He Smiled, I Cried

766 23 8
                                    

He Smiled, I Cried | written by: proudbaluga

**

Sariwa pa sa isipan ko ang mga pangyayari noon.  Noon; noong magkasama pa tayo.  Masaya tayo, akala ko habambuhay na kita makakasama.  Akala ko perpekto na ang lahat.  Akala ko hindi ka magbabago.

Sabi nga nila, walang permanente sa buhay.  Ang laki-laki ko na pero bakit hindi ko pa rin naintindihan kaagad? Ang sagot? Dahil hindi ko pa nararanasan. 

Pinikit ko ang mga mata ko at pilit inalala ang iba pang mga pangyayari noon.  Agad namang umagos na tila isang ilog ang mga alaala.  Hindi ko napigilang mapangiti sa isang alaala. Alaalang hindi na maibabalik pa.

Naaalala ko noong gustong-gusto mong manood ng PBA,  lagi mo nga ata akong pinariringgan tungkol dito.  Ako naman ay palihim na natawa sa inasal mo.   Ang galing mo kasing dumiskarte, magpaparinig para masunod ang gusto mo.  

“ Anong gagawin mo?” tanong ko sa’yo.  Naglalakad tayo noon sa mall.  Kaunti lang ang tao noon dahil weekday.  Umabsent ka pa nga para sa akin.

“ Libre mo kasi ako.” Bigla mong sabi.  Napatawa naman ako sa sinabi mo.  Parang kanina ay dada ka nang dada tapos eto sa wakas, sinabi mo rin ang pakay mo.

“ Uso ang po iho.” Sabat ko.  Mas matanda ako sa kanya pero ni isang po hindi niya ginagamit pag-kinakausap ako.

“ Eh basta libre mo ko ha?” Sagot mo.  Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo.

Isang linggo ang nakalipas buhat nung araw na yaon.  Nasa mall uli ako para bumili ng grocery ng madaan ako sa isang poster.  Napatigil ako at at agad kitang naalala.  Alam mo kung bakit? Dahil eto yung pinakahihiling mo. 

July 21, 2007.  Hindi ko sinabi sa’yo na manonood tayo ng PBA.  Oo, tayong dalawa.  Kahit hindi ako hilig sa basketball ay manonood ako—para sa’yo.  Nasa sasakyan tayo noon at halata ko sa mukha mo na malungkot ka.  Ang sabi ko kasi sa’yo pupunta tayo sa dentista—pero ang di mo alam, manonood tayo ng PBA.

Pupungas-pungas ka pa noong makarating tayo sa lugar kung saan tayo manonood.  Kung kanina nakasimangot ka, ngayo’y todo ngiti ka at halatang-halata sa mga mata mo ang saya na iyong nararamdaman.

Agad naman tayong pumasok sa loob at humanap ng mauupuan.  Pagkaupo natin, naghintay lang tayo ng ilang sandali at nagsimula na ang laban.  Grabe, panalo pa ang team na iniidolo mo.  Napangiti tuloy ako nang makita kitang nakangiti.  Hindi mo ba alam na isa ito sa pinakamasayang araw ng buhay ko?  Hindi ko rin kasi inaakalang sasabihin mo ‘to:

“ I love you.” Sabi mo sa akin.  Hindi mo ba alam kung gaano ako natuwa na sinabihan mo ‘kong mahal mo ko?  Bihira mo lang kasi sabihin ‘yun.  Pero ang masakit, hindi ko na yun narinig mula sa iyo buhat noong araw na iyon.

Year 2009, dalawang taon ang nakalipas.  Marami nang nagbago. Ang dating ikaw ay unti-unting nagbago hanggang sa mawala ka na sa piling ko.

September 24,2009.  Tandang-tanda ko pa noon ang araw na ito.  Niyaya kita na saluhan akong kumain—kahit sa isang araw lang na iyon ay sana napagbigyan mo ako.   Sana.  Pero ano nga bang ginaawa mo? Ayun, iniwan mo ko at mas pinili mo pa ang mga kaibigan mo.  Hindi naman sa bawala ang makipagkaibigan pero sana kinilala mo ng mabuti ang mga kaibigan mo.  Kasi ang mga kaibigan mong iyon ay masamang impluwensya.

Wala akong nagawa kundi pagmasdan kang lumabas ng pintuan.  Ang isang pabor na hinihingi ko—ngayo’y binalewala mo lang.

“ H-Happy B-Birthday to me…” Maluhaluha kong sabi habang dahan-dahang hinipan ang kandila sa cake.

Simula noon, hindi na kita nakita.  Nawala ka na lang ng parang bula.  Pasensya na ha?  Ayoko lang naman na masaktan ka pero hindi ko alam na ako pala mismo ang nakakasakit sa’yo.  Pero bakit? Bakit kaylangan mo pa ‘kong iwan? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit para sa akin iyon? Ginawa ko lang naman ang makakaya ko para protektahan ka.  Pero, ikaw mismo ang lumayo.  Nagbago ka

Bumalik ako sa realidad nang mamalayan kong umiiyak na naman ako.  Agad kong pinunasan ang mga luha ko dahil may narinig akong katok sa pinto.

“ Ms. Evangelista…” Sabi ng nurse sa akin.  Nagkatinginan kami saglit.  Eto na naman tayo

“ Sabihin mo hindi na ‘ko magpapasurgery.” Diretsong sagot ko.  Alam ko naman ang itatanong niya eh, tungkol ito sa nakaschedule ko na surgery ngayon.  Pero hindi ko alam.  Sa dinamidami ng surgery na napagdaanan ko—ngayon lang ako nakaramdam ng pagsuko.  Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod.  Ngayon lang ako napaisip na ‘Bakit pa ako buhay hanggang ngayon, kung ganto lang naman ang dinadanas ko.’  Ano pa ang silbi ng buhay kung ang tanging tao na minamahal ko ay wala.

“ Pero…”

“ I’m fine.  Pakilapit na lang ng wheelchair.” Sabi ko sabay turo sa wheelchair sa isang tabi.  Agad naman siyang sumunod.  Dahan-dahan akong umupo dito at lumabas na ng kwarto.

Dahan-dahan akong umusad .  Hindi ko alam kung saan ako tutungo pero eto ang dinidikta ng puso ko.  Alam mo ba? Hanngang ngayon umaasa pa rin ako? Umaasa pa rin akong babalik ka.  Pero tatlong taon na ang nakalipas at hindi ka pa rin bumabalik.  ‘Wag kang mag-alala, handa naman akong maghintay sa’yo at tatanggapin kita ng buong puso.

Habang ako’y patuloy pa rin sa pag-usad.  May lalaking nakakuha ng atensyon ko. Nakangiti siya.  Isang ngiti na pamilyar.  Isang ngiti na matagal ko nang hindi nakita. Nagkatitigan kami at si di ko alam na rason ay bumalik ang masasayang alaala.  Agad akong napaluha lalo na nang magsalita ka at niyakap ako at sinabing:

“ Ma, patawad sa lahat nang nagawa ko…mahal na mahal kita.”

 -End

He Smiled, I CriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon