“Ugh, bad trip ka! Tinitignan ko lang yang mukha mo umiinit na ang ulo ko!” bulyaw niya sa akin.
Nakaharap kami sa isa’t isa. Kunot ang noo. Busangot ang mukha. Mataas ang boses. Sa di lubos na maipaliwanag na dahilan, galit na galit siya akin. Ayos lang, galit na galit din naman ako sa kanya.
“Wow, talaga?” sarkastikong buwelta ko. “Sa tingin mo ba nage-enjoy akong nakikita yang pagmumukha mo?! Bad trip ka rin!”
“Ewan ko sa yo! Wag nga tayong mag-usap!” sagot niya, pasigaw pa rin.
“Oh eh di wag! Tutal ayoko naman talagang makipag-usap sayo!” nanggagalaiting sabi ko.
Nagtalikuran kami. Hindi ako nagsalita, hindi rin siya nagsalita. Ayos, kung contest lang ng pananahimik, ako ang mananalo. Kasi kahit gusto niya, hindi niya kayang pigilan ang bunganga niya.
.
..
…
“SHIT!” malakas na mura niya, sabay suntok ng lamesa. Kita mo, tama ako.
“I don’t even know why I’m putting up with you! You’re so… insufferable!” sabi niya.
“Well, hindi ko rin talaga alam kung bakit kita tinitiis. You’re not exactly an epitome of kindness.” Listong sagot ko.
“Hindi ka naman guapo eh. Kung makapagyabang ka parang ang kisig kisig mo. Ang payat-payat mo! Yang mata mo ang liit-liit! Ang laki-laki pa ng butas ng ilong mo, para akong hihigupin! At yang t-shirt na yan, utang na loob yang t-shirt na yan, halos araw-araw mong sinusuot, ang pangit-pangit!” Lumingon siya sa akin para duruin yung suot kong T-shirt.
Wala sa loob akong napatingin sa T-shirt ko. Anong galit niya kay Weird Al Yankovic at pati siya sinali sa away?
“Ah talaga? Akala mo porke’t inuulit-ulit mo yung adjective panalo ka na?” inis na sabi ko. “Eh kung sabihin ko sayong hindi ka rin kagandahan? Ang bansot mo! Yang mga mata mo, parang pinaglihi sa buwan, ang lalaki! Tsaka hubarin mo nga yang miniskirt na yan, hindi bagay sayo ang pink kasi hindi ka naman KYUUUUUUT!!!” binulyaw ko yung huling salita.
“Ang lakas naman talaga ng loob mong sabihin yan, ano? Singlakas ng amoy ng hininga mo kapag umaga!”
“Ay oo talaga, malakas ang loob ko. Mas malakas pa sa paghilik mo!”
“I do NOT snore!” matigas na sabi niya.
“Oh yes you do! I’ve spent so many sleepless nights just listening to you grunt like some fucking jungle animal.”
“And what exactly do you mean by that?”
“Wala! Ang sinasabi ko lang, ayoko yung paghilik mo! Ayoko yang kaartehan mo! Ayoko yang miniskirt na yan! AYOKO SAYO!”
BINABASA MO ANG
Merry-Go-Round
Short StoryMay pagseselosan siya, mag-aaway kami. May pagseselosan ako, mag-aaway kami. May ginawa siyang bullshit, mag-aaway kami. May ginawa akong bullshit, mag-aaway kami. Konting di pagkakaintindihan, away. Konting away, break. Paulit-ulit. Paikot-ikot. Na...