"ASSHOLE! Your not listening!" sigaw ng babae sa lalaki.
Tumayo ang lalaki, tinignan n'ya ng mata sa mata ang babae at nag-simulang mag-salita, "Makinig? Ngayon sasabihin mong makinig ako sayo, bakit ha. Bakit!" unti-unting pumapatak ang mga luha ng lalaki sa kanan nitong mata. "Nakinig kaba sakin noong nagmamaka-awa ako sayo. Noong nagmamaka-awa ako sayo habang naka-luhod. Noong nagmamaka-awa ako sayo habang naka-luhod at umiiyak. Noong nagmamaka-awa ako sayo habang kasabay ko ang mga patak ng ulan na umaagos ng aking mga luha. Sa harapan mo. Sa harapan ng maraming tao. Nakinig kaba? Nakinig kaba? Hinde, mas pinili mong ako'y talikuran at iwan. Sa maraming tao'y ako'y napahiya. Ang iba'y nagagalak ang iba'y naawa." nang tuluyan nang dumaan sa pisngi ng lalaki ang sunod-sunod na mga luha.
"Labis koyong dinamdam sa aking puso,sarili at pagkatao. Ginawa mo sakin, hindi maka-tao. Kaya nagmukmok,nagkulong hindi lumabas saking kwarto ng ilang linggo. Hindi kumain nikahit tubig hindi uminom. Matapang kong katawan ngayon ay nasadlak sa hina at duwag na tao. Kinabukasan ko tila nawala, naglaho." Dag-dag pa ng kaawa-awang lalaki.
"Ngayon mo sabihin sakin na dapat ba akong makinig sayo, na dapat ba akong makinig pa sa mga sinasabi mo at sasabihin mo. Sa mga sasabihin mo pa lang at hindi muna sasabihin."
"Tapos na ako sayo, tapos na!"
Dahan-dahan bumalik sa pagkakaupo ang lalaki sa kanyang upuan at nagpunas ng mga luha. Samanthalang, hindi makapaniwala ang babae. Makikita sa mukha nito ang bakas ng paggulat at pagka-bigla sa mga binitawang mga salita sa kanya ng lalaki. Tulala itong pinagmamasdan lang ang lalaki. Ganoon din, ang buong klase. Ang lahat ay nakatingin lang sa dalawang tao sa harapan. Katahimikan ang bumalot sa lahat ng nasa silid-aralan.
Nang nagsalita uli ang lalaki..."Haha! Joke lang ma'am, tara start na tayo." nakangiting sabi nito na para bang nakakaloko. Kaya nagsitawanan din ang mga katabi at kaklase nito.
Pumantig ang tenga mg guro, at nagsimulang uminit ang tenga nito tila parang umuusok na sumigaw ito ng napakalakas.
"GET OUUUTGRR!!!"
Kinabukasan, KICK-OUT nas'ya.
Ang KICK-OUT BOW.
_________________________________________________
HAHAHAHAHA! JUST FOR FUN GUYS!
-sicretlynamed