Boses sa Loob (One Shot)

430 18 8
                                    

Rein-chii's Note:

Dedicated po kay ate Humi. :)) Na-touch ako sa comment niya dun sa contest. Hihi. :D

Enjoy reading~! <3

====================

Sa buhay...

Madalas, saka lang natin nare-realize ang value ng isang tao kapag wala na siya. Masakit man aminin pero yan ang katotohanang kailan man hindi natin maikakait.

***

"Sir may naiwan pong envelope sa ilalim ng unan niyo." Rinig mong sabi nung babaeng hingal na hingal mula sa pagtakbo papalapit sa'yo. Inabot mo ito at saka na pumasok sa kotse.

"Anak are you ready to go home? Naghihintay na sila sa'yo." Sabi ng mama mo.

"Yes ma. It has been a year and a half."

"Yeah and I am hoping you're fine now. By the way, ano yang hawak mo?" Tanong niya sa'yo.  Napatingin ka naman sa envelope na hawak mo.

"A letter? I don't know." Sagot mo.

Hindi na muling sumagot ang mama mo pero pinapanuod ka lang niya. Ino-obserbahan kung ayos ka lang. Kung wala ng bakas ng kagustuhang mawala sa mundong ito. Binuksan mo ang envelope at saka nilabas ang dalawang pahina ng papel na nakapaloob dito upang basahin.

---

Hoy ikaw. Oo ikaw. Naalala mo pa ba si Aiza? Si Aiza Jane Ramirez. Yung babaeng nagpaka-tanga sa'yo? Yung babaeng hindi ka iniwan? Yung babaeng naniwala sa'yo na mabuti kang tao? Yung mas pinili ka kaysa sa pamilya niya? Yung ginawa ang lahat para siguraduhing ayos ka?

Naalala mo pa ba kung paano kayo nagkakilala? Nakilala mo siya noong nasa third year high school kayo. Siya yung transferee noon na mas piniling maging seatmate ka kahit lahat ng tao sa klase pinipilit na iiwas siya sa'yo kasi delikado kang tao. Ikaw kasi yung pala away at walang pakialam sa iba.

Siya yung dikit nang dikit sa'yo at pinipilit na maging kaibigan ka kahit itulak mo na siya palayo. Yung laging nagvo-volunteer maging partner mo sa lahat ng activities na by twos. Yung taong hindi nahihiyang sabihin na gusto ka niya, na MAHAL ka niya.

Siya yung babaeng naglakas loob na pumunta sa bahay niyo para pilitin kang pumasok sa school at gumawa ng assignments. Yung babaeng nagpakilala sa mama mo na girlfriend mo at nangakong hindi ka pababayaan. Yung taong tumulong sa'yo para maka-graduate ka ng high school.

Naalala mo bang mas pinili niyang mag-aral sa university na pinasukan mo para masiguradong sineseryoso mo yung pag-aaral kaysa sa university na gusto ng magulang niya para sakanya? Yung mga panahong kinu-kwestyon ka ng pamilya niya kung ano bang ipinakain mo sakanya at ganun na lang siya ka-attached sa'yo.

Alam mo ang sagot sa mga tanong ng magulang niya. Hindi siya nabibigyan ng sapat na atensyon sa bahay kaya sa'yo niya nahanap yung daan para hindi siya mangulila. Alam mo kung gaano siya kalungkot at kung gaanong wasak na wasak ang puso at pagkatao niya. Kinukwento niya sa'yo lahat ng tungkol sakanya tuwing inaakala niyang natutulog ka.

Sa lahat ng ginawa niya para sa'yo, parang baliwala lang. Nasanay ka na at wala ka ng reklamo. Ni minsan hindi mo siya pinasalamatan. Pero ni minsan din hindi niya hiningi sa'yo ang mga salitang yun. Kuntento siyang nasa tabi ka niya.

Nang makatungtong ka sa kalagitnaan ng ikatlong taon sa kolehiyo, para sakanya tila nagbago ang lahat. Nagbago nga ba ang lahat? O bumalik ka lang sa dati nung wala pa siya. Yung taong pala-away at walang pakialam at nararamdaman, bumalik. Teka, mali. Bumalik ang dating ikaw pero mas lumala.

Boses sa Loob (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon