'Sorry'-zoned

1.4K 51 13
                                    

"Uyy, sorry na!"



Haay. Ito na naman 'tong si Allen na 'to. Literal na panira ng araw. Eh paano ba naman kasi? Simula nung isang lingo, biglaang nagsosorry sakin. Imba dude. Sarap katayin.



"Tigilan mo nga ako ng kaso-sorry mo! Nakakaiyamot na!" sabi ko habang lumalakad palayo bitbit ang mga librong ilalagay ko sa locker.



"Ayoko nga! Sorry na kasi! Patawarin mo na ako!" pagpipiilit ni Allen.



"Sabihin mo muna kung bakit! Tsaka kita patatawarin." Tunay naman diba? Paano kung napatay pala nya pusa ko, tapos hindi ko naman alam na yun pala ang dahilan, eh napatawad ko na sya? Mahirap na yung may pangblack mail ang mga tao sakin.



Bumalik na ako sa upuan ko at nagsimulang magsulat ng kung ano-ano sa notebook ko. Absent kasi ang prof, eh wala namang substitute. Lagi namang ganito dito. Buti nasira last week yung CCTV sa may hall naming di kami kita ng prefect.



"Friend!" sabi ni Kyndra habang hablot-hablot nya ang buhok ko. "Aminin mo nga sakin! Anong namamagitan sa inyo ni Allen?!"



"KYNDRA! ARAY! BITAWAN MO BUHOK KO!" sabi ko at Kinamehamewave ko sya sa tiyan.



"Masakit Loise ha!" sabi ni Kyndra at binitawan na rin ang buhok ko kasi pinantaklob nya na yung mga kamay nya sa may tiyan nya.



"Quits lang! Sakit mo sa bangs!" sabi ko habang fini-fingercomb ko ang aking naka-Palmolive Naturals na buhok. Feel ne feel ko ang pagiging Janella Salvador.



"So yun nga! Anong meron sa inyo ni oh-so-hot na si Allen?" 



"Ha? Wala!" 



"Eh bakit sya nagsosorry sayo kanina? For all I know, may secret relationship kayo, tapos nagLQ kayo! Right? Right?!" May mga times talaga na ang sarap lang hambalusin ng pagmumukha ni Kyndra.



"WALA NGA SABI DIBA?!" May lahing tuko kasi 'tong si Kyndra, pagpasensyahan nyo na. "Nababaliw nga ata yung tao. Biglaan na lang naso-sorry. Eh di nga kami naguusap dati." Seryoso. Hindi ako yung mga babaeng nagsasabi ng wala, pero deep inside kilig na kilig naman. Pag sinabi kong wala, wala. "Atsaka alam mo namang galit ako sa mga nagkakagusto sakin. Kaya kahit sa ganda kong 'to, walang nagkakagusto sakin!"



"CHERERET MO!" At naghabulan kami sa classroom. Ganyan eh, bestfriend eh.





*KRIIIIIIIIIIIIIING* 





"Hooo! Time na! Sa wakas!" unat ni Kyndra habang binubuhat ang bag nya. "LOISE! Tara na sa Infinitea! Treat ko!"



"Ugh! Wrong timing ka naman friend eh! May rehearsals ako, remember?" Ugh. Si Kyndra kasi! Pinalista ang pangalan ko para sa Mr. and Ms. Intrams. Hindi naman ako makatanggi, kasi president ako ng section namin. Kahiya-hiya naman sa adviser ko kung ayawan ko. Tsaka maganda naman ako! HAHAHAHA! Chereret.



"Ayyyy! Oo nga pala! Geh! Bye friend! Si Aly na lang ang isasama ko. Byiiee!" Nagsimula ng maglakad si Kyndra pupunta sa section ni Aly. Magkakahiwalay na kasi kami ng section. Buti na lang kasection ko pa si Kyndra.



"Uyy, sorry na!"



"PUTAKTE NG KALABAW!" napasigaw ako! Leche! Wag kasing manggulat!



"At kailan pa pumutakte ang kalabaw? Ha? Ms. Mindanao?" Lecheng panira ng araw talaga si Allen na 'to.



"Nakakabwisit ka, bow. Umalis ka dyan sa harapan ko at may business pa akong pupuntahan. kaya gora, alis, chuchu, b-a-b-a-y." sabi ko habang iniwasan na sya at umalis na lang gamit yung back door kasi nga hinaharangan nya yung front door. Need kong pumunta sa gym para nga sa rehearsals.



Pero itong Allen na 'to, pinaglihi ata sa tukong may mighty bond ang paa. Dikit ng dikit! Sunod ng sunod sakin. 



"Alam mo namang hindi kita titigilan hangga't hindi mo ako napapatawad diba?" Ayan na naman yang si sorry.



"Tigilan mo akong pakshit ka. Di ko kailangan ng sorry mo." Pero kahit ilang mura (with matching laway) ata ang italsik ko sa mukha nito, ayaw akong tigilan. Tapos sigaw ng sigaw ng sorry. So technically, mukha talaga kaming LQ kung hindi mo alam ang buong story.



Pagkadating ko sa old gym namin, nandun na yung ibang mga candidates. Hindi naman ata Mr. and Ms. United Nations ang sasalihan ko. Mr. and Ms. Undas ata ituu. So kung baga ang ganda ko ngayon ay parang kape ni Daniel Padilla. NANGINGIBABAW.



So yun, may host na college din, tapos praktis na tinawag kami, kung paano eentrance, tapos praktis-praktis lang and then later on nireveal na may kapartner pala dapat kami. Kasi nga diba Mr. and Ms. Eh ang napili daw ng klase ay si Allen. Kaya pala sunod ng sunod sakin kasi dito din ang punta. Feel ko kasi kanina, sorry na!



Natapos na ang praktis. Tinuruan lang kami nung prod. number, na daig pa namin si Maria Clara kung umibo. Dapat kasi pag prod. number, cramping agad! Ganun! Paru-parung Bukid pa ang music ng prod. number namin. Ayos 'to! Paru-parung Bukid ft. Abra. Mejj minadali na nga lang kami kasi two days na lang, contest proper na.









Pagpasok ko pa lang sa gate, andami ko ng narinig! Sabi na! Dapat sinunod ko na lang ang aking katawan na wag ng bumangon. Alam nyo naman kung gaano kabilis magspread ang chismis. Mga chikadora kasi mga kaschool mates ko. Lahat ginagawang issue. Pati yung simpleng dare na kiss sa lips na hindi naman lumapat, PAK NA PAK ang balita!



"Sabi na nga ba! Kayo! Kayo! Kayo!" Pati ba naman si Kyndra?!

"Di ba sabi ko, wala, wala, wala?! Eh sino ba paniniwalaan mo?" 

"Sabi ko nga, ikaw."

"Nakakastress kayo! Kasira ng beauty! Nasaan si Aly?"

"Ewan ko dun! May mission daw sya! Eh hindi ko naman alam may balak palang maging isang spy ang gaga at may pa-mission-mission pa!" Umakyat na kami ni Kyndra sa classroom at sumalubong na naman sya sakin. You-know-who.



"Sorry!" Kulet ng lahi mo dude.

"Sorry agad? Wala man lang 'Good Morning'?" pambasag ko sa kanya at umupo na sa upuan ko. May quiz nga pala sa Chem, shet.

"Ahh! So wo-walkoutan mo na lang ako ganon?" PAKINGSHET AKO PA MAY PROBLEMA?!

"ANO BANG PROBLEMA MO HA?! AKO PA 'TONG MAKASALANAN NGAYON?! HA?! ANO?! MAGKUKUMPISAL NA BA AKO?!"

"Dapat ako ang magkumpisal! Kasi nga ako ang may kasalanan sa'yo! Sorry!" Ugh, ito na namang si sorry.

"Ewan ko sa'yo! Nakakabwisit kang gago ka!" Pumunta na lang ako sa basketball court dala-dala ang libro ko sa chem. Dun na lang ako mag-aaral kasi maraming basketball players ang naglalaro dun every morning. Syempre ailangan ko ng insipiration! Charot. Tuwing umaga kasi bawala maglaro sa mga courts. After dismissal lang pwede. Kaya go! Lezz do diz!






Kinakabahan. I don't know pero kinakabahan ako. Oo, maganda ako, pero di pa rin nawawala ang kaba ko. Wala naman atang sasali sa isan contest a pachill-chill lang (instead na lang kung nakahithit kayo or something).

Konting minutes na lang at contest proper na. Nagaannounce na sila ng pagiging maganda ng umaga. Pinapractice ko yung prod number na paru-parong bukid. Tapos nayon ko lang narealize, anong kinalaman ng paru-parong bukid sa intrams? Sinisymbolize ba nito ang ano o ewan. 

"Please welcome, the candidates for Mr. and Ms. Intramurals 2013!" pagtawag nung host samin. Contestant 15 ako kaya ako pa ang pinakahuling lalabas. Lord, patnubayan nyo ho ang aking paglalakad wag sanang matapilok.

Lumabas na kami papuntang stage. Hala, andaming tao! Pag ako natapilok isusumpa ko itong gym na ito na kung sino man ang pang 15 na contestant ay panghabang buhay ng matatapilok.

Buti naman nakalagpas ako ng isang round sa stage. Paexit na sana ako ng may biglang nagsalita sa mic. "Ms. Loise Cristina Perez." Pag karinig ko ng pangalan ko ay bigla akong natapilok. Wth.



"I'm sorry." paglingon ko, 'twas Allen. 

Naiiyak ako. Una kasi, natapilok ako sa harap ng maraming tao, at pangalawa, si Allen.

"Pakshit ka! Hindi ka na nakakatuwa! Sumorry ka na ng sumorry! Napahiya mo pa ako sa harap ng maraming tao! Gago ka!" sinusuntok-suntok ko sya habang naiyak ako. Ewan. Alam nyo ba yung feeling na talagang naiiyak ka na lang kasi ayaw mo na, suko ka na?

"Sorry na nga sabi." Mahinahon lang nyang sagot. Bakit ba parang wala syang pakielam sa nararamdaman ng iba?

"Bakit kamo?" Parang nabasa nya yung nasa isip ko. "Kasi diba sabi mo, galit ka sa mga atong nagkakagusto sa'yo?" My heart stopped. "Kaya 'yan, sorry. Kasi minahal kita. Sorry, sorry, sorry!" Lumuhod sya sa harapan ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung anong sasabihin ko. Tutuloy ba ako sapagiyak o tatakbo na lang? "Kung ganon, A-Allen... s-sorry din..." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'to, bahala na. "Allen, sorry din." Napanagiti sya. 

"Sorry kasi hindi kita kayang mahalin ng tulad ng pagmamahal mo sakin." At yung mga ngiting yun ay biglang naglaho.

Sorry Allen, sorry.

----------------------------------------

Mehehehe. I know, sabog. Gusto ko lang talaga magsulat na ulit dahil sembreak na. Nyehehe. Hi Loise!

©CrooCroo Riel. 2013. All rights reserved.

'Sorry'-zonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon