walawalawala

30 0 0
                                    

"Paano kung na-stuck ako sa memories na shinare namin sa isa't isa for almost 1 year? Yung tipong siya parin po ang nasa isip ko bago matulog at pag gising ko sa umaga? Ano pong gagawin ko kung siya naka-move on na tapos ako umaasa pa? Ang sakit sakit na po."

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong ng first caller ko for tonight. Rinig kasi sa boses niyang humahagulgol siya ng iyak. *sigh*  Yes, I'm a part time DJ. :)

Usually alam ko naman iaadvice sa mga ganyan kasimpleng tanong eh. Mag move on kana rin, wag na siyang isipin, marami pang lalake diyan, etc. Pero simula nung dumating at nawala si Kristopher Jake Miranda sa buhay ko? Wala na. Ni sarili kong mga tanong hindi ko na alam kung papano sagutin. Nakakaasar! Lecheng lalake yon. -___-

"Ano kaba. Hindi mo dapat iniiyakan ang mga walang kwentang tao. Lalo na't di pa siya patay, wag kang excited. Smile! :)" 

HAHAHA. Mukhang nakatulong naman sakanya ang walang kwenta kong advice kasi narinig ko siyang tumawa mula sa kabilang linya. Ayos! ;)

Ako nga pala si Margo Loisse Austria. :) *waves*

Sabi nila, maganda daw ako pero hindi ako yung tipong gustong gustong nakakarinig ng mga walang kwentang pambobola. Tss.

Though alam ko sa sarili ko na maganda talaga ako. Hahaha. Sadyang hindi ko lang feel ipamukha sa sarili ko na totoo yun. Alam mo yuuuun?

5'5 ang height ko. Oo maliit ako! Pero para sa ibang babae matangkad na yun noh. HAHAHA. Red ang color ng hair ko ngayon. Eh bakit ba, nakakasawa na ang boring kong plain black hair eh. -.-

College student parin ako, 3rd year. 19 years old. Single. >:)

Pero hindi dapat ako single eh. Kung hindi lang sana ako iniwan ng walang hiya kong boyfriend, si Kristopher. >:(((((

Hanggang ngayon hindi parin ako natatahimik kasi hindi ko parin talaga alam kung anong main reason niya. 

Basta ang naaalala ko lang, mahal na mahal namin ang isa't isa. Cheesy na kung cheesy pero totoo eh!

Minsan lang kasi ako nagmahal. Akala ko nga hindi na eh kasi never akong nagka-interest sa mga lalakeng umaaligid sakin.

Bukod kasi sa dami ng mga reklamo ng mga kababaihan na tumatawag saakin gabi gabi tungkol sa mga taksil na boyfriends nila, eh iniwan rin ng dad ko ang mom ko. </3 AYOS DIBA?

Kaya wala na talaga akong tiwala sa love love na yan. That'll just put me in so much pain. Kalokohan lang yan.. Yun ang paniniwala ko

NUON.

Pero nung nakilala ko si Kris, aba parang YOU ARE THE ONLY EXCEPTION ang dating! 

Minahal ko siya. :)

Lahat ng problema ko sakanya ko shinishare.

Lahat ng sikreto ko mas alam pa niya kesa sa mom ko.

Lahat ng kinabibwisitan ko ayaw niya narin.

ODIBA? PERFECT! :)

Yung tipong siya kakampi ko sa lahat. Sabay naming sinumpa sa mga isip namin yung Accounting instructor kong dalawang beses akong binagsak! -.-

Sabay naming tinatawanan yung mga dork na nagsesend saakin ng love notes sa school. Hahaha! Tapos lalaitin pa niya yung ibang mga nag coconfess ng feelings saakin kasi Bisaya yung accent. HAHAHA bully talaga yon. -____-

Memories.

Shit.

Sabing di ko na aalalahanin.

Ikaw kasi eh!!

"Lecheng caller!!!"

O____O

"Whaaaat?!"

Patay! Andito nga pala ang boss ko sa office ngayon. Ugh! Nawala sa isip ko, narinig niya yung sigaw ko.

I'm in trouble again..

"Miss Margo, we're not paying you para lang mag mura ng mag mura dito sa station. Ano bang problema mo ha? Napapadalas na ang pagmumura mo. Bukod sa ang papangit na ng ina-advice mo sa mga callers, you're cursing them pa! What the hell! Behave well Miss Margo or else..."

"OR ELSE WHAT? You're gonna fire me? Fine! No pressure at all."

Ang confident ng boses ko. :) Alam ko naman kasing hindi ako ifa-fire ni Mr. Duque dahil ako ang rason kung bakit nag number 1 radio station niya. -.-

Sino pabang eexpectin niyang makikinig sa radyo ng ganitong oras? Edi syempre mga kabataan. >____< tapos puros matatanda DJ's niya, pano sila makaka-relate sakanila? -.- Kaya simula nung nag apply ako as a DJ for nothing, as in nothing, trip lang, eh biglang nag top 1 ang radio station niya. :P Odibaaa! HAHAHA. (Feeling proooouuuud) <3

"Yes. You think I can't do that? Well..."

"No need sir. I'm leaving right now. Bye!"

Hinablot ko na ang bag ko sa upuan at lumabas na ko ng office. :) Hindi ko naman kasi kailangan ng trabaho na 'yan eh! At isa pa, nakakabadtrip narin pakinggan yung mga taong hingi ng hingi ng tulong sakin samantalang ni sarili ko nga hindi ko matulungan. UGGGHHH.

"Sinong tinakot ng panot na yun huh?" I whispered to myself habang hinahanap ko yung susi ng sasakyan ko sa makalat kong bag.

"Asaaaaan naba kasi yun?!" hindi ko parin nahahanap! Ang kalat kasi ng bag ko! Wet tissues, cellphone, suklay, eye-liner, lipstick, pressed powder, ballpen, journal at kung ano ano pa. Hindi manlang organized pagkakalagay ng mga 'yan sa bag ko. Eh, am I really a girl?

"Come on Margo, I'll give you a lift."

May nagsalita sa likod ko. Napatalon pa ako sa gulat. -.-

That voice, very very familiar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

walawalawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon