FYAI 6

89 8 2
                                        

Chapter 6

(Raffy's POV)

"A-ano may kailangan pa pala akong gawin. Bye" sabi ni Angela. Hala aalis yun? Iiwan ako nun dito sa masungit na Rhian na to? Pero bago pa kami maka-angal ni Rhian bigla ng tumakbo si Angela.

"Ate Ghela! Wag mo kong iwan sa panget na to!" pahabol ni Rhian.

"Talaga bang sinabihan niya ng panget si Raffy? Ang kapal naman niya!" 

 

"Tama ka girl! Di nga siya maganda eh!"

 

"Right! Nako kung di lang yan pinsan ni Papa  Bryan, matagal ko nang inaway yan eh!"

Hay ang dami talagang may gusto sakin. Tiningnan ko si Rhian, pero imbis na malungkot o maiyak siya. Pumunta siya dun sa table nung mga babae.

"Parang masyado naman atang matalas yang mga dila niyo?" sabi ni Rhian dun sa mga fangirls ko.

"Are you talking to us?"

"Ay hindi. Baka yung mesa at upuan." pamimilosopo ni Rhian

"How dare you to talk to us like that?"

"Then how dare you para sabihan ako ng mga kung ano anong bagay?" naku! Nagaaway na po sila.

"Bakit totoo nman diba? Grabe kang makapag-sabi ng panget kay Raffy, tingnan mo muna yang mukha mo! Maganda ka ba?"

"Ala akong sinasabing maganda ako, pero compared sa mga mukha niyo alam ko na lamang na lamang ang ganda ko" Grabe pala-away pala tong si Rhian.

"Ang kapal mo ha! Girls turuan niyo nga ng leksyon tong babaeng to!"  Nagsilapitan naman yung mga babae kay Rhian at ang mas kinagulat ko ay pinagsasabunutan nila si Rhian. Tutulungan ko na dapat si Rhian ng biglang...

Forever You and I [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon