Peachy's POV (naks! HAHAHA)Uwaaa dugeun dugeun! First day of class na huhuhu :( ang bilis talaga ng panahon. Pinakamalala pa sa sitwasyon ko ay transferee kami! Kilala niyo ang Dalawang Beses diba? Squad namin yun a.k.a Twice HAHAHA! Actually kami lang ni Mina at Sasha ang transferee. Si Naomi at yung iba dito na talaga nagaaral.
"So girls eto ang magiging classroom niyo." Sabi saamin ni Ms. Fernando. "Stay lang kayo diyan at tatawagin ko kayo isa isa." Sabi niya uli.
Ay taray may grand entrance ganern?
Pero omg!! Saan kaya dito si DK babes ko :( hindi ko na siya nacha-chat masyado kasi busy ako bumili ng school supplies eh. Sana magka-klase kami :(
"Mga beh fighting!" Sabi ni Mina
Si Sasha naman pinapakalma namin kasi sobra daw siyang kinakabahan. Sabi pa nga niya kanina, paano daw kung may mga bully, gangsters or kung ano man ang mga estudyante dito. Masyado naman kasing judgemental si Sasha hahaha! Kahit mga loka-loka naman sila Naomi. May mga honors sila at may class naman.
"CLASS QUIET!" Rinig naming sigaw ni Ms. Fernando.
"Meron kayong bagong classmates." Wika niya.
"Wow!"
"Ma'am chix ba?"
"Kung panget uwi!"
"Sa wakas! Sawang-sawa na ko sa mga pagmumukha ng mga to eh."
Sabi ng mga estudyante sa loob at mas lalo pa silang umingay.
"Huhuhu! Uwi nalang tayo mga beh! Dun nalang tayo sa bago nating school." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Sasha.
"Oy gaga kalma! 3rd year na tayo kinakabahan ka padin?" Sabi ko.
"Oo nga! Tsaka andito naman kami ni Peachy no! Reresbakan ka namin pag may nangaway sayo!" Sabi naman ni Mina.
"Pakikilala ko sila sainyo isa isa okay?" Rinig uli naming sabi ni Ms. Fernando.
"Mga beh grand entrance talaga balak ni ma'am ano?" Sabi ni Mina kaya natawa kami.
"Kaya wag kang kabahan diyan Sasha! Chin up baby!" Sabi ko. (A/N; chin up baby! Chin up baby! HAHAHAHA gets niyo? Hindi? Ahh ok.)
"Miss Mina Alcantara pwede ka na pumasok." Rinig naming sabi ni ma'am.
"Uy Mina ikaw na daw!" Bulong ko sakanya.
"Fighting!" Sabi ni Sasha.
Baka by alphabetical ang trip ni ma'am. A for Alcantara, G for Garcia (ako) & M for Minatozaki (si Sasha).
"A-eh.. Hello! Ako si Mina Alcantara. 16 years old nako and accelerated ako ng isang taon. Sana maging magkaibigan tayong lahat." Sabi niya at nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob.
"Okay. Nice to meet you Ms. Mina Alcantara pwede ka ng umupo."
"Ang next naman ay si Ms. Garcia." Sabi ni ma'am
Wohoo! Fighting Peachy!
"Go Peachy!" Sabi ni Sasha
Pumasok na ko sa loob ng biglang..
*BLAG*
"Miss Garcia are you okay?!"
"I-i'm okay p-po." Sabi ko.
Putahamnida naman! Ba't ba ko nadapa?
HUHUHUHU :(
"O-okay magpakilala ka na." Sabi ni ma'am.
"C-classmates okay lang ako! Kasama yun sa grand entrance ko!" Palusot ko. "Ako nga pala si-"
Napatigil ako ng bigla kong nakita si Dean...
OHMYGOSH.
Hindi ako pwede magkamali. Si DK yun! Dean kyross!
Nakita ko siyang nasa dulo na tumatawa na parang tanga. Oo parang tanga kasi yung mga mukha ng mga kaklase ko ay parang clueless na nagaalala saakin tas siya mukhang tanga na tumatawa palihim sa dulo.
"A-ako si Peachy Elizabeth Garica pero Peachy nalang ang itawag niyo saakin & i'm 17 years old." Sabi ko.
"Nice to meet you Miss Peachy Garcia. Pwede kang umupo sa tabi ni.."
Tinignan ko si ma'am na tila naghahanap pa ng vacant seat para saakin.
"Ah! Sa tabi ni Mr. Lee!"
"WHAT?" Sigaw ko na ikinagulat naman ni Ms. Fernando.
"I-i mean ano po- sige po ma'am." Sabi ko at pumunta na sa upuan tabi ni DK.
Huhuhuhu :(
Naglalakad ako ng nakatungo kasi baka mabato ko siya kapag nakita ko pagmumukha niya.
"Mahal kita pero bibigwasan kita!" Sabi nga ni baron gaisler! Pero joke lang! Crush ko lang naman yang si DK HAHAHAHA!
Umupo na ko yung tipong upo na patalikod sakanya. Gets niyo? :(
"Hello Ms. stalker."
BINABASA MO ANG
Peachy l Dokyeom
FanfictionTwice's Momo x Seventeen's Dokyeom ff. {Epistolary #1) Cover made by: @baerrymilks