SCARF (One Shot)

29 2 1
                                    

*DUG DUG* "Ano ba, Jireh? Wag ka kabahan." bulong ko sa sarili ko.

Emcee: "And the next performance will be presented by a group from the freshmen --- I-VA!!"

Eto na. Kami na. First time ko magpePerform ngayong Highschool na ko. Oh come on, kaya ko ba to?

Classmates from the thick crowd: "Go Ivan! Go Patrick! Go Jireh! Go boys! Go I-VA!!"

Nagsimula na yung tugtog, nagsimula na din ako sumayaw. I can feel my body rock, I can hear our breathing, I can taste our confidence..

But that time, I saw neither the crowd nor the judges.

I saw a girl in yellow tshirt --- Myra.

My first crush. My first love.

************************************************************************************************

*RIIIING!!!*

Yes! Time na nman. Sarap tlaga pakinggan ng tunog ng bell. So far, wala nman assignments kaya didiretso na ko sa may calachuchi tree at hihintaying maglabasan ang I-GEH

Ivan: "Oh Jireh, andyan ka na nman? Naghihintay ng himala? Na mapansin ka ni Myra? ASA KA PA. HAHAHA."

Me: "Sya ang tanging himala sa mundo."

Ivan: "Pakshet, KORNI MO! Alam mo, kumain na lang tayo. Libre.... MO! HAHAHA."

Me: "Kung di mo ko susuportahan dito, mabuti pang um--"

Di pa ko tapos umimik ay may sumapok sa 'kin mula sa likod. Si Alvin, ex-classmate ko nung elementary na present classmate ni Myra.

Alvin: "Scarf ni Myra oh? Kinuha ko. Crush mo sya dba? Oh, chance mo na ibalik to." *sabay kindat*

Napaisip ako. Gagawa ba ko ng eksena dito sa First Year Area? Kaya ko ba? Napapalibutan sya ng classmates nya, maiiabot ko kaya? Kaya ko to. *DUG DUG* Tsk, bakit ba pinanganak akong masyadong kabado lagi?

"MYRA! IBABALIK KO NA SCARF MO! OH ETO, IAABOT NG TROPA KO. BAKA SAPUKIN MO PA AKO PAG AKO LUMAPIT SAYO E! HAHAHAHA." Sigaw ni Alvin sabay abot ng scarf sakin.

"Go lang nang go." Bulong nya sakin.

Edi eto ako. Go.

*Step*

Another step. And Another. *DUG DUG*

At this point, kaharap ko na sya. Wala nang atrasan pa at totohanan na to. Kukuhitin ko dapat sya pero..

TUMINGIN SYA..

"S-scarf mo. S-so--Sorry nga pala sa uhm, gnawa ni ano. Sa ginawa ni Alvin. E-eeto na ung scarf."

Nanginginig ako, nilalapit na nya ksi ung kamay nya.

"Ayos ka lang ba? Namumutla ka kasi at nauutal. Ok ka lang? :)" Sabi nya, tas hinawakan nya ko sa noo.

Gusto ko na magCollapse. Ugh, di ko alam gagawin. *DUG DUG DUG* Mas mabilis ng 400x this time. Shet, kinikilig ata ako.

"Salamat." Kinuha na nya ung scarf. "Ako nga pala si Myra. :)" Ang ganda talaga nya.. Bagay sa kanya pangalan nya.

"Ji--Jireh. Ako si Jireh." Humahakbang na ko papalayo. "Welcome." Pagkatalikod ko, tumakbo na ko. Palayo. Palabas ng area. Palabas ng school. Pauwi.

*************************************************************************************** <3

Tulala pa din ako hanggang makauwi. Nagawa ko talaga un? Nakakaasar pero, thankful ako sa ginawa ni Alvin. BUKAS? Excited na ko makita ulit sya, excited na ko makita ulit si Myra.

Alam ko na, aayain ko sya na lumabas kasama ko sa Sabado. Kelangan ko ipakuha kay Alvin ung scarf nya, at ako ulit magbabalik. At kakausapin ko sya kung pwede ko sya yayain lumabas sa Sabado. TAMA! Ganun na nga.

"Connecting.."

"Hello, Alvin. Buang ka talaga. Hahaha. Bukas nga, favor, gawin mo ulit un. Kunin mo scarf nya, iaabot ko ulit. Okay? Wag ka na umimik. Salamat."

"Call Ended.."

Tutulog na ko, ready na ko para bukas. :)

***************************************************************************************************************

"RIIIIING!!" Ayan na, labasan na! Di ko na inalam kung may assignment or whatsoever pa kami. Dumiretso na ko sa calachuchi tree, hinihintay si Alvin.

"Hoy boss, ito na yung scarf o! Makapag-utos ka naman! HAHAHA. Libre mo ko sa Friday ha!" Sabi ni Alvin habang hinihingal..

Kinuha ko ung scarf, "OO sige. Punta ka na lang samin. Papakainin kita. Salamat talaga, maaasahan ka talaga. :P"

"Oh sia sge na, lapitan mo na si Myra mo." Pang-asar niya.

And here we go again..

One step.

And another. And few more.

Andito na ko, few meters away from her.

*DUG DUG* Ito na naman. Kaya ko to. Kaya ko.

Nagtataka lang ako, hindi hinahanap ni Myra scarf nya.

"Uhmm, Myra ---" Naputol ako sasabihin ko kasi may sumigaw na iba.

"MYRA!! Everyone, eyes here!" Sigaw ni Jake, kaklase nila Myra.

May hawak syang scarf, pero alam kong hindi kay Myra yun. Nahawi ung corridor, lahat ng atensyon ay nakay Jake.

Niladlad ni Jake ung hawak nya na scarf. Bumukha. Gumulat sa lahat.

"MYRA, I LOVE YOU. WILL YOU BE MY GIRL?" Nakasulat sa scarf.

NagbuBlush si Myra. Pero sakin sya lumapit. Pero, kinuha lang nya ung scarf. Sinulatan.

Inabot nya kay Jake.

Binuklat ni Jake.. Nakasulat?

.

.

.

.

.

.

.

"I LOVE YOU TOO. I AM NOW YOUR GIRL. <3"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SCARF (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon