Chapter 4

8 0 0
                                    

Chapter 4

*ROOM 4-B

 kasalukuyan kami nakaupo ngayon sa room namin habang hinihintay ang prof. namin..

"ano ba yan , nakakabagot na "  -  sabi ni Avvah sabay kamot sa ulo

"GUYS WALA SI MISS YOBA ABSENT DAW KAYA MALAYA TAYO NG 2 HOURS, WOOOOOH "

 biglang sigaw nung isa sa mga kaklase namin

10-12 pm kasi sched. ni miss yoba, mahaba-haba din to... ano kaya magandang gawin?

" ano gagawin natin ? " - Dwayne

"mambubully"  masayang sigaw ni Jade

"bully kayo ng bully, tambay nalang tayo sa caf."  sabi naman ni Audrey

At gaya nga ng sabi nya ay tumambay kami sa caf.

 lumipas ang ilang minuto nasa caf. parin kami kwentuhan , tawanan, asaran...

 Hanggang sa mahagip ng mata ko ang taong dahilan kung bakit ako ililipat ni dad sa public..

 Uminit bigla ang dugo ko kaya naman dali-dali akong lumabas at hinila yung taong yun papunta sa cr. narinig ko pa ang tawag sakin nila cassey,  hanggang sa sundan na nila kami

Pag dating namin sa cr  ay agad ko syang tinulak kaya napasubsub sya sa sahig

"E-empress "  -  sabi nito

"Alam mo bang gustong-gusto kitang kalbuhin dahil sa ginawa mo hah? "  -  sigaw ko sa kanya

"A-a-anong ginawa? wala naman akong ginagawa sayo hah"

"Tang*na mo, ang kapal naman ng mukha mo't nagsumbong kapa talaga sa mga magulang mo eh noh, alam mo bang dahil sayo at sa parents mo ay ililipat ako ni dad sa public school "  -  galit na sigaw ko sa kanya

Akmang sasabunutan ko sana sya ng pigilan ako ni Audrey

"let me go audrey, pagbabayaran ng nerd nayan ang ginawa nya"

"E-empress hindi ko naman ginustong pumunta sila mama dito ehh, n-n-nagpumilit kasi sila, wala akong magawa tsaka hindi ko narin kaya ang pambubully mo sakin"

"WALA AKUNG PAKIALAM KUNG NANAHIMIK KA NALANG SANA EDI HINDI SANA AKO ILILIPAT NI DADDY"

"patawarin mo 'ko em------"

 Sinabunutan ko na talaga sya, pinagsasampal, kinakalmot.. nanggigigil talaga ako sa kanya

"Patawarin ? pag pinatawad ba kita may magbabago ba hah? "  -  sabi ko at sinampal ulit sya

"SUE TAMA NA "  -  awat nila sakin ppero di ko sila pinakinggan

 umiiyak na ngayon si ysa habang sinasabunutan ko parin ito,

Bakit ba di sila lumalaban sakin ?

Dahil ba sa anak ako ng may ari nitong school ?

"ANO, LUMABAN KA, LABAN"   nakadagan na ako sa kanya, inaawat parin ako nila audrey

"E - empress p - please tama na "

"SUE TAMA NA SABI EH "  sigaw ni audrey

nagulat ako sa pagsigaw nya hinila nya ako patayo at tinulak palayo kay ysa..

Tinulungan nya namang tumayo si ysa

"D - drey ?"  di makapaniwalang sabi ko,

nakita kong galit sya.

"SUE TAMA NA PWEDE BA ? TIGILAN N=MO NA SYA , MASISISI MO BA SYA NA HINDI NYA NA KAYA ANG PAMBUBULLY MO SA KANYA?  TIGILAN MO NA SYA"  sigaw nya sakin

"Huh! so mas kinakampihan mo sya ganon"

"hindi sa ganon sue, ang akin lng eh itigil mo na to,, ang pambubully mo, kasalanan mo rin naman kung bakit ka ililipat ni tito eh, kung hindi ka sana anmbubully hindi hahantong sa ganito "

 Yeah , tama sya

pero kasalanan ko bang naiinis ako sa nerd nayan?

tsaka anong silbi ng pagiging bully queen ko, Parang talent ko na nga ang pambubully eh

 Tinignan ko ng masama si ysa

"Di pa tayo tapos "  sigaw ko sa kanya tska ako lumabas ng cr.

Narinig ko pang humihingi ng pasensya si Audrey kay ysa..

haysss, nagulat talaga ako sa ginawa nung gagang yun..

First time yun hah..

Di ko na sya nilabanan ayoko narin kasing mag away nanaman kami dahil lng sa pambubully ko at mas ayaw kong mag away kami ng dahil lng sa YSA THE NERD na yun >.<

-  -  -  -  -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon