ang susunod. Sana makabili ako. Gutom na gutom na ako kania pa grabe. Tinipid ko kasi yung almusal ko kasi ayoko masyado ng mabigat na pagkain sa umaga at saka para hindi ako masyado tumaba kasi conscious ako sa katawan ko.

"Ate isa nga pong graham at mogu mogu na lychee." natatakam na talaga ako. Kulang nalang tumulo na yung laway ko.

"Ay nako iha, pasensya na pero naka reserba na yung graham na iyan. Meron pa naman kaming mga cheesecake at leche flan dito." nakakalungkot naman. Akala ko mabibili ko, akala ko lang pala. Ganyan tayo eh kaya may nasasaktan kasi may reserba ka na agad.

"Isang cheesecake nalang po at yung mogu mogu." Wala na yung graham. Ang babaw ko 'no? Hahaha. Simpleng pagkain nalulungkot.

Sa lamesa ko nalang 'to kakainin. Wala naman kasi ako masyadong kaibigan dito. At saka kakaunti nalang ang bakanteng upuan at lamesa.

-----------

"Ay shet!" muntikan na akong madulas pero buti napahawak ako sa kamay ng isang poste---

"Wow ang pogi." Hala nadulas na naman ako hindi nga lang yung paa ko kundi ang dila ko jusmiyo.

"Hahaha. Ang cute mo naman miss. Pero sa susunod magingat ka na para 'di ka na madulas." Omg ang pogi niya talaga. Ang ganda ng ngiti niya. Ang ganda ng mata niya para bang nang aakit. Teka nga anghel ba ito? Ang katawan niya naman ay tama lang para sa mga tipo ko. Hala. Ang landi na.


"Okay ka na ba miss?" Sabi nito na may pilyong ngiti. Namula nang husto ang aking mukha kaya naman napa sampal ako sa sarili. Bakit ba naman kasi ako masyado halata.

"A-ah sorry po. Ang pogi niyo kasi e -este salamat po sa tulong." Nginitian ko nalang siya para makalimutan ko na napahiya ako. Ayoko na po.


"Ano nga pala pangalan mo?" Hala ito na ba yun? Dito madalas nagssimula ang mga storyang pag-ibig.

"Lilac Quinn Bautista. Lilac nalang or kung ano man ang gusto mo. Pwede ding babe or mine." Pabulong ko lang sinabi yung dulong line kasi nakakahiya. Shy type muna kunwari. Pabebe.

"Sige Lilac nalang. Pero ano ulit yung huli mong sinabi?" Paktay na.

"Sabi ko pwedeng Lilac or Quinn." Hindi ako mapakali kasi baka narinig niya naman ng maayos pero binibiro niya ako.

"Sige babe." Teka... tama ba yung narinig ko? What. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"Ha? Anong sinabi mo? Pwede mo ba ulitin?" Oh no sana naman mali yung nadinig ko. Maglilinis na nga ulit ako mamaya.

"Sabi ko Lilac." Nakahinga ako. Teka bakit nga ba ako kinabahan? Siguro kasi hindi ako sanay makipag usap sa lalaki.

Bigla naman akong napatingin sa relo ko. Shit. Late na ako. Masyado nang matagal ang lunch break ko. Lagot ako neto kay Miss Minchin-este Miss Madrigal.


"Sorry ha pero kailangan ko na bumalik sa trabaho ko. Late na ako eh. Bye." Kumaway nalang ako sabay medyo patakbong umalis.


"See you when I see you!" Pasigaw na habol neto. Nginitian ko siya at nag thumbs up.

Sana nga magkita pa kami

--------------------
"Kamusta naman ang lunch mo Miss Bautista?" Nakangiting bati sa akin ng head namin. Nako po. Ito na nga ba sinasabi ko.

"Good afternoon Miss! Napasarap lang po ang kain. Grabe naman po kayo. Ngayon na nga lang ulit ako nakakain ng maayos pinagdadamot niyo pa?" Paawa muna para makatakas. Sana gumana.


"Hindi mo ko madadaan diyan sa mga pinag sasabi mo diyan. Bilisan mo na kumilos. Para maaga ka pa din maka uwi at nang maayos ka na makakain." Inirapan pa ako neto sabay talikod. Aba 'di ako papatalo 'no. Inirapan ko din siya. With hair flip pa yan. Kabog na kabog si head.

---------------

Natapos na din ang tambak na papeles sa lamesa ko. Inubos ko na kasi tinatamad na akong pumasok bukas tutal sabado naman. Gagala nalang ako. Mag isa nga lang.


Pababa na sana ako sa huling step ng hangdanan dito palabas sa bulding namin nang biglang dumulas na naman ang aking paa.


"Ay p*****a!" Ayan napamura pa tuloy ako kasi ba naman. Ang shunga netong hagdanan. Buti nalang napakapit ako sa railings.


"Oh miss. Ikaw na naman? Sabi sayo magingat ka eh. Buti nalang nandito ako." Aba so kasalanan ko ba na shunga itong hagdanan na 'to?

"Sorry na po ha." Nginitian ko siya sabay lakad na ulit pababa dahil medyo lumalalim na ang gabi. Bibihira na naman ang matitinong tao at tricycle sa amin.


"Hatid na kita?" Bait pero parang nagdududa pa ako kasi baka fuccboi pala ito. Delikado na ngayon ang mga lalaki.


"'Wag na. Okay lang ako. Kaya ko na." Pag pinilit niya pa ako. Bibigay na ako. Tipid na din sa pamasahe. Mukha naman siyang mabait. Yung tipo na aalagaan ka. Bakit ko ito naiisip? Basta pero looks can be deceiving.


"Sige na. Ito na nga lang hinihingi kong kapalit sa pagtulong ko sayo eh." Aba aba hindi ko naman siya sinabihang tulungan ako ah.

"Sige na nga. Pero umayos ka ha. Tatawag ako ng pulis." Tutal kakalaunch palang ng 911 matry na nga kung sakali.


Maayos naman ang naging biyahe namin. Nakatulog kasi ako sa sobrang pagod. Sinabayan pa na puyat ako kanina.

--------------

"Thank you po sa paghatid." Nginitian ko siya pero siguro napansin niya ang pagod sa mukha at ngiti ko.


"No problem. Tulog ka na ha. Ingat ka palagi." Bigla niya pinaharurot ang kanyang kotse.

Grabe ang haba ng araw ko ngayon. Masaya ako kasi may nakasalamuha akong tao. Hindi naman sa hindi ako tao. Pero kasi mahiyain ako at takot ang mga tao sa akin dahil akala nila mataray ako. Pero hindi naman slight lang minsan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Writer's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon