"Dear, Future Girlfriend..
Ang dami kong plano para sating dalawa.. Sana nababasa mo to, simple lang pero sana tagos buto. Ipagsisigawan ko sa buong mundo kung gaano ako kaproud na ikaw ang girlfriend ko. Wag kang mai-insecure sa iba, wag ka mahihiya, kasi ano pang silbi ko sa buhay mo kung di ko maiparamdam kung paano ka angat sa kanila. Kasi alam mo, napaka ganda mo. Pero siyempre, mas maganda si mommy. Hahaha joke lang. Pero seryoso, hinding hinding hinding hindi ako lilingon sa iba, kahit na si Georgina Wilson, Anne Curtis, Angel Locsin, Marian Rivera pa yan, wag mo lang maramdaman na hindi ka maganda. Hindi ko mapapangakong hindi kita masasaktan o mapapaiyak, pero ipinapangako kong may pambawing yakap at halik yan! Ang dami kong plano, sobrang dami. Kapag naka 1 year tayo ng puro away, papakasalan na kita. Haha! Magaaway tayo tungkol sa babae siyempre, pogi ako e. Pero promise, ikaw lang talaga. Ngayon palang sinasabi ko na kahit hindi pa kita kilala. Aasarin kita hanggang umiyak ka, para mayakap ka. Pero isa lang talaga ang gusto ko. Ang maiparamdam sayo na mahal kita, sobrang mahal kita..
Kaya please lang, dumating ka na.."
xxxx
Wala lang, kinilig lang ako. Hahahaha. :')
-Zee
BINABASA MO ANG
Scratch
Teen FictionTake me to a place where doors are open, a lovely little place where no one's broken. // random thoughts