Part Seven -

9 1 0
                                    

*Steven’s POV*

I never knew Rania could be such a spontaneous, giggly, and simple girl. She was more than I expected.

Tinitingnan ko lang siya ngayon sa kama niya. She’s fast asleep. 10pm na kami nakauwi. Nagpalit siya agad pero ako, nakipagkulitan muna ako sa mga kapatid niya tapos konting kwentuhan kina Tito at Tita. I discovered na hindi siya makwentong tao pagdating sa pamilya niya. Alam mo yung bossy type na maldita sa family? Ganun siya. Pero depensa naman nina Tita, she’s really a kind girl. I believe them.

She’s hugging the gift I gave her nung nag-away kami. I wonder why she’s still keeping it beside her.

She’s really moody but she’s sweet. Napatunayan ko yun kahapon. AH! And hindi rin pala siya lapitin ng mga bata! HAHA! XD Nilalayuan siya ng mga bata. Nakakatawa lang kasi talaga. Although she swears, and I get turned off, every time I see her in her most simple smile, ewan ko. Napapangiti nalang ako. Matic nalang siguro yun? Diba nga sabi nila? Pag may nakita kang nakangiti, mapapangiti ka din daw?

Maya-maya, tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama niya. Pumunta na ako sa kama ko. Sakto namang pumasok si Tito.

“Tito? Ano po yun? May kailangan po ba kayo?”

“Ah. Wala naman. Good night.”

Well, ba’t ba nagtanong pa ba ako? He does it every night naman.

Paggising ko, tanghali na. Pagbaba ko, si Ragelle lang yung nakita ko. Nagluto ako ng makakain ko.

Maya-maya, dumating na si Rania, kasama si Risa. Andami nilang dala. Tumayo agad ako tapos kinuha yung bitbit ni Risa. Nilapag ko yung pinamili nila sa kitchen table.

“Thanks.” Sabi ni Rania saken.

THANKS LANG. Nilapag niya yung mga bitbit niya sa kitchen table tapos lumabas na naman. Hindi man lang niya ako tiningnan. Yung mga pinamili niya, alam mo yung mga pagkaing easy to cook? Ayun! Pumunta ako sa sala. Andami nilang pinamili! Siguro mga 8 plastic bags na malalaki yun. Hindi pa kasali yung mga nasa kitchen na.

“Hey Risa. Sa inyo na to ni Ragelle.” Sabi niya sabay abot ng isang plastic bag

Puro junk foods naman. -.-

“Thank you!”

“Pero bago yun, iakyat niyo muna to sa kwarto ko. Lagay niyo nalang sa kama ko.”

“Aye aye!”

Nakita ko yung bossy side niya. Nakakatawa kasi bagay naman. Nagka-eye contact kami pero parang wala lang sa kanya. WOW AH! PARANG DI KAMI MAGKASAMA KAHAPON AH?! Hindi ko siya magets!

Bumalik na ako sa dining area. Nakita ko siya. Nakita niya ako. Tapos poker face siya!? WOW AH! Nilagay niya yung mga foods sa fridge tapos yung iba, sa cabinet. Tapos after nun, umakyat na siya. Nakapaghugas narin ako ng mga plato.

Pag-akyat ko, nakita ko sina Risa at Ragelle.

“UY! Penge ako.”

Tapos binigyan nila ako. Pagpasok ko, nakita ko si Rania. Nilalagay niya lahat ng pinamili niya sa isang malaking plastic na box.

“Uy. Pakilagay naman tong mga to sa fridge~”

“Makautos?” Sabi ko pero joke lang yun.

Hindi na niya ako sinagot pero nung lalapit na ako para kunin yung pinapababa niya, tumayo siya bigla tapos kinuha yung mga yun saka bumaba. Hindi naman siya mukhang galit?

Better To Be...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon