COLLEGE LIFE!
***
Isa sa pinakamakabuluhang pagpapahirap sa buhay mo ay ang pumasok sa kolehiyo... OA ba? Hindi ah. Ako'y isang estudyante lamang na nagsasabi ng katotohanan. Malamang marami na kayong naririnig na samo't saring kwento tungkol sa buhay ng mga college student. Bentang-benta dito ang linyang "Ang sarap bumalik sa High School" with matching buntong hininga pa! Pero bakit nga ba?
Noong pumasok ako sa college, akala ko katulad lang din ito ng sa high school. Yung tipong kapag exam tumabi ka lang sa balediktoryan niyo umaapaw na blessing na ang matatamo mo. Pero hindi eh. Subukan mong gawin yan sa college paniguradong 'early vacation' ang naghihintay sayo. Sa college may limang shockable na bagay akong naranasan...
Shockable #1na naranasan ko ay ang maubusan ng upuan. Yung tipong may mga sugapa sa upuan kang mga kaklase na ang haba pa ng oras bago magsimula ang klase ay wala ka ng maupuan at kailangan mo pang magisa-isa ng mga classroom hanggang makarating ka sa rooftop sa paghahanap ng upuan. Hindi ako nagpapakaeksaherada! Naransan ko talaga ito. Peks man!
Shockable #2 na matatamasa mo at hanggang sa panaginip ay susundan ka ay ang makadaupang palad ang isang ubod ng sungit na propesor. Yung tipong parang galit sa mundo na imbes na "Magandang Umaga" ang ibati sa unang araw niyo ay "NAGBIBIGAY AKO NG SINGKO" ang ipambubungad niya.
Shockable #3 ay ang mga quiz na mala exam. Yun bang quiz palang 100 items na! Oo, may mga ganyang propesor sa college at ang malala pa linggo-linggo siya kung magpaquiz at ang tawag pa niya diyan ay SHORT QUIZ! O diba? Bongga! Iniisip mo bang madali lang namang mangopya? Subukan mo lang at malamang sa malamang ay mararanasan mong magkaroon ng grado na singko! Taas diba? Isama pa natin ang shockable #4 na mashoshock ka talaga dahil sa mga quiz madalas hindi mo mahahagilap ang mga pinagsunugan mo ng kilay, yun bang tuwang-tuwa ka sa mga example ng prof mo kasi ang dali-dali tapos pagdating sa exam/quiz mapapasabi ka na lang ng "Jusko po! Naturo ba 'to?" Madalas sa math ang ganitong eksena.
Shockable #5 ay ang makadaupang-palad mo ang salitang "hellweek". Hindi ka nagkakamali sa iyong nababasa. Hell as impyerno nga yon! Pero 'wag ka ulit OA ha? Hindi mo makakasalamuha si satanas dyan(masyado pang maaga!), dahil imbes na si satanas ang makahalubilo mo dyan ay sarili mo ang katatakutan mo, yung tipong pagtingin mo sa salamin mapapasigaw ka na lang ng MULTOOOO! Nagtataka ka kung bakit multo? Kasi nga hellweek,at dahil hellweek paniguradong wala kang tulog dahil sa tambak na requirements ang kailangan mong tapusin, patong-patong na eyebags ang aanihin mo dito at kinaumagahan paniguradong para kang ZOMBIE na naglalakad sa Unibersidad niyo.
Pero wag kang mag-alala, matapos ang limang shockable na ito ay paniguradong may patutunguhan ang bawat paghihirap mo.. Wag kang susuko, gagraduate ka din. Tiwala lang! :)
Author's note: Thanks for reading this essay! Actually quiz namin to sa Filipino, on the spot pinagawa ng prof namin at highest 'to! (akalain mo yun! *0*) Mga kablockmate ko ang nag-udyok sakin na i-upload to, pati na din Mudra ko kasi nabasa niya to! XDD Sana may natulong sainyo ang pagbabasa nito. :D Osya'sya! Tenkyu!~ *0*
Ciao! <3
BINABASA MO ANG
COLLEGE LIFE
HumorOoooooopppss! Hindi po horror to. Sadyang ganyan lang ang cover. Gusto niyo bang magka idea kung paano maging isang college student? Try to read this! ^0^