Chapter 1

4.7K 95 39
                                    

C H A P T E R 1 

KATHLEEN's POV

Hinahabol ko ang hininga ko habang pilit kong inuupo ang sarili ko. Pakshet. Anong lugar to?  Sobrang dilim na sobrang tahimik pa. Naramdaman ko ang mga patak ng ambon sa mukha ko. Nanghihina na ako. 

Wala akong mga matandaan sa mga nangyari basta ang alam ko nagising na lang akong ganito. Pinilit kong tumayo at pinag pagan ang damit ko na puno ng basang dahon. Lintek. Hindi ako sanay sa ganitong lugar. Isa pang nakakataka kung paano ako napunta dito. 

"Guys!" Sigaw ko. Leche naman oh. Naka uniform pa ko kaya alam kong kakagaling lang namin sa school. Basta magulo. Nakikisabay lang kami sa Daddy ni Paul tapos eto. Ganito na. Ni wala nga kong matandaan kung ano na nangyari pag katapos nun.

"Kathleen!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. "Kathleen!" ulit nito. 

"Pakshet nasan ka?" Tanong ko. Napakamot na lang ako sa ulo habang patuloy na hinahanap kung saan nangagaling yung boses ni Kenneth. 

Puta. Napakagat labi ako ng mapansin kong nakapaa na lang ako. Putang ina anong nangyayari? 

Napasigaw ako ng sobra ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko. "Ano ba?!" Sigaw ko sakanya. Napakamot naman siya sa ulo niya at humingi ng paumanhin. "Eh magagawa ko kanina pa kita tinatawag di ka naman kasi sumasagot" 

"Nasaan sila Anne?" Tanong ko. "Hindi ko nga din alam eh" sagot niya. "May ipapakita ako sayo" Naramdaman ko ang mainit niyang kamay nang hinawakan niya ang akin. Dinala niya ako sa isang lugar na dahilan para mapaluhod ako sa kinatatayuan ako. Dagat.

Dagat ang nasa harapan ko. At isa lang ang nasisiguro ko. Trap kami sa isang isla. Shet. Teka trap nga ba o mamaya may iba o may tamang rason din siguro kung bakit kami nandito. Kung ano man yun nakakainis. Unang una naka uniform pa ko. Pangalawa wala akong maapakang matino. Napaka gulo pa naman dito mamaya may maapakan ako.

"Ano satingin mo ibig sabihin nito?" Deretsahan kong tanong kay Kenneth. "Wala din sakin yung sagot" Sagot niya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "May valid reason naman siguro" Pag aassure ko sa sarili ko at kay Kenneth. "Sana nga. Sana"

Hindi ko kayang mapakali. Alam kong pareho kami ng iniisip ngayon ni Kenneth.

Hindi man namin binabanggit ay patuloy kami sa pag papakiramdaman. Alam kong alam niya ang iniisip ko. Sa panahong ganito dapat hindi naman talaga dapat kami kakabahan. Pero may isang bagay na bumabalik dahil sa nangyayari ngayon. 

Hindi maipag kakait. Sana hindi. Sana hindi ito konektado dun. Kung ano man ang dahilan kung bakit kami nandito , sana hindi ako ibabalik sa sagot na kinatatakutan naming lahat.

Kamatayan.

Terzwang : A New Born PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon