Dahil Single Ka
All Rights Reserved 2013
--------------------------------------------------------------
"Ang pagiging single ay di basehan ng kagandahan. Di rin ito kahinaan. Ito ang oras na dapat kilalanin ang sarili nang ang pakikipagrelasyon ay mapaghandaan."
--------------------------------------------------------------
Dahil single ka, di mo maiiwasang itanong sa sarili mo kung anong mali sa'yo.
Minsan mo na ring tinanong ang sarili mo kung bakit walang nanliligaw sa'yo o kahit nagkakagusto man lang.'Panget ba ako?' at 'Ano bang kulang sa akin?' ay tinanong mo na rin. Sa kabila ng kagandahang taglay mo, bakit walang sumusubok na manligaw sa'yo? O kaya naman, bakit walang nagkakagusto sa'yo kahit crush lang? Pinapaniwala mo na lang ang sarili mo na di pa talaga 'to ang oras para sa boyfriend boyfriend na yan. Pinapaniwala mo na lang yung sarili mo na ayos lang kahit wala ka nun. Sabi mo masaya ka naman e. Teka, masaya ka nga ba?
Dahil single ka, kaliwa't kanan ang nagiging crush mo.
Pero aminin mo man o hindi, may isang tao na gustong-gusto mo. Yung tipong patay na patay ka. Siya siguro yung dahilan kung bakit single ka pa rin - kasi di ka niya nililigawan. Pwedeng may gusto siyang iba o may nililigawan na. Pwede rin namang wala pa rin sa isip niyang mag-girlfriend o kagagaling lang sa breakup. Pwede ring manhid siya. Pero naisip mo na rin ba? Na pwede ring hindi ka lang talaga niya gusto kaya kahit anong gawin mo ay di siya mapapasayo? Sa tatlong ito: friendzone, seen-zone, at don't-care-at-all- zone, saan ka napabilang?
Dahil single ka, Facebook, Twitter, at pagkain na lang ang karamay mo. Kapag stress ka, hindi 'pahinga ka muna hon' at 'sweet dreams :*' ang mga message na nakukuha mo sa Fb kundi 'pa-like nito' ang lagi mong natatanggap. Mas lalo ka pang na-stress. Nakikita mong online ang crush mo, at ikaw 'tong feelingera, umaasa kang magme-message siya sayo. Nag-antay ka hanggang mawala ang berdeng bilog sa picture niya. Ngunit wala kang nakuhang mensahe.Di mo naman siya ma-PM kasi nahihiya ka. Kapag malungkot ka at gusto mong kalimutan ang mundo, walang lalaking yayakap sa'yo at sasabihing 'Tahan na, mahal ko.' Imbes, kukuha ka ng unan atsaka doon ibubuhos ang lahat ng luha. O kaya naman ay kakain ng napakarami. Nandyan naman yung mga kaibigan mo para damayan ka pero sapat na ba yun? Sapat na ba na sila lang ang kasama mo o may mas kailangan ka pa?
Dahil single ka, minsan naiinggit ka sa mga magboyfriend-girlfriend na nakikita mo sa jeep, lrt, tricycle, kalsada at kung saan-saan pa.
Yung sasabog ka na sa kabadtripan dahil PDA sila. Pero deep inside, nananalangin ka na sana dumating ang araw na magkaroon ka na rin ng kapareha. Di para ka-PDA mo, kundi para sa'yo. Yung bubuo sa'yo.Yung sasamahan ka kapag tinalikuran ka na ng lahat. Yung papatawanin ka kapag pagod ka nang ngumiti. Yung aalalahanin ka palagi.Tinanong mo na rin yan minsan. Kailan ba darating yung para sa akin? Maaaring inisip mo na rin na na-traffic lang sa EDSA kaya wala pa rin hanggang ngayon. Pero nasaan na nga ba siya? Nakita mo na kaya siya?
Dahil single ka, sa mga palabas at istorya ka na lang kinikilig.
Kaya ka nga nandito sa Wattpad para malaman ang iba't ibang lovestory na magpapakilig sa'yo kasi wala siya para gawin iyon. Naiingit ka sa mga fictional characters na mas maganda pa ang lovelife kaysa sa'yo na totoong may buhay. Naiingit ka sa mga mga presyo ng bilihin na nagmamahalan kasi kayo na lang ng crush mo ang hindi. Naiingit ka rin sa mga kaibigan mo na may boyfriend kahit na di naman kagandahan o kabaitan. Masamang manglait pero maging makatotohanan tayo. Naiingit ka rin sa mga couples na matatanda na pero going strong pa rin. Sa lahat ng kinaiingitan mo, bumababa na lang ang tiwala mo sa sarili. Nawawalan ka na ng tiwala sa ganda mo. Nilalamon ka na ng insecurities mo. Ngayon itanong mo sa sarili mo, paano ka pa gugustuhin ng iba kung ganyan ka na?
Dahil single ka, todo like at share ka ng quotes about sa perks ng pagiging single.
Pati sa GM mo bumabanat ka ng quotes. Sinabi mo na rin na 'Proud single ka' pero totoo ba yun? Proud single pero puro bitter quotes ang pinapasa mo. Nasaan ang katotohanan sa sinasabi mo kung taliwas ang kilos mo sa salita mo? Minsan mo ka na rin nagparinig sa crush mo through GM text messages pero ang totoo, sa kanya mo lang naman sinend. Naniniwala ka na ginagawa pa ni God ang love story mo kaya nag-aantay ka. Umaasa kang mala-fairytale ang lahat para sa'yo. Pinapangarap mo na may isang almost perfect guy ang kakatok sa pintuan niyo at aakyat ng ligaw sa'yo.Kung bibigyan ka ng title, isa kang hopeless romantic. Pero welcome to reality. Di lahat ng nababasa mo, totoo. Minsan gusto lang ng mga istoryang mang-aliw. At madalas, ang nang-aaliw ay nambobola. Hanggang kailan ka magiging ganyan?
Dahil single ka, magaling ka mag-advice sa mga taong may love problem.
Ironic pero totoo. Kung mag-advice ka parang si Papa Jack at Bob Ong. Akala mo experienced pero kahit isa wala pa pala. Parang expert level ka na pero di ka pa naglalaro. Kung itatanong sa'yo kung saan mo nahuhugot yan, di mo man masabi ay galing sa mga libro, palabas, quotes at sa mga kwento-kwento. Yung mga ina-advice mo e di mo ma-apply sa sarili mo. Nasasabihan mo pa yung ng 'Chin up. You're beautiful.' pero yung sarili mo hindi. Yung totoo, sino pa ang unang maniniwala sa sariling kagandahan mo kundi ikaw at ang nanay mo?
Dahil single ka, di mo namamalayan na may tao palang umaasa na baguhin ang status mo sa 'In a Relationship'.
-------
BINABASA MO ANG
Dahil Single Ka (One Shot)
Teen FictionDahil single ka, umaasa ka. || PurpleMindedGirl 2013