CHAPTER 1

8 1 1
                                    

Nagkakilala tayo sa isang dating site di ko inaasahan na makikilala kita dinadaanan daanan ko lang profile mo di kasi ako yung tipo ng babae na maunang makipag-usap sa isang guy. Noong di pa kita kilala dinadaanan daanan ko yung profile mo, profile ni ex nakikiupdate.

Actually bitter ako denedelete ko yung account ko kapag wala na kami tapos gawa ulit panibago. Then dito sa bago kong account nato ito yung ginamit ko kaya nakilala kita. December nakilala kita, Naalala ko nun nagsent ka sakin ng gift kasi sa site na yun pwede kang magsent ng gift. Then that time nung nakita ko yun, nagsent ako ng message sayo sabi ko 'HEY'. 

Noong mga panahong yun poser ka pa, gumamit ka ng isang picture ng isang sikat na guy na taga Manila, taga UDM sya. Sikat ka sabi mo pero di kita kilala. wala akong pake alam kung gwapo man yung ginamit mong picture. Nung mga oras na yun naging super close tayo, naging open ako sayo, super daldal ko noon, ang dami kong chika sayo palagi. Halos everyday ganun.. Naging kuya-kuyahan kita kasi mas matanda ka sakin, 15 ako nun 17 ka pa noon. Tapos tinanong kita may facebook ka ba, sabi mo wala kasi sabi mo maraming nangungulit sayo kaya di ka gumagawa. Gabi na non hiningi ko number mo, binigay mo naman sakin na walang pag-aalin langan. Habang lumilipas ang araw lalo tayong nagiging close. Naalala ko pa nun lagi kang nagpaparinig sakin sabi mo sa post mo 'GUSTO SANA KITANG LIGAWAN KASO ANG LAKAS MO MAKAKUYA SAKIN.' yun lang yung naalala ko nun marami pa nga yung mga parinig mo pero yun lang yung natandaan ko. Nagpm ako sayo, nagtanong ako sayo about dun sa mga post mo tinatanong kita kung sino yun pero di mo sakin sinasabi. Pinapayuhan kita kasi nga sabi mo may gusto ka pero sabi mo hindi pwede dahil lalayuan ka nya. Pero nag-aasume ako nun na SANA AKO YUN. 

*nagpapakatotoo lang ako*

Gusto ko na rin sya nun pero di ko sinasabi. Ayun na nga sinabi ko sa kanya gusto ko sya, GUSTO KO LANG SYA. Saka sya umamin na GUSTO NYA RIN AKO. tapos ako naman kilig kilig, talon ako ng talon, gusto ko ng sumigaw sugaw sa sobrang kilig. Ngiting tagumpay ako nun.

*^_^*

Pero sinabi ko rin sa kanya na hindi pa ko handa na pumasok sa isang relasyon, takot akong masaktan ayoko pa.
Pagkatapos nun, nag-iba ang ihip ng hangin, iniwasan nya ko nun pero pagkakaalala ko nun nagpaalam ka pa sakin nun.

December 25 or New year na ata nun kinausap kita na wag ka ng umiwas, maging kuya na ulit kita. pumayag ka naman kasi sabi mo newyear or christmas naman.

*hindi ko alam kung christmas yun o new year.*

Nung bumalik na kami sa dati naging close uli kami. lalong lumalim yung feelings. yung feelings na ang lalim na ng nahukay.

february 9, naging tayo sinabi mo sakin nun 'Can I be your girlfriend?'. Ito naman ako kilig kilig sabay sabing 'Yes!'. Ang saya ko nun kasi naging tayo na, same yung nararamdaman natin na tuwa sa isa't isa.

Lagi kitang kausap nun, wala kasi akong kaibigan na nakakausap ko nakakasama ko. Lumayo kasi ako sa kanila gusto ko kasi nung mag-isa, hanggang sa unti unti na wala nang kumakausap sakin bihira na lang kung meron. Kaya sayo umiikot ang mundo ko nung mga panahong yun.

Araw araw namimiss kita, araw araw hinahanap kita kasi bihira ka na magparamdam, umikli na yung mga reply mo di na kagaya dati nung magkaibigan pa tayo ang haba pa ng mga reply mo, lagi kang nagtetext. Noong palaging nangyayari yun lagi akong umiiyak sa sobrang pagkamiss ko sayo. Nagpapaalam ka naman sakin pagbusy ka. May sarili ka ngang schedule Pagkaalala ko noon, Monday to thursday wala ka kasi busy ka nyan sa school. Pero friday to sunday free ka. may oras ka sakin pero minsan din wala swerte ko na lang kapag nagbigay ka ng time sakin. Ramdam ko nun parang wala kang pake alam sakin pero hindi ko iniisip yun kasi
nga mahal kita, mahal na mahal. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin bat nagkaganun ako, kasi first time kong umiyak sayo, first kong sayo lang umiikot mundo ko. Sa paglipas ng araw na pagkamiss ko sayo unti unti akong nahuhulog, lalo kitang minahal ng di ko namalayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOU'RE THE ONE(Yel & Briel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon