Ice cream

29 0 0
                                    

Flashback to our 9th summer.

His POV

It was summer and the sun was shining as if it'll never shine again. Nakatingin lang ako sa ocean noong time na yun without any thoughts sa isip ko. Everything was calm at para bang walang bagay na manggugulo sa tahimik na beach na ito. Gustong- gusto ko talaga ang dagat at napamahal na ako dito. I don't know why. Alam mo yun parang may kakaibang feeling kapag nakikita mo ang ocean. It is vast and the feeling's really calming specially kapag ang hangin ay papunta sa iyong mukha.

Simula nung bata pa man ako, dito na kami nakatira malapit sa isang karagatan. Actually sa isang resort. Pagmamay- ari ng pamilya ko ang isla na ito. Alam kong mature ako magsalita kasi bata pa lamang ako mulat na ako sa katotohanan.

Suddenly, someone splashed water at me and I turned to see the girl who did this. Ang babaeng nagpagulo sa kalamadong tubig.

" Sammy. Ano na naman bang kailangan mo? " tinanong ko sya but she just smiled at me at para bang hindi niya alam na inis ang tono ng boses ko. Bata pa lang kami ng time na ito. I was 12 and she was 11. Isang taon ang agwat namin. Since birth magkasama na kami.

" Wala lang. Laro tayo dali na Nath. Bakit kasi nakatunganga ka lang dyan? " asked Sammy. Tinabihan niya ako at nakakainis siya. Hindi siya marunong makiramdam kung namumuhi ba sa kanya ang isang tao.

" Ayoko." Yun lang ang sinabi ko at hindi ko siya hinaharap. Alam kong wala naman siyang kasalanan pero siya ang dahilan kaya nagagalit parin ako sa kanya.

" Sige na please. " humarap siya sa akin at hinila ako pero mas malakas naman ako sa kanya. This time I looked at her face at naiinis ako. Naiinis ako sa kanyang deep blue eyes at sa dimples niya kapag ngumingiti siya. Eh ang masama lagi siyang nakangiti.

" Bakit ba ang kulit kulit mo? !" dahil sa inis ko medyo natulak ko siya. Alam ko ang sama ko sa isang babae pero nakakainis talaga siya eh.

Napaiyak siya at humikbi. Lumayo siya sakin at nagpout sabay takip ng mukha niya. " Ey sorry na . Huwag ka na umiyak baka magalit na naman sa akin si daddy. "

Nilapitan ko siya at tinatanggal yung kamay niya sa mukha niya pero ayaw niya. " Tara na alis na tayo dito. Ang init init na iitim na tayo. " hindi pa rin siya sumasagot at parang umiiyak pa rin.

" Hayy bibilhan na nga kitang icecream." Nakatingin ako nun sa side at nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sakin tapos hinalikan pa ako sa cheeks.

" Yey thank you . I love you." pumalakpak siya. Pinunasan ko yung laway niya sa cheeks ko . Nakakadiri siya. Iyan ang isa sa mga bagay kung bakit ako naiinis sa kanya. May kakaiba siyang ugali.

At iyon nga sinamahan ko siya at bumili kami ng ice cream. Tuwang- tuwa naman siya at ngiti ng ngiti. Pinapakain niya ako pero ayaw ko.

Tinawag kaming dalawa ni yaya at sinabing kakausapin daw kami ni daddy. Hindi ko talaga alam kung may sayad yang si Sammy pero natutuwa pa rin siya habang naglalakad kahit saan ata ngingiti itong babaeng ito e. Nakarating kami sa bahay at naroon nga si Daddy na parang may nais sabihin.

" Anak, Nathan may sasabihin ako sa iyo."

Hindi ko alam na mas lalo pa palang titindi ang inis ko kay Sammy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One more summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon