Alliah Jeon
Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng acacia sa may school. Pilit na nilalabanan ang nagbabadyang luha na anytime eh tutulo na.
"Wag ka na ngang umiyak alliah. Gaga ka talaga. Mahal mo siya. Konting tiis nalang. Makakasama mo na siya." Pangaral ko sa sarili ko. Nakakainis kasi eh. Bawal bang magselos? 'oo bawal. Ginusto mo yan eh. Magtiis ka!' Sagot ng atribida kong utak.
Nakatingin kasi ako kay Albert at Megan na masayang magkasama at naglalampumgan pa. Grabe tong mga ito!
"Etong panyo oh." Nagulat ako nang may mangaboy ng puting panyo sa akin. Si Aldrin lang pala.
"Salamat. Hehe. Bakit ka pala nandito?" Tanong ko. Usually kasi, asa may library to.
"May nakatambay sa pwesto ko eh.".sabi niya. Hindi siya ularing estudyante. Natutulog lang siya.sa library. Antukin.
"Hindi parin ba siya nakikipagbreak?" Tanong nito.
"Huh? Sinasabi mo jan?" Tanong ko pabalik.
"Si Albert, hindi pa ba sila nagbebreak ni Megan? Tagal na niyang ipinangako sayo yun ah?" Hala?! Paano niya nalaman yung relasyon namin ni Albert? May kumalat kasing issue about sa third party pero ang tagal na nun. Paano niya alam?
"I heard your conversation last friday. Taong library ako diba? Nagising ako sa paguusap niyo. Narinig ko lahat. Dont worry, your secret is safe with me." Sabi nito at nakahinga ako ng maluwag.
"Hindi pa. Hindi daw niya mahiwalayan kasi magagalit parents niya." Sabi ko habang nakatungo.
"Kung ganun, bakit ka nagtitiis sa ganyang set-up? Nagmumukha kang tanga alliah. Maraming ibang nagkakagusto sayo." Aniya. Alam ko yun. Isa rin ako sa masasabi kong sikat sa school at may mga manliligaw din naman ako but i keep on ignoring them. "Mahal ko kasi siya Aldrin. Kaya kahit ganto yung set-up namin, ok lang sa akin. Kahit na palihim lang kaming nagkikita, ok lang. Kahit na hindi kami nagdedate katulad ng normal couples, ok lang." Naluha nalang ako. Ang totoo, hindi ok yun. Inggit na inggit ako. Sobra.
"Sinungaling. Halata namang hindi ok yun. Tara ice cream?" Aya nito. Umoo nalang ako. May two hours vacant pa kami.
Pumunta kami sa isanh ice cream parlor malapit sa university na pinapasukan namin. Actually, tambayan ko ito pag nalulungkot ako. Buti nalang talaga inaya ako dito ni aldrin.
"Cookies and cream sakin. Sayo?" Tanong ni Aldrin. "Ah. Chocolate." Sabi ko at nagorder na. "Ako na." At isang nakakahawang ngiti ang ginawa niya bago bayaran ang binili namin. Naupo kami sa may tabi nang bintana.
"Anong plano mo? Hanggang kailan ka ganyan?" Tanong niya habang sumusubo ng ice cream. Ang cute niya.
"Hindi ko alam. Basta hanggang mahal niya ako, hindi ako magsasawa. Bahala na." Napabuntung hininga nalang ako.
Nagkwentuhan nalang kami ng mga bagay bagay. Nagtatawanan na nga kami eh. Paano kasi, hindi niya tinitignan yung ice cream niya, naidutdut niya tuloy sa ilong niya yung ice cream. Habang nagtatawanan kami, nahagip ng mata ko si Albert, ang sama ng tingin. Napatigil tuloy ako sa pagtawa.
"Huy, anyare?" Tanong niya habang.hinahabol pa ang paghinga dahil sa pagtawa niya.
"Nakita tayo ni albert. Nagseselos siya. Sige, una na ako." Sabi ko at iniwan ko na siya.
Nandito ako ngayon sa likod ng isang lumang building ng university. Dito ang tagpuan namin ni Albert.
"Nandiyan ka na pala Babe. Kamusta ang araw?" Babe ang tawagan namin. Lalapit sana ako para halikan siya pero umiwas ng mukha. Nakalukot pa.